One

13.5K 92 1
                                        

(Chapter Revised: 05-31-26)

Kim

*Alarm sound*

Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko. Napakunot nalang ako at napakamot sa ulo dahil wala din naman akong masisisi kundi sarili ko.

 Kung bakit ba naman kasi ako nag puyat knowing na maaga pa klase ko bukas, "hanggang kailan talaga Kimberly di ka na natuto."

Anyways... bago pa natin simulan ang kwento- ako nga pala si Kimberly Andrea Lim, Kim for short. 20 years old, a Culinary Arts student at Emery University. Apat lang kami sa pamilya namin- Mommy ko, Daddy ko, at ang Kuya ko, si Kuya James. 7 years yung agwat naming mag kapatid, at siya yung tumatayong guardian ko habang wala ang mga magulang namin. 

Hindi naman sa pag mamayabang pero medyo may kaya yung pamilya namin. As a matter of fact, Tita ko yung may ari ng university kung saan ako pumapasok. My parents on the other hand are in the business industry. Hotels, restaurants  at ibang mga supermarkets and convenience stores, hindi lang sa Pilipinas pero all over Asia.

 Okay fine, hindi lang medyo may kaya. Nag papasalamat pa rin kami kasi pinalaki kami ng maayos ni Kuya. Nakatapos din siya ng kurso na gusto niya (education), kasi never kaming prinessure ng mga parents namin to take over any of their businesses.

And despite their absence, we've always felt their love for us. They never missed any significant occasions in our lives, and they've never failed to remind us that no matter how busy they are, they will always make time. Kahit na matatanda na kami.

Minsan nakakapagtaka din kasi wala naman na silang ibang anak, but they've never really mentioned anything to us kung ano nga ba talaga yung plano nila. Pero kung ano man yun, I'm sure it will be for our benefit naman. 

Anyways, dun na nag tatapos yung introduction ng buhay ko, haha! Sana mag stay pa kayo sa mga susunod na kabanata, madami pa kayong kailangan malaman. Pero sa ngayon, kailangan ko ng mag ready kasi pag ako nal-late nanaman... gg na!

---

(Emery University - 9AM)

Nakarating kami ni Kuya sa harap ng school ng medyo maaga pa naman. Yes, siya yung taga-hatid ko sa school. You see, my Kuya doesn't work. He has all the requirements needed to be employed at Emery University and a job will always be available for him kasi gaya nga ng sabi ko kanina, pamilya din naman namin ang may ari ng school (but not everyone knows that).

"Kuya, what if mag turo ka nalang ulit? Tapos maging professor kita, siguro lagi kaming nasa Dean's List nila Peach at Mae."

"No offense lang ah, pero kung mag tuturo man ako, sisiguraduhin ko na malayo sa course ng mga kaibigan mo. Kapag nasa bahay nga kayong lahat halos sumabog na utak ko pano pa kaya pag ako na nag turo sa inyo. Siguro mag r-retire nalang talaga ako ng maaga."

Pabiro ko naman binatukan si Kuya, "kung maka-ano ka naman parang di ka rin nakikitambay ah!"

Kuya just laughed at my response, "bumaba ka na nga!" Sagot niya sa akin

I smiled at him, "pano yan Kuya pag nag tapos na ako ng pag aaral? Are you gonna go back into teaching?" 

Sometimes I can't help but feed bad because I feel like I disabled him from living his dreams, or living in general. Kahit naman lagi niyang sinasabi sa akin na, "hinding hindi ko pinagsisisihan na piliin na palakihin at alagaan ka." A part of me still feels like I held him back, somehow. Especially after what happened. We'll get to that story later.

We Got Married!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon