Chapter 4: Eagerness

200 6 4
                                    

Lisette's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lisette's PoV



Nang makarating kami sa office, hindi na kami tumambay at diretso sa kanya-kanyang office namin. Pagkapasok ko sa office ko, agad na bumagsak ang mga balikat ko nang makita ko ang dalawang stack ng papel sa ibabaw ng desk ko. Tiningnan ko yung mga label sa ibabaw at sinasabi nito na yung isa ay mga new designs kailangan kong ireview, at yung isa ay yung mga papeles na kailangan kong irecieve o pirmahan. I sighed.


"Let's get over this.." I said then placed my bag on the side and started working.


The next few days, ganun pa rin ang naging sitwasyon namin--- work, work, work. Busy kung busy, stressed kung stressed. Idagdag mo pa ang paghahanap ko ng PA nung punyeta kong alaga. OH GOD! He's such a headache!


One day, pag gising ko, masyado pang maaga para mag-ayos para pumasok sa office. Kaya naman binuksan ko muna ang pinto papuntang balcony at dumungaw ako doon. Nagpapahangin ako nang makaramdam ako ng pangangalay sa bandang balakang at bandang binti kaya umupo ako sa kama. Bakit kaya? Masyado kaya akong napagod sa trabaho? Teka.. Baka naman magkakaron ako?


Agad kong chineck ang aking pink calendar app sa phone ko at nakita ko na dapat ika-third day ko na ngayon pero wala naman akong menstruation ngayon. Bakit kaya?



"Oh.. Bat ang aga mo nagising?" Tanong ni Leo sakin na naalimpungatan ata sa pag-upo ko sa kama.


"N-Nothing.. Ewan ko rin eh. Nagising ako bigla." I smiled then looked down. Umayos siya ng pagkakaupo. He scooted near to me.



"May problema ba?" Tanong niya.


"I don't know.. It's just.. I've missed three days of my period already." Sagot ko na parang pinag-iisipan ko kung anong ibig sabihin nung missed periods ko. Napaupo naman si Leo nang diretso sa pagtataka. He looked at me at nang makita ko ang expression ng mukha niya, alam ko na kung anong iniisip niya.


Dahil sobrang excited na kami ni Leo, nag T-shirt lang siya at tumakbo na kagad siya papunta sa botika at bumili siya kaagad ng isang pregnancy kit. Agad ko namang ginamit ito. Pagkabukas ko ng pintuan, excited akong sinalubong ni Leo.



"What? Is it?!" Leo looked at me with an expression full of hope. Pero nang makita niya ang expression ng mukha ko, agad niyang kinuha yung pregnancy kit at tiningnan ito.

UnblessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon