Eleven

6.9K 66 6
                                    

Wag ka ng umasa, masakit yan.

---

Jeroam

Hay buhay nga naman. Parang computer, pag di mo prinotektahan, magkaka-virus.

Lakas ko makahugot. Hahaha.

"Anak! Baby ko!!!"

"Po?" sabi ko

"Ready ka na?" tanong ni Mommy

"Medyo po." sagot ko

May pupuntahan kaming dinner nila Mommy ngayon, kasama daw si Kuya. First time.

"Dun nalang daw tayo imi-meet ng kuya mo. Mali-late daw siya ng konti." Mommy

Excited masyado ni Mommy.

Kung sabagay, ngayon lang naman ata kami mag di-dinner sa labas kasama si Kuya.

"Sige anak, meet ka nalang namin sa baba. Bilisan mo." Mommy

"Yes po." sagot ko

Inayos ko yung buhok ko.

"Pogi ka naman, bakit binasted ka ng crush mo?" sabi ko sa sarili ko

Tss.

Kim

Ano ba 'tong suot ko, bakit eto pinili ko?

Mang se-seduce ba ako ng lalaki, ganun?

Nab-bother pa rin ako sa pangalan niya. Nathaniel? Bakit Nathaniel?

I never imagined that the guy I would marry would be Nathaniel. Why Nathaniel? Ang pangalan na Nathaniel ay para lang kay Nathaniel Isaiah. Sakim sa lupa.

"Knock, knock. Baby are you ready?"

Si Kuya.

"Nag i-emote ako Kuya. Panira ka naman eh." sabi ko ng nakasimangot

"Wedding jitters?" Kuya

"Anong wedding jitters? Hindi pa ako ikakasal, I'm meeting my groom, but I'm not getting married today, gets?" sabi ko

"Okay, I get it." Kuya

"Pogi mo though hahaha." ako

"Alam ko." Kuya

Naupo siya sa tabi ko.

"Kuya, sa tingin mo ba, mabait yung mapapangasawa ko?" tanong ko

Pinatong ko yung ulo ko sa balikat ni Kuya.

"Hindi ka naman siguro ipapakasal nila Mommy sa lalaking masama yung ugali diba? Huwag kang mag-alala, kapag sinaktan ka nun, lagot siya sa akin. Mag-alala ka kung pangit yung mapapangasawa mo, nako. Lagot tayo niyan." Kuya

"Kuya naman. Tara na nga, baba na tayo." ako

"Pinapatawa ko lang ang baby ko. Tara na, kanina pa nila tayo hinihintay." Kuya

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon