Lisette's PoV
Morning came and as usual, naghahanda na kaming pumasok. Katatapos ko lang magshower at ngayon, nakaharap ako sa vanity ko. Argh. Kainis. Ang sakit ng ulo. Pano ba naman kasi, 1am na kami natulog tapos ngayon ang gising 5am. Musta naman ang four hours sleep namin? Tsk. Kulang na kulang pang beauty rest. Mukha tuloy akong haggard.
Pagkalabas na pagkalabas ni Leo sa shower room, agad siyang nagbihis na parang nagmamadali. Ang aga pa ah. Bat siya nagmamadali? Di naman siya malalate eh. Anung meron dun?
After I finished applying make up and dressing up, nagpaalam na sakin si Leo na aalis na siya. He opened the door of our room at naglakad na palabas na akala mo eh five minutes na lang bago ang time-in niya sa office. Sinundan ko siya at nakita ko siyang bumababa na ng hagdan. Hinabol ko siya at bumaba rin ako. Wala akong pake kahit nakaheels ako.
"Huy! Aalis ka na?" Pahabol kong tanong sa kanya. He turned to me.
"Oo. Kailangan ko nang pumasok eh." Sagot niya.
"Pero ang aga pa. Di ka naman malalate eh." I pouted.
"Sorry. Marami kasi akong kailangan gawin ngayon. Kaya kailangan ko na talagang pumasok nang maaga." Paliwanag niya. He turned around and walked to the main door pero natigilan siya nang bigla akong nagsallita ulit.
"Hindi ka man lang magbebreakfast muna? Halika, sabayan mo na ko." Pagyayaya ko sa kanya. I walked towards the dining area pero napatigil ako nang magsalita ulit si Leo.
"Sorry Lisette, gusto ko man, pero hindi pwede. Kailangan ko na talagang umalis. See you in the office." Sagot niya at tuluyan nang lumabas sa main door.
"Leo! Leo!" Pahabol kong sigaw sa kanya pero dirediretso lang siya sa kotse niya at nagdrive na paalis. I sighed in dismay.
"What's wrong with him?" Pagmomonologue ko. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Nanay Lilia na nakatingin din sa gate namin ng may halong pagtataka. She looked at me as if sinasabi niya na hindi niya rin alam kung bakit nagmamadali nang husto ang asawa ko.
"Halika at kumain ka na ng almusal para makapasok ka na rin sa trabaho." Sabi ni Nanay Lilia at nauna na sa kusina. Syempre, wala na akong magagawa kundi kumain ng almusal at pumasok na rin sa opisina.
Gusto ko sanang kausapin si Leo pagkarating ko sa opisina. Kaso nga lang, pagkalapat na pagkalapat ng sapatos ko sa sahig ng office ko, agad akong sinalubong ng napakaraming trabaho. Nakapatong sa mesa ko yung mga bagong kontrata, report, papeles, at kung anu-ano pang mga paperworks na literal na sakit ng ulo.
"Hay nako.. Tsk. Mamaya ko na nga lang kakausapin si Leo! Kainis." Sabi ko sa sarili ko at nagsimula nang magtrabaho.

BINABASA MO ANG
Unblessed
General Fiction[4] When everything seems perfect, life will just suddenly slap you so hard with trials and problems. Sometimes, hard enough to make you fall on your knees and break you down into pieces. If you're in her position, what would you do? Story Parts: Pr...