Chapter 16: The Unexpected Arrival

121 5 0
                                    

Lisette's PoV



Paikot-ikot ako ngayon sa kama. Hindi kasi ako makatulog eh. Buti na lang at nakaleave ako ng isang buwan sa trabaho. Etong Tiffany naman kasi na to eh! Tsk. Ano ba yung ginawa niya kaninang pakikipag-usap sakin? Ang awkward! Isa pa... Parang... Nakakakonsensya na ganun ang sitwasyon niya.. Pero teka. Kung meron mang dapat makonsensya, si Leo yun at hindi ako. Siya kaya ang puno't dulo ng lahat ng gulong ito! Eh basta! Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin ko sa ginawang paghingi ng tawad sakin ni Tiffany. Nakakaewan kasi!


The next day, maagang umalis si Leo. Malamang siya ang natatambakan ng trabaho kasama ng mga underlings ko dahil syempre, wala ako. Naiispam na nga rin an inbox ko both sa phone at email ng mga nagtatanong kung bakit ako nagleave ng one month. Dapat kasi aalis ako dito ng lugar namin for one month para makapag-unwind eh. Kaso ito naman si Leo, nang malaman ang plano ko, ayan, may bodyguards sa gates ng bahay at kung lalabas man ako, bawal kong gamitin ang kotse ko kaya nagpapadrive ako tapos kasama pa sa passenger's seat yung body guard at may kasama pang isang kotse na bantay rin. Ugh. I feel like I'm some kind of baby. Ayaw talaga ako patakasin ni Leo.


TOK TOK TOK


CREEEK


Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang mukha ni Tiffany na naka ngiti.



"Good morning Lisette!" Masayang bati niya sakin. I just stared at her.


"Baba ka na ah? Luto na ang breakfast eh. Hehe." She giggled at isinara ang pinto. Naiwan ako doong nakatulala. Ito ba ang epekto ng pagkakausap namin? Nevertheless, bumaba na rin ako para kumain ng breakfast. Pagkababa ko doon, nakita kong naghahain ng breakfast si Tiffany.



"Hi! Bumaba ka na pala! Eto oh. Kain ka na." She smiled at pinag-usog pa ko ng silya. O...kay.. What was that? Nanliligaw ba siya sakin? Ipinagkibit-balikat ko na lang ulit ito. Pero seryoso ah. Ang awkward. Siguro akala niya okay na kami, o iniisip niya na magpagood-shot na lang para magkaayos kami. But not so fast. Hindi ganon kadali yung magpatawad ah.


Pagkatapos kong magbreakfast, umakyat ulit ako ng kwarto at nagtrabaho sa office ko. Mejo naaawa na rin naman ako sa mga tauhan ko at sa magaling kong asawa dahil talagang bibigat ang trabaho nila kung di ako gagawa ng kahit ano kahit mula dito sa bahay. Lunch time na nung bumaba na ako at kumain nanaman kami kasama ni Nanay Lilia, and as before, ang awkward nanaman ni Tiffany. So cheerful, maasikaso, at sooooooo awkward. Pinipigilan ko na nga lang na kumunot ang noo ko eh.


After lunch, bumalik ako sa room ko at nagtrabaho. Mukhang wrong move ang one month leave ko. Biglang nagkaproblema kasi sa kumpanya at sila Leo lang ang sumasalo nito. Pero ano namang magagawa ko? The leave was already granted, hindi ko na yun pwedeng bawiin pa. Nagring ang phone ko at inis kong sinagot ito.



"What now?" Sagot ko sa tawag.


"M-Ma'am Lisette, totoo po. H-Hindi po yun biro.." Sagot ng secretary ko sa kabilang linya.

UnblessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon