JET's POV
Sobra kaming nagulat nang makita ang patay na katawan ng ate ni Diara sa loob ng malaking kahon habang nilalapa ng malaking aso. Hindi lahat ay alam na ate ni Diara ang nasa loob no'n ngunit kita naming sobra rin silang natakot at nabahala sa nakita sa loob ng kahon na iyon. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung paanong napunta ang bagay na iyon doon nang wala man lang bakas ng dinaanan. Kaya iniisip tuloy namin na kaya iyon kumalabog ng malakas ay dahil inilaglag iyon mula sa itaas, na hindi imposible.
"Sino naman kaya ang may gawa no'n??" Basag ni Dave sa katahimikan. Nandito kami ngayon sa loob ng clinic at matapos naming makausap ang Nurse ay wala nang nagsalita pa.
"No one knows.." Buntong-hiningang sagot naman ni Rydel. Napunta ang tingin ko sa kapatid kong kanina pang humahaplos sa ulo at buhok ni Diara mula pa kaninang dumating kami rito. Alam kong sobra siyang nag-aalala ngayon sa dalaga lalo na't siya mismo'y nakita rin ang mga nakita namin kanina.
Lumipat naman ang tingin ko sa dalawang taong nakaupo sa sofa malapit sa bintana.
Malayo ang tingin ni Alisha samantalang nakatulala sa sahig si Mica. Napabuntong-hininga na lang ako.
Hanggang sa dumako ang tingin ko kay Mackee. May pagkakataon na nakikita ko siyang sumusulyap kay Alisha. Ngunit ni isang beses ay hindi ko nakitang nilingon siya ng babae.
Halos kakaalis lang rin ni Zam. Pero bago siya umalis kanina ay ibinilin niya sa amin si Alisha at may sinabi siyang ikina-curious namin at ikinagulo ng isip.
"It's the second time she experienced this kind of situation.. Please take care of her while I'm not here. I'll be back as soon as possible. May kailangan lang akong gawin saglit."
At may sinabi rin siya kay Alisha na ibulong niya man sa dalaga ay rinig pa rin namin.
"When Diara woke up, don't let her say anything related to this situation. I know na kapag nagiging emosyonal siya e lahat ng alam niya ay sinasabi niya.. Remember the guy is just around. He might tell the other guy what he's hearing about your past."
Ang sakit sa ulo. Ang hirap manghula.
"N-Nga pala, Alisha.." Alam kong medyo alangan si Ken nang tawagin niya si Alisha. Ngunit nakahinga kaming lahat ng maluwag nang agad na lumingon siya sa kapatid ko. Pero wala siyang sinabing anuman. "K-Kanina.. Bakit parang gustong-gusto mong lapitan 'yung kahon?" Tanong ni Ken at agad na napalingon kami kay Alisha. Gusto kong sumabat at sabihing ganun din ang tanong ko sa isip, ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik.
Medyo matagal bago siya sumagot sa tanong.
"Yung sticker.." Seryosong panimula niya na ikinakunot ng noo namin. "Nakita ko 'yong sticker kaya masama ang naging kutob ko at nagkaroon akong bigla ng urge na lapitan 'yon at tingnan kung 'sino' ang naro'n. Nang makita ko ang sticker na 'yon, napagtanto ko agad na tao ang laman no'n." Dagdag niya na lalong nagparami ng tanong sa isip namin.
Bigla ay naalala ko ang paghagulgol ni Diara kanina habang pinipigilan siya ni Alisha sa paglapit sa kahon at sinabi ni Diara na, "Alisha I saw the sticker! I saw it! And your reaction proved me that what came into my mind is right!"
'So what's with the sticker??'
"B-Bakit?? Ano bang m-mayro'n sa sticker na 'yon?? A-At wala naman kaming napansin na ganun kanina sa box." Si Dave. Pero imbis na sagutin kami, tumulala nalang ulit siya sa kawalan at binalewala ang tanong niya. Nanghihinayang na napabagsak balikat kaming lima.

BINABASA MO ANG
AGAIN [On Going]
RomanceHISTORY REPEATS ITSELF. But this time, With different PERSON, With different PLACE, With different SCENARIO, And with different FEELINGS. This story will show you the real meaning of LOVE. ❤ ~~~ "Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat.. H...