Tu

29 1 0
                                    

JET's POV

"Ha?? Bakit hindi ko alam?!!"

"Aba malay ko, ako nga tinext lang ni She na umalis na pala si Nathan e."

"Pare, bagong chix! Paniguradong matalino 'yan, exchange student e! Jackpot na!"

"Oo pero lugi siya sa'yo."

"Gagi."

"Hay! Wala na kong inspiration! Nathan koooooo!"

Nagkatinginan kaming lima nang makita ang nagkakagulong mga estudyante sa may parking lot ng school. May mga halos humaba na ang leeg makapag-usyoso lang. May nagbubulungan at ang iba naman ay naiinis dahil hindi nila makita ang kung ano o sino man ang nandoon.

"Who?" Tanong ni Ken habang nakatingin sa nagkakagulong mga estudyante.

"Sa malamang 'yan yung kapalit ni Nathan." Sagot ni Rydel. Napatingin kaming apat sa kaniya. "Hm? Hindi niyo alam? Ngayon ang lipat ni Nathan sa Daffron Interworld School sa Pangasinan as an Exchange Student." Natahimik kaming apat. Wala talaga kaming alam. Sa mga balita, si Rydel talaga ang maaasahan namin hindi dahil sa tsismoso siya, kundi dahil siya ang may-ari ng school na 'to.

"Bakit ba hindi ako naging matalino? Edi sana nakakagala rin ako sa iba't-ibang lugar!" Sabi ni Dave na para bang nag-iisip talaga siya bakit hindi siya pinanganak na matalino.

"Anong pakinabang ng mga pera mo sa bangko??" Tanong ko sa kaniya.

"Wala! Wala! Dahil ayaw naman ipagamit sa akin nina Mom and Dad!" Nakangusong aniya. Tsh. Childish. Inismiran ko na lang siya at ibinalik ang tingin sa kumpol ng estudyante.

Grabe. Ang lakas, nagawa niyang kunin ang atensyon ng mga estudyante habang kami naetchapwera na. Nakakapanibago.

"Babae ang kapalit??" Tanong ni Ken.

"Hm." Malaki ang ngising sagot ni Rydel. Napailing na lang kami sa kaniya. His playboy side turns on again. Tsk tsk tsk.

"Nakita mo na?" Tanong ko.

"Nope. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Pero okay na ko sa fact na matalino siya. Ayos na sa'kin 'yon." Pilyong aniya.

"Will you please stop??" Seryosong sabi sa kaniya ni Ken na nanatili ang tingin sa mga estudyanteng nagkakagulo. Natigil naman agad si Rydel sa kalokohan niya.

"Oh my goooooosh! Baka siya na yaaan!" Napunta ang atensyon naming lima sa dalawang taong tumakbo sa harapan namin papunta sa mga nagkakagulong estudyante.

"Diara! Girl masakit! Bitawan mo ko kaya kong tumakbo mag-isa!" Reklamo ni Mica kay Diara. Uh, wag kayong magkakamali. Mica is not a girl. He's---ah, okay she na gamitin natin. She's a gay. Michael is her real name but she's using Micaela as her name. And the girl pulling her? That's Diara. She's very familiar to us. Why? Hmm..

"Bakit namumula ka??" Playful na tanong ni Dave sa kapatid ko. Sinamaan naman siya nito ng tingin.

Yeah, Diara is Ken's love interest.

"I'm not." Depensa ni Ken. Pero kitang-kita namang namumula talaga siya.

Nakita naming nakipagsiksikan silang dalawa sa mga estudyante.

"Ano bang ginagawa niya?" Kunot-noong tanong ni Ken. Pero alam naming hindi iyon para sa'min. He's asking himself.

Maya-maya lang, nag-give space ang mga estudyante at doon, lumakad ang dalawang medyo may-edad na babae at lalaki, at isang di-pamilyar na babae. Malamang siya na 'yong exchange student. Nakayuko siya at nakakawit ang kamay ni Diara sa braso niya.

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon