[4] When everything seems perfect, life will just suddenly slap you so hard with trials and problems. Sometimes, hard enough to make you fall on your knees and break you down into pieces. If you're in her position, what would you do?
Story Parts:
Pr...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A/N:
Leo Alvarez (Correct pronunciation: Liyo Alvarez) on top! :3
======================================
Lisette's PoV
"AAAAH! AAAH ARAAAYYY!!!" Sigaw niya habang naglalakad papasok ng kwarto niya. Hawak-hawak ko kasi yung tenga niya at pinipingot ko siya habang tinutulak papasok sa unit niya.
"AAAAH! MANAGER LEE! TAMANA! MASAKEEEET!"
"Napakabalahura mong bata ka! Nawala lang ako ng ilang months bumalik nanaman yang pagka-spoiled mo! Akala mo hindi ko alam? Alam ko lahat ng pinaggagagawa mo! Nambo-boycott ka pa pala kapag di nasusunod ang gusto mo ah?!" Sermon ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagpingot sa kanya.
"AHHHH! LET GOOOOO!"
Binitawan ko siya nang patulak. Sige lang siya sa kakahimas sa namumula niyang tenga habang parang dyaryong nilamukot ang mukha niya. Ako naman, gumala sa buong paligid yung mga mata ko.
"What's this?" Pinulot ko yung orange shirt niyang nasa sahig na katabi ng mga basket ng damit niyang lalabahan.
"And this?" Pinunas ko yung daliri ng kaliwang kamay ko sa ibabaw ng side table ng living room niya at kumapit sa daliri ko yung maitim na alikabok.
"And that?" Itinuro ko yung basurahan niyang nag-uumapaw sa mga basura. Tiningnan lang niya ko nang isang naiinis na expression pero hindi niya ko sinagot.
"MAX!!!"
"OOOOHHH?!" Nakangiwi niyang sagot.
"What the hell are these? Akala ko ba napakalinis mong tao? Eh bat nanggigitata etong unit mo?!" Sunud-sunod kong tanong sa kanya. Ipinunas ko yung alikabok sa daliri ko sa orange shirt niyang madumi at inihagis ko doon sa basket ng mga damit niyang lalabahan.