Forty-Two

5.1K 31 8
                                    

Mae

"Uy Mae naman! Pansinin mo na kasi ako."

Tss! Mas binilisan ko yung lakad ko, naiinis ako!

"Mae naman, parang pringles lang oh."

Pringles lang?! Ang tagal kong tinipid yung pringles na yun kasi gutom na gutom na ako tapos isang upuan lang naubos na niya!

Hindi ko pa rin siya pinansin, diretso lang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa cafeteria kung san nakaupo ang barkada, natigil usapan nila nung dumating kami. Pano ba namin kasi, nag alburuto si Jake.

"BABE!!! PRINGLES LANG YUN, BIBILHAN KITA MAMAYA. SORRY NA! PANSININ MO NA AKO!"

"Lumayas ka nga sa harapan ko."

Pano ba naman kasi, okay lang sana kung siya lang kumain nun, pero pati yung seat mate niyang si Aaliyah na malandi, pinakain niya! Eh alam naman ng lahat na may crush si Aaliyah sa kanya. Aish!!!

"Mae naman!"

"Dun ka na sa Aaliyah mo! Kumain kayong dalawa ng pringles!"

Buti sana kung siya bumili, eh sa akin naman talaga yung pringles na yun tapos ibibigay niya pa sa iba.

"Aaliyah ko?!?! Ikaw lang babae ko! Mae ko, MAE KO!!!"

"Selos lang yan Jake hehe." Jillian

Inirapan ko si Jill, "next time kasi don't share her food to other girls." Peach

"Patawarin mo na oh, kawawa naman yung tao. Nagmumukhang tanga, ay haha! Tanga na pala yan." Nick

"Gago!" sigaw ni Jake

Di ko pa rin siya kinausap, hanggang after school pag bukas ko ng kotse ko, halos lahat ng sulok may pringles. Tapos may malaking I'm sorry na banner sa may windshield. Yung mga school mates naman namin na babae picture ng picture akala mo kung sinong artista ang nandun.

Umakbay sa akin si Luke, hindi yun pumasok last class, dinamay pa si Nick at Aiden para lang sa pringles na yan."

"Hala." Mae

"Patawarin mo na yan, mababaliw yan pag di mo pa kinausap." Andrew

"Mae, pengeng pringles ah haha." Jeroam

"Pag inaway ba kita because of food, gagawin mo rin yan sa akin?" Tanong ni Jill kay Jeroam

"Doble pa jan! Pupunuin ko kwarto mo ng pagkain, yung tipong di ka na makakapasok haha!" Jeroam

"Teka, asan ba si Jake?" Tanong ko sa kanila

Natatawa naman si Nathan, "they're in the classroom. Kanina pa sumisigaw ng sorry si Jake dun, I don't think he knows na kasama ka na namin."

"Napakalaking tanga haha!" Jeroam

Naunang lumabas si Aiden, nung makita niya kami bigla siyang tumawa tas tumakbo papunta sa direksyon namin. Nanlumo si Jake at lumaki ang mata tapos umakbay si Nick sa kanya at may binulong sabay tawa.

"Nakakahiya kayo!" Luke

"Ang alam ko nandun pa kayo sa classroom." Jake

"Yan kasi, sabing dito nalang mag hintay." Aiden

"Gusto ko nga siyang i-surprise diba?!" Jake

"Tss!" Jake

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya bigla, siyempre nagulat siya. Minsan lang ako maging affectionate sa harap ng barkada.

"Peace na tayo, salamat sa pringles. I love you!" Bulong ko sa kanya

Kim

After the honeymoon, siyempre umuwi na kami. Hahaha!

My old room became a family room, pinatanggal namin yung door and every day before bed, dun kami tumatambay na mag pamilya. Wala naman halos nag bago after naming ikasal ni Isaiah. Medyo naging busy kaming mag kakaibigan dahil sa school, pero tambayan pa rin nila itong bahay namin.

Minsan nga dito pa rin sila natutulog.

Minsan nga kailangan ko pa silang palayasin... gaya ngayon.

"Anong oras na! Umuwi na nga kayo!"

"Ayaw!" sigaw nilang lahat

"May mga sarili kayong bahay diba?"

"May laro ba ngayon pare?" Aiden

Di ko gets, "ano ba! Haha! Uwi na kasi, uwi!"

Tumayo na si Kuya, "baby gets na namin. Mga bata, tara na!"

Nagsitinginan naman sila tas tumayo isa isa.

"Hindi nalang kasi sabihin ng diretso." Mae

"Ang alin?"

"Wala, wala! Mauuna na kami Kim, galingan niyong dalawa ah." Luke

"Sundan niyo na si Lucas, kawawa naman yung bata puro isip bata kalaro." Andrew

"Hala siya, kung ano ano pinag-sasabi." Sabi ko

"Baka naman may laman na, di lang nila sinasabi." Jeroam

"Gago! Pero pwede rin, buntis ka na ba Kim?" Jake

"Hindi pa!" Sigaw ko sa kanya

Buti nalang wala dito si Lucas, nakatulog na sa kwarto namin. Kung ano ano pinagsasabi ng mga 'to! Hayst!

Pagkaalis nilang lahat, umakyat na rin kami. Nag ayos na for bed, pagpasok ko sa kwarto buhat buhat na ni Isaiah si Lucas.

"Lovey, dito mo na patulugin si Lucas. Nami-miss ko na siyang katabi."

"I don't want to."

"Hala siya! Haha, sige na, ang himbing na ng tulog oh."

"Tss."

Binalik niya sa kama si Lucas tas nahiga na rin siya.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya

"Nothing." Humalik siya sa akin tas pinikit na yung mata niya.

"Pati anak mo, pinag seselosan mo. Pano kaya pag nagka-baby na tayo ulit?"

"Pano tayo magkakababy ulit kung lagi mo pinapatabi dito anak mo?"

Natawa naman ako! May balak pala hahaha!

"Why are you laughing?"

"Lovey naman haha," tumayo ako sa pagkahiga, nilipat si Lucas sa gilid tas nilagyan ng unan yung side niya para di siya mahulog. Tapos lumipat ako sa tabi ng asawa ko at yumakap sa kanya. "Hindi naman na siguro magigising anak mo diba?"

-

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon