Patuloy ako sa pagtakbo.
Umaagos na sa mukha ko ang mga pawis mula sa noo ko dahil sa sobrang pagod.
'I saw her, I swear.'
Huminto ako saglit at itinukod ang dalawang kamay ko sa aking tuhod. Habol ko rin ang sarili kong hininga dahil sa tantiya ko'y kalahating oras na akong nagtatatakbo at naghahanap na taong matagal ko nang hindi nakita.
'I'm sure that's her. Hindi ako pwedeng magkamali.'
Nagpatuloy ako sa pagtakbo at nagbabakasakaling baka makita ko siya.
Pero isang bagay ang gumugulo sa isip ko.
'Nakita niya rin ako.. Sigurado akong nakita niya rin ako.. Pero bakit sa inakto niya kanina ay parang hindi niya ako nakita at kilala?!!'
"Ahhh!!!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok nang sumigaw ako sa pagkalito at kirot na nararamdaman ko ngayon. Napahinto ako sa pagtakbo at namalayan ko na lamang na may luhang pumatak mula sa mata ko.
Halos lahat ng nakapaligid sa akin ay napunta ang atensyon sa akin. Pero wala akong pakialam ngayon kung anong tingin nila sa akin.
'Tatlong taon! Tatlong taon kang hindi nagpakita sa'kin!'
Nakita ko mismo na nagtama ang mga mata namin kanina bago umalis ang kotseng sinasakyan niya! Agad kong sinundan ang sasakyang iyon pero huli na. Masyado na silang nakalayo pero pinilit ko pa ring humabol dahil nagbabakasakali akong baka mahabol ko pa rin sila.
'Sa pagkakaalala ko ikaw ang nawala, ikaw ang nang-iwan at umalis ng walang paalam. Ikaw ang nanakit. Pero bakit ako ang naghahabol ngayon? Bakit parang wala kang pakialam? At ang pinaka-hindi mawaglit sa isip ko, bakit mo ko iniwan noong mga panahong mas kailangan kita pagtapos ay hindi ka na bumalik pa??'
"Mas ayos pa kung hindi mo ko nakita.. Maiintindihan ko yun. Pero nakita mo ko, Carla, nakita mo ko, pero parang wala kang pakialam.." At nagpatuloy sa pagpatak ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
'You look very weak right now, Jet. That's not the Asthron Jert Jackson I know! Stop crying!'
Pilit kong kinakausap ang sarili ko pero walang epekto. Wala. Dahil nangingibabaw sa akin ngayon ay SAKIT, LUNGKOT at PAGKALITO.
BINABASA MO ANG
AGAIN [On Going]
RomansaHISTORY REPEATS ITSELF. But this time, With different PERSON, With different PLACE, With different SCENARIO, And with different FEELINGS. This story will show you the real meaning of LOVE. ❤ ~~~ "Kasalanan ko kung bakit naging ganito ang lahat.. H...