Ten

11 1 0
                                    

ALISHA's POV

Kanina pa ako kating-kating bigwasan ang katabi ko ngayon. Ilang na ilang na 'ko sa mga titig niya!

'Problema ba nito?!!'

Medyo ipinaling ko na lang ang katawan ko pakanan para medyo makadistansya sa kaniya dahil pakiramdam ko'y saglit na lang ang susunggaban niya na ako.

'Manyak pa naman 'to.'

-_-

Hindi ko makakalimutan ang pamboboso niya sa'kin kagabi at ang pagpapantasya sa puwet ko. Naiinis ako sa kaniya tuwing maalala ko ang kahiya-hiyang pangyayari na iyon kagabi sa unit niya. Ngunit pinipigilan ko ang magalit dahil ayokong ma-kick out ng school dahil nakapatay ako.

"Is everything clear?" Labas gilagid na tanong ni Coach Val at agad namang sumagot ang lahat.

"Yes Coach.."

"Good. You may now go back to your respective rooms." At pagkasabi no'n ni Coach, halos mag-unahan sila sa pagtayo maliban sa akin at sa bwisit na katabi ko.

"Hi Alisha!" Kusa akong napalingon sa pinaggalingan ng boses na iyon. At bumungad sa akin ang isang magandang babae habang may nakaakbay na lalaki sa kaniyang malaki rin ang ngiti sa akin. Pilit na ngumiti ako.

"Hi." Bati ko rin at tumayo na. Naramdaman kong tumayo rin ang katabi ko.

"I am Thea.. And this is my boyfriend, Ian." Sabi niya at inilahad ang kamay sa akin na agad ko namang inabot.

"Nice to meet yo---" Pero napahinto ako sa pagsasalita nang umulit sa isip ko ang pangalan na binanggit niya.

'Ian.'

Napalingon ako sa lalaking nakaakbay sa kaniya.

"Hey.. Is there any problem?" Tanong ni Thea nang mapansin nag-iba ang reaksyon ko. Napangunutan naman ng noo ang tinawag niyang Ian dahil siguro tinititigan ko siya.

"Ian is her ultimate love interest, Leti. And guess what?? palagi niyang nakikitang nakikipaghalikan sa iba't ibang babae ang lalaking 'yon, and the same ng bilang ng lahat ng nakahalikan niya ang bilang ng beses na iniyakan siya ni Diara!"

Bigla ay napaisip ako.

'Siya kaya ang tinutukoy ni Michael na gusto ni Diara??'

Inilipat ko naman ang tingin kay Thea at pinakatitigan ang mukha niya.

Binitawan ko ang kamay niya at kunot-noong itinagilid ang aking ulo para mapag-aralan ang mukha niya.

"W-Why?? Hey, Alisha.." Halatang takang tanong muli ni Thea.

Nakita ko ang mukha ng babaeng may kahalikan sa pool kanina. Paniguradong mamumukhaan ko 'yon. Alam kong medyo madilim that time pero hindi ako pwedeng magkamali. Mas lalo kong pinakatitigan ang mukha niya.

At ganoon na lang ang gulat ko nang malaman na siya nga iyon!

Halos manlaki ang mga mata ko dahil kaharap ko ngayon ang dalawang taong lumapastangan sa reputasyon ng swimming pool! Swimmers pala sila pero naatim nilang babuyin 'yung pool?!

Dumaloy sa buong dugo ko ang inis, marahil dahil sa ginawa nilang hindi paggalang sa pool at dahil sa pananakit nila kay Diara.

Pinilit kong limitahan ang reaksyon ko at pigilan ang sarili para hindi sila makahalata. Muli ko inilahad ang kamay ko sa kanila at nakipagkamay sa kanila. Halata pa rin ang pagtataka nilang tatlo sa ginawa at inasal ko. Yes, tatlo. Hindi pa rin kasi umaalis ang asungot na si Jet mula sa tabi ko.

AGAIN [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon