Twenty-Six

5.9K 52 2
                                    

Minsan sa buhay, may mga bagay tayong kailangan pakawalan. Kapag ang mga bata nasiraan ng laruan, kailangan palitan agad para tumigil sila sa pag iyak. Pero paano na lang kapag mahirap yung bata diba? Tapos nag iisang laruan niya na lang yun, pinahahalagaan niya yun tapos bigla na lang nawala. Edi siyempre, kahit pa palitan pa nila yun ng bago, hahanap hanapin pa rin nya yung laruan na yun. I believe na ganyan din tayo pag dating sa friendship or love. May mga taong darating sa buhay natin na papahalagaan ka at papahalagaan mo rin. Pero minsan, kapag nasanay na tayo, hindi natin maiiwasan na maging pabaya, sa sobrang pagkasanay mo sa taong ito, hindi mo naa-appreciate yung mga ginagawa niya para sa'yo. Iintindihin ka sa una, pero sa huli, mapapagod rin siya. Hanggang sa hindi mo na namalayan, iniwan ka na pala nila.

Kim

Nagulat kami sa pag bukas ng pinto. Everything was moving so slow, it felt so surreal. After so many years, we saw her face again.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala luha ko, she was also crying.

I took a deep breath, and took a step forward. She was gonna say something, pero pinigilan ko siya. Instead, I hugged her. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Akala ko, hindi na kita makikita ulit." bulong ko, ramdam ko yung pag haplos niya sa buhok ko, she always does this kapag hindi ako makatulog sa gabi at wala si Mommy.

"I missed you so much, oh my goodness. Sorry, sorry kasi iniwan ka ni Ate." she whispered

"Ate."

"Shhh, it's okay. I'm here, hindi na ako aalis." Ate Anna

Inalis niya yung pagkayakap niya sa akin, hawak-hawak niya balikat ko habang nakangiti, "look at you! You've gotten so beautiful!"

"Akala ko hindi ko na kayo makikitang lahat." Ate Anna

I turned around, tahimik yung mga boys, sila Jillian at Mae, umiiyak na rin.

"Awe, my babies. Halika nga kayo dito, payakap." Ate Anna

I stepped away and let them have their moment with her, lumapit ako kay Isaiah at niyakap nalang siya. Pinunasan niya luha ko, at ginulo buhok ko.

"Are you happy, love?"

"Sobra."

"I'm glad."

I stole a kiss from him while everyone was busy, namula naman siya. Ang cute!

Walang nag bago sa condo ni Ate Anna, yung mga pictures namin, nakasabit pa rin. Pictures nila Kuya, nasa table pa rin.

"Ayos 'to ah! Parang meet and greet lang." Jake

"Oo nga! Kim, asan na yung isang celebrity? Hahaha!" Nick

"Gago." Andrew

"Hindi pa rin kayo nag babago." Ate Anna

"Uhm, Ate Anna, mag kwento ka naman oh." sabi ko

"Sige baby, pero mamaya, ikaw rin ah." tinuro niya yung magkahawak na kamay namin ni Isaiah.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon