Lisette's PoV
Days didn't pass normally for me. After that moment in the hospital, I felt everything had changed. From my mood to job performance. Pati si Leo.. Araw-araw na siyang gabi umuuwi. Sinasalo niya pa kasi lahat ng mga trabahong hindi ko na nagagawa. Not only that, he also seemed to be more downhearted before, pero ngayon, mukhang hindi na niya masyado iniisip yung problema namin.
"Ma'am? Ma'am!" Sigaw ng secretary ko na nagpabalik sakin sa katinuan. Agad akong umayos ng upo. Haish.. Lumipad nanaman ang utak ko.
"Okay lang po kayo?" Tanong niya sakin. I looked at her and shook my head.
"Sorry, I zoned out.. Ano pala yung sinasabi mo?" Pag-iiba ko ng topic.
"Sabi ko po kanina pa kayo hinihintay sa meeting sa taas.. Para po sa fashion show ni Mr. Park bukas.." She said slowly and clearly. Bigla akong napadiretso ng upo. I gasped.
Bukas? BUKAS NA ANG FASHION SHOW?!!
Agad akong tumayo at hinakot ang laptop ko at yung mga papeles na kailangan ko.
"Oo nga pala! I totally forgot! Meron pa nga pala akong presentation tungkol sa mga ishoshowcase na designs!" Pagmomonolgue ko habang tumatakbo sa hallway. Maghahagdan na lang ako. Isang floor lang naman eh. Kaya na yan.
Grabe. Hindi lang ako nagzone-out.. Lumipad sa space ang utak ko! How could I forget such an important matter?! Ididiscuss ko pa everything about each jewelry! Yung designs, materials, expenses for the output, pros, manufacturing, at iba pa! Urgh! This is really unbelievable! Malamang naiinip na at nagagalit na sila sa meeting room!
"Why the hell didn't you tell me sooner? Bakit ngayon lang?!" Inis kong tanong sa secretary ko.
"K-Kanina po sinabi ko sa inyo na may meeting kayo in fifteen minutes tapos umoo po kayo.. Pumunta po ako sa ibang department para ihatid yung mga kakatapos niyo lang ireview na report.." She said as she.
"You didn't even remind me the last minute?!" Naiinis ko pa ring tanong.
"Sorry po ma'am.." Sagot niya.
"Hay nako! This world is making me go insane!" Sigaw ko at naglakad na papunta ng meeting room. Tsk. Anong klaseng secretary to? Pati ba siya lutang? Ako lang may karapatang maging lutang kasi ako lang ang may problemang mabigat dito!
Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa meeting room. Pagkapasok na pagkapasok ko, lahat ng mata nila ay tumingin sakin. Nakakatunaw pero may magagawa pa ba ako?
Agad akong pumunta sa unahan at inayos yung laptop ko at ibinigay naman nung secretary ko sa bawat isang taong nasa meeting ang ilang papel.
BINABASA MO ANG
Unblessed
General Fiction[4] When everything seems perfect, life will just suddenly slap you so hard with trials and problems. Sometimes, hard enough to make you fall on your knees and break you down into pieces. If you're in her position, what would you do? Story Parts: Pr...