Chapter 8: Endless Doubt

117 5 2
                                    

Lisette's PoV



Hindi ako makapaniwala sa sinabi sakin ni Sonia. I mean.. It's impossible! Alam kong hindi kayang gawin yun ni Leo! In our eight years of relationship, never pang nagkaron ng ganyang issue kami ni Leo! Kaya naman nung sinabi sakin ni Sonia na ganon nga, hindi ko matanggap. Ayaw kong tanggapin na posible ngang may kaaffair si Leo.


Sa sobrang bothered ko sa sinabi ni Sonia, nagpalipas na lang ako ng oras dito sa garden namin sa bahay nang makauwi ako. I just can't help thinking about it. Part of me tells me that it's not possible, but a part of me also tells me that it's possible.


As usual, kagabi late nanaman umuwi si Leo pero this time, hindi ko siya hinintay sa sala. Nasa tapat lang ako ng kwarto at pinanood siyang pumasok sa bahay. Nung paakyat na siya, agad akong pumasok sa kwarto at nagtulug-tulugan.


To my surprise, hindi niya man lang ako binigyan ng isang good night kiss. Dire-diretso lang siyang natulog after magshower. Dagdag-gatong tuloy sa hinala ko itong ginawa na to ni Leo. Kaya eto, hindi ako kaagad nakatulog.


I've been working for four hours already and it's ten o'clock in the morning. Pero mula pa kagabi, hindi na ko pinatahimik ng utak ko sa sinabi sakin ni Sonia. My curiosity's killing me to know. I don't know why but I feel like there's something that I need to know.


Nakarinig ako ng katok sa pinto at pumasok ang secretary ko na may dalang panibagong sakit ng ulo.



"Ma'am---" Sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos.


"Bagong designs. Oo, I've been expecting it. Ilapag mo na." Sabi ko sa kanya. Ginawa naman niya ito kaagad. Tumalikod na siya para umalis pero tinawag ko ulit siya.



"Sandali." Sabi ko na nagpatigil sa kanya. Iniabot ko sa kanya ang ilang papel.


"Ipaphoto copy mo. Three copies. Yung original iiwan mo dito sa files natin, isa ipadala mo sa Marketing Department, yung isa ipadala mo sa Planning Department, at yung isa naman sa Financing Department." Utos ko habang busy sa pagtitingin sa mga bagong designs.



"Opo." Sagot niya at agad na kinuha yung mga papel. Aalis na sana ulit siya pero natigilan nanaman siya nung tinawag ko siya.


"Sandali." Sabi ko na nagpabalik sa kanya dito sa harapan ko. I looked at her seriously.



"Pagkatapos mo ihatid yung mga papeles sa Financing Department, I want you to go find Sonia, the Finance Department Head. Sabihin mo sa kanya, tawagan ako. Don't let anyone know about this. Or else this would be your last day in our company." Pagbabanta ko. Tumango siya at saka umalis na para gawin yung mga utos ko. I sighed heavily and closed my eyes.


Sa mga panahong ito, unti-unting lumalakas ang pagdududa ko kay Leo. Lalo na pag naiisip ko yung mga kinikilos niya recently. Gabing umuwi, laging may ka-business dinner, laging maaga pumunta at umalis ng office na parang nagmamadali, laging sa labas kumakain tuwing lunch, at wala masyadong paglalambing lately. Not to mention that hindi na halos kami nagkakasabay sa pagkain. His actions were... Different.

UnblessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon