Thirty-Eight

4.8K 30 3
                                    

One Day Before 'D-Day'

Jillian

Naiinis ako kay Kuya Nathan! Ang laki niyang epal, shet! 

Paano ba namin kasi, ang tagal naming pinag-planuhan yung bachelorette party ni Kim tapos bigla nilang sisirain!

"JEROAM NAMAN KASI EH!" Sigaw ko, paano kasi parang batang nag tatampo

"Jeroam, Jeroam ka diyan!" Sagot niya

"So, nagtatampo ka na sa lagay na yan?"

"What do you expect? Lintek, kung di pa kami nakapasok sa kwarto, nakahubad na siguro yung macho dancer niyo!" 

"Macho dancer? What? Duh! It's a bachelorette party, anong gusto mo? Babae kunin naming stripper?" 

"Mas okay na yung babae! Parehas din naman sila ng gagawin! Bakit kasi lalaki pa?!"

"Duh! Cause we're girls?!"

"Ewan ko sayo!" 

"Ewan mo sa akin?! Edi ewan ko rin sayo! Bahala ka na jan, arte arte mo." Sabi ko, sabay walk out. Hehe, pero siyempre hindi naman talaga ako galit, nagpapalambing lang.

Jeroam

"Hala, nag walk out. Nagpapalambing lang naman eh, lintek naman oh!" Bulong ko sa sarili ko

Kahit kailan talaga, napakamot nalang ako sa ulo at natawa. Ang weird ko ba? May na-realize lang kasi ako habang nag "aaway" kami, parang ang sarap sa feeling na may umaaway sa akin? Hahaha shet ang weird! Ewan, kinikilig ako nung sinisigawan ako ni Jill eh.  

Kahit na nag-sisigawan kami, ang gaan sa pakiramdam. Kahit na hindi kami mag kausap, kahit nag babangayan kami lagi, imbis na mainis ako o magalit o mag tampo, kinikilig ako.

Ganun pala pag sobrang mahal mo yung tao noh? Mas iisipin mo yung pagmamahal mo sa kanya kesa sa galit. 

Ang sarap mag mahal pag mahal ka rin ng taong mahal mo. 

Biglang naputol yung pag i-imagine ko dahil biglang pumasok si Jake at si Mae sa kwarto, mga epal. Naka-akbay pa si Jake kay Mae.

"Oh, okay kayo?" Tanong ko

Si Jake kasi nagpasimuno ng lahat eh, narinig niya kasi na may pa-surprise sila Jill kay Kim tas sinumbong niya sa amin. Nanggagalaiti sa galit, gugulpihin daw niya yung lalaki.

"Bat di kami magiging okay?" Sabi niya, tumabi siya sa akin sa couch, "alam mo pare, may tiwala ako kay Mae. Bakit ko pag seselosan yung mga ganyang bagay kung alam ko namang nasa akin yung puso niya? May tiwala ako sa girlfriend ko  men!" 

Sinamaan ko siya ng tingin tas nginitian niya lang ako, anak ng!

"Roam, wag ka makikinig jan, napagalitan ko na yan kanina, halos mangiyak-ngiyak na. Akala niya makikipag-break na ako eh." Natatawang sabi ni Mae

"Mae naman!" Saway ni Jake, natawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Who knew that after all these years, sila rin pala ang mag kakatuluyan. Kahit halos araw-araw silang mag away, at the end of the day, hindi lang ako yung nakakapansin kung gaano sila kaseryoso sa isa't isa. 

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon