Thirteen

6.8K 46 2
                                    

"You can close your eyes to things you don't want to see, but you can't close your heart to the things you don't want to feel."

Kim

Nauna na si Kuya sa bagong bahay. 

Niyaya ko pa kasi si Isaiah na kumain sa labas, tsaka may bibilhin naman siya sa mall eh. 

Libre niya :P 

"Isaiah, anong plano mo?" tanong ko bigla

"What plan?" tanong niya

"Eto... tayo, anong plano mo?" 

Kumibit balikat nalang siya at ngumiti. 

Anong ibig sabihin ng ngiting yan? >//

Does that mean titigil na siya sa pakikipaglandian sa mga mahaharot na babae? 

Aish okay. Stop overthinking Kimberly, wala lang 'to. So what? Porke't kasal na kayo ini-expect mo na mamahalin ka na niya agad ganun? Hindi ganun yun! Love does not work that way. love takes time. 

Anong time? Psh. Is Nathan even capable of falling in love? Siguro, pero ayokong mag expect. 

Expectations always leads to disappointments. Ayokong ma-disappoint. Ayokong masaktan. 

"We're here." sabi niya

"Kita ko nga." sabi ko

Ilang minuto rin kaming paikot-ikot sa parking lot, ang ending, sa may ilalim pa talaga ng araw kami nakapag-park. Huhuhu T^T ngayon palang inihahanda ko na yung katawan ko paglabas namin ng mall. 

Naglakad-lakad kami sa mall, ayaw pa kasi niyang sabihin kung anong bibilhin niya eh. 

Nagugutom na ako. At okay, note to self: huwag ng pumunta sa mall kasama si Nathaniel Isaiah. 

Hindi na nahiya mga babae, kung makapag-picture, wagas! 

"Teh! Ang gwapo talaga ni Nathan!" rinig 'kong sabi nung isang babaeng nakabuntot sa amin

"Nathan? Teka, Isaiah, kilala ka nila?" ako

Tinignan niya lang ako, sabay ngiti. He grabbed my hand. "You're husband's handsome, what can you do?" sabi niya, sabay kindat

Gusto 'kong sumigaw! 

Pumasok kami sa isang jewellery store. 

"Goodmorning Sir! Goodmorning Ma'am!" sabi nung isang sales lady

PSH. Nag goodmorning Ma'am nga, hindi naman tumingin sa akin. Naalala ko yung sinabi ni Isaiah kanina. "You're husband's handsome, what can you do?" ugh. Kinikilabutan ako. Shems.

We Got Married!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon