Tuwelv

17 1 0
                                    

ALISHA's POV

"Ah, Alisha ija.. Pwede bang makibigyan mo ng pagkain ang mga schoolmate niyo ni Diara na nasa Garden ngayon? Kararating lang nila.." Kita pa rin ang lungkot sa mga mata ni Tita Lily habang sinasabi iyon sa akin.

"Sige po, Tita.." Sagot ko. Tango lang ang isinagot ni Tita pagkatapos ay bumaling naman siya kay Diara.

"Kumain ka na, anak.. Makakasama sa'yo kung palagi mong tatanggihan ang pagkain. Hindi rin panigurado gugustuhin ng ate mo na makita kang ganyan dahil sa kaniya.." Ani Tita Lily kay Diara'ng kanina pa hindi umaalis sa tabi ng coffin ni ate Lea.

"I'm okay, Mom." Malumbay na sagot ni Diara ngunit hindi natinag ang tingin sa kabaong ng ate niya. Napabuntong-hininga na lang si Tita.

"Basta kapag nagutom ka, kumain ka lang, ha??" Malumanay na tanong ni Tita Lily. Pero wala na siyang nakuhang sagot mula kay Diara kaya naman umalis na lang siya.

"D-Diara.. Tutulungan ko lang si Tita Lily sa pagse-serve ng mga pagkain, ha? Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ko.." Pang-aalo at paalam ko kay Diara. Buntong-hininga ang isinagot niya sa akin. "Always remember I am always here, Diara. Marami kaming nag-aalala sa'yo." Sabi ko sa kaniya bago ako tuluyang pumunta ng kusina nila para kuhanan ng pagkain ang mga bagong dating na bisita.

Naabutan ko si Tita Lily sa kusina habang naghahain ng mga naluto nang pagkain. Pero natigilan ako nang makitang bawat galaw niya'y nagpupunas siya ng mata't pisngi niya. Umiiyak na naman si Tita.

Agad na lumapit ako sa kaniya at hindi niya namalayan ang paglapit ko. Hinaplos ko ang likod niya dahilan para maramdaman niya ang presensya ko. Gulat na napalingon siya sa akin.

"A-Ah.. P-Pasensya na, Alisha.." Tuloy-tuloy ang luhang sabi ni Tita. Bigla ay parang pinipiga ang puso ko. "H-Hindi ko kasi m-matanggap.. Lalo na't..s-sa ganyang paraan siya n-namatay.." Umiiyak na sabi pa ni Tita. Patuloy lang ako sa paghaplos ng likod niya. "Kaya bilib ako sa'yo, ija.." Natigilan ako nang sabihin iyon ni Tita. Nakangiting tinitigan niya ako. "Napapaglabanan mo ang takot mo sa mga panahong ganito.." Pagpapatuloy niya. "Alam ko ang nangyari sa'yo.. Kung tutuusin ikaw ang dapat na ganito ang reaksyon dahil minsan mo nang naging bangungot ang ganitong sitwasyon. Pero heto ka't ikaw pa ang nasa tabi namin ni Diara sa mga oras na'to.. Bilib talaga ako sa tapang mo, Alisha.."

"Basta po para sa inyo ni Diara, Tita Lily.. Alam niyo naman pong kayo ang pangalawang pamilya ko.." Malaki ang ngiting sabi ko dahilan para mapangiti ng mas malaki si Tita.

"Ah, tama na ang drama.." Natawa kaming dalawa ni Tita nang sabihin niya iyon. "Kapag inihatid mo 'to sa Garden, iwasan mo na lang ang tumingin sa pader noh, Alisha? May salamin kasing nakakabit do'n."

"Ah, sige po Tita salamat sa pag-aware sa'kin. Iikot nalang po ako sa terrace para siguradong hindi ko makikita yung salamin."

"Oh sige.. Heto pwede mo nang ihatid ang mga ito sa labas. Pagkatapos kumain ka na rin. Alam kong pagod ka na.."

"Sige po, Tita.." Sagot ko. Habang naglalagay ako ng mga pagkain sa tray, natigilan akong bigla. "T-Teka po, Tita Lily.." Tawag ko kay Tita kaya naman natigil siya sa paghuhugas ng plato. Nilingon niya ako.

"Hm??"

"P-Pa'no niyo po nalaman na may phobia ako sa mga salamin??" Takang tanong ko. Mahinang natawa si Tita.

"Paanong hindi ko malalaman.. Palaging nagkukwento sa akin si Diara tungkol sa'yo. Lahat yata ng nangyayari sa'yo alam namin ng ate niya dahil bukambibig ka niya sa amin. Kaya kahit yung Eisoptrophobia mo alam namin." Hindi maiwasang makaramdam ako ng paghaplos sa aking puso dahil sa sinabi ni Tita. "Kaya kung mapapansin mo, walang nakasabit na kahit anong salamin sa kabuuan ng bahay maliban sa pader sa garden, dahil inirequest 'yon ni Diara. Baka raw kasi pumunta ka dito kaya ayaw niyang magpalagay ng mga salamin." Napangiti ako lalo.

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon