Youtube links for the songs will be available sa pinaka-dulo ng chapter! :)
Luke
First time! Angelo Lucas Martinez nga po pala, isa sa mga kaibigan ni Kimberly. Kagaya ni Andrew, medyo quiet lang ako. Hindi masyadong nagsasalita, pero may pagka-makulit rin naman ako. Ang pinaka-gwapong engineering student ng Emery High. Hahaha! I'm single, but not available. Dyahe masyado mga babae. Tsaka, wala pa naman akong nakikitang type ko.
Nandito pa rin kami sa bahay ni Kim at Nathan. Langya! Dadalawa lang sila dito, ang laki laki ng bahay nila. Siguro plano talaga 'to nila Tito, halatang gustong magkaroon ng maraming apo eh!
Hindi dapat kami iinom pero nagkayayaan na eh.
Si Nathan at Kuya James ang lumabas para bumili ng "gatas", kararating nga lang nila eh.
"O? Bakit parang walang kumakanta?"
"Kuya naman, narinig mo naman na walang kumakanta eh, nagtanong ka pa."
"Ah ganun?"
"Naghahanap pa kami eh, gusto mo mauna ka na Kuya." Jillian
"Ako talaga? Bat ako?"
"Eh ikaw nagtanong eh!" Kim
"Nga naman." Aiden
"Sus! Akin na yung mic! Makikita niyo."
♫♪"If ever you wondered if you touched my soul yes, you do
Since I met you I'm not the same
You bring life to everything I do
Just the way you say hello
With one touch I can't let go
Never thought I'd fall in love with you
Because of you my life has changed
Thank you for the love and the joy you bring
Because of you I feel no shame
I'll tell the world it's because of you"♪♫
Napa-nganga naman kami sa kanta ni Kuya, hindi pa talaga nakaka-move on kay Ate.
"PEACH!" sigaw ni Kim
Mukhang hindi na niya dinamdam yung kanta ni Kuya. Mukhang wala namang nakapansin na para kay Ate yung kanta. O baka napansin nga nila, ayaw lang nilang magsalita.
"OH?" sigaw rin ni Peach
"IKAW NAAA!"
"Oh? Di nga? Bat ka sumisigaw?" Peach
"PARA MARINIG MO DUUH!!! TRY 'MONG BUMULONG PAG MAY KAUSAP KA, TIGNAN KO LANG KUNG MAY MAKARINIG SA'Y--- ARAAAY."
Kinurot ni Nathan ang pisnge ni Kim. Ayun, tumahimik. Tss, masyado nilang mahal ang isa't isa! Nakakatakot na! Nakakainis pag kasama mo sila tapos single ka. Nakakainis talaga! Mga walang puso!
BINABASA MO ANG
We Got Married!
Romance[FIN] "You don't love someone because they're perfect. You love them in spite of the fact that they are not" Lahat tayo, nag hahanap ng taong mamahalin natin habang buhay, yung iba dyan nakahanap na, pero madami sa atin ang nag hahanap pa rin. Yung...