Lisette's PoV
After I stormed out, dumiretso ako sa office room namin at binalibag ko yung pinto pasara. Pagkatapos kong maisara yung pinto, naramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko kaya napasandal ako sa pinto. Lahat ng galit na nararamdaman ko kanina nung binubulyawan ko si Leo ay napalitan ng sakit. Sumabay sa kirot ng puso ko ang patak ng luha ko. I clamped my hand on my mouth to lessen the sound of the sobs that come from it.
Ang sakit.. Ganito pala ang feeling.. Ganito pala ang feeling ng niloko. Ang talagang masakit doon, SIYA. Siya ang nanloko sakin. Kung ibang tao yan, siguro hindi ganito kasakit. I never thought that he could decieve me..
It hurts a lot if you're deceived by a person who you never thought will..
Tumuloy lang ako sa paghagulgol sa likod ng pinto. I can't believe this.. All those eight years... wasted just because of that damn bitch! Ganon ba siya kakati at pati may asawa kinakalantari niya? Eh kung saksakan naman pala siya ng landi, eh bakit hindi na lang siya magtrabaho sa bar at magpakapokpok dun?!
Napatigil ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng beep ng isang familiar pop-up notification. Teka.. Diba tunog yung ng facebook?
Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa buong paligid. My eyes stopped on Leo's desk at nakita ko ang laptop niyang flipped open. Out of my curiosity, lumapit ako doon at umupo sa office chair niya. Tiningnan ko ang facebook niya at nakita kong may nagmessage sa kanyang babaeng nagngangalang Tiffany Marquez. Binasa ko yung message niya.
"Hi Leo <3" After a few seconds nagsend ulit siya ng isa pang message.
"Busy ka pa ba?" Tanong niya. After a few seconds, nagmessage ulit siya.
"Sige. Daan ka na lang bukas samin ni baby ah? I love you :* <3"
So she's that bitch?! Hanggang facebook ba naman inaaswang niya ang asawa ko?! Without hesitations, sinagot ko yung message.
"Hi Tiffany. Asawa to ni Leo. :)" I sent her the message na agad niyang nireplyan.
"Asawa?" Message niya.
"Oo. Bakit? Di ba niya sinabi sayo na matagal na siyang kasal?" I pressed 'enter'. Lumabas ang gray note sa ilalim ng message ko at ang nakalagay ay "Seen 8:58pm". So sini-seenzoned niya ko?
Wala nang reply ang sumunod at nag-offline na rin siya. Mukha ngang hindi sinabi ni Leo sa kanya na may asawa siya. MY GOD! He's really pushing things off the limits! How could he not tell that whore that he's married?! Talagang pinlano niyang patusin yung Tiffany na yun ah!
Sa galit ko, buong lakas kong tinabig lahat ng nakalagay sa mesa ni Leo. Mapa-planner, pen holder, folder, envelope at kung ano pang punyetang nakapatong dito. Being able to do all of these things to me... He.. HE'S UNBELIEVABLE!
BINABASA MO ANG
Unblessed
Ficción General[4] When everything seems perfect, life will just suddenly slap you so hard with trials and problems. Sometimes, hard enough to make you fall on your knees and break you down into pieces. If you're in her position, what would you do? Story Parts: Pr...