Chapter 9: Truth and Lies

154 5 2
                                        

Lisette's PoV



I went back to the office at nagtrabaho ulit. Damn it. Sana wrong info lang talaga ito si Sonia. Sana hindi totoo ang lahat ng nalaman ko. Sana walang kalaguyo si Leo. Sana talaga! Kundi.. Ewan ko kung anong susunod na mangyayari.


Pagkatapos ng working hours, dinaanan ko muna si Leo sa office niya.



"Si Leo?" I asked with a smile para naman hindi halata na may kakaiba sakin.

"Ay! Kakaalis lang po ma'am." Sagot nung secretary niya.

"Uuwi na?" Usisa ko.


"Wala pong nabanggit eh. Basta po nagtime-out na lang kagad siya." Sagot naman nung secretary niyang mukhang inosente sa mga ginagawa ng boss niya. Bata pa kasi eh.


Pagkauwi ko sa bahay, dinner at diretso shower ako. After that, chineck ko ang email ko para sa mga reports na ineexpect kong ipapasa sakin through email. After reviewing the reports, wala na kong gagawin kaya bumaba na lang ako sa kitchen, naglagay ng champagne sa glass ko, at tumambay sa garden. Nagmuni-muni ako tungkol sa mga bagay-bagay, at the same time, nagpalipas oras na din.


I looked up at the full moon gazing down on me. Then I felt the cold breeze upon my face and all over my skin. Ipinikit ko ang mata ko at huminga nang malalim.



"Leo.. Please prove my intuitions wrong.." Bulong ko sa sarili ko at saka umimnom ulit mula sa champagne glass ko. It took a while for me to finish it all. Nagmumuni-muni kasi ako habang umiinom kaya mejo natagalan ang pag-ubos ko nito.


An hour passed at bumalik ako sa kitchen para maglagay ulit ng last shot ng champagne sa glass ko. Pagkatapos ko maglagay, ibinalik ko na yung bote sa ref at saka uminom sa baso ko. I decided to go to the living room. Pagkarating ko sa sofa para umupo, siya namang pagbukas ni Leo ng pintuan. I looked at him with a sad face.



"Oh. Gabi ka nanaman? Bakit ka na lagi gabi umuuwi? Nagtatampo na ko.." I slightly pouted. He looked at me with shock. He opened his mouth pero walang lumabas ni isang salita.


"Sorry." That's the only thing he uttered.

"Bakit ka ba kasi lagi gabi umuuwi?" Tanong ko. He looked down and took a deep breath.



"Nagkaproblema kasi sa latest client natin. Biglang gustong bumitaw. Kaya nakipag-usap ako sa kanya at buti na lang, naconvince ko siyang ituloy ang pagpirma sa kontrata." Sabi niya while gazing at his shoes na parang batang nagpapaliwanag sa nanay niya.


"Talaga? Bat di mo naman sinabi sakin? Edi sana ako ang kumausap sa kanya. Alam mo naman na magaling ako pagdating sa mga ganyan." I said at inayos ang wavy hair ko.

UnblessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon