Chapter 10: Busted and Broken

156 5 4
                                        

Lisette's Pov



Pumasok ako ng office at pinagpatuloy ang araw ko normally. Nung umaga pa lang, sinugod na ko kaagad dito ni Leo at dumada sakin tungkol sa pag-iiba ko ng tulugan kagabi. Kesho namiss raw niya, kesho hindi raw siya nakatulog nang maayos, na hindi raw siya mapakali. HAH. Yun ba talaga ang dahilan? O dahil nasa hotel ako na pinagtatrabahuhan ng aswang niyang kalaguyo?!


Syempre kunyari chill lang ako. Kunyare not a big deal. Pero mamaya ka sakin. Ako mismo.. Mga mata ko mismo ang huhuli sa kabalastugan mo.


Fifteen minutes before lunch, lumabas na ko ng office. Pumunta ako sa parking lot at ginamit ang CR doon. Dun ako nagbihis ng damit na maayos tingnan but so not my style. Tinanggal ko rin ang make-up ko at nagpakasimple lang. Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamain, napangiti ako.



"Ang bata ko naman tingnan. I look like I'm on my early twenties. Samantalang plus ten ang totoong age ko. Ganito na lang kaya ako araw-araw?" Pagmomonologue ko.


Umupo ako sa kotse ko at hinintay ang paglabas ng magaling kong asawa. In a few seconds after twelve noon, sumulpot na rin siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya. Nagdrive siya palabas habang ako naman, ibinubuntot sa kanya ang kotse ko. Para hindi siya makahalata, lumilipat-lipat ako ng lane sa highway para hindi niya makita akong kotse ko.


He stopped at that Clover Hotel at pumunta sa resto. After a few minutes, napagdesisyunan kong bumaba na at mas lumapit para makita ko nang maayos kung ano nang ginagawa ni Leo. Binuksan ko na yung pinto ng kotse ko at hahakbang na sana palabas pero napatigil ako. Nakita ko kasi si Leo na papalabas ng resto at may bitbit na paper bag na malaki. So.. Nagtake-out siya? San naman siya pupunta ngayon?


He got in his car at nagdrive na ulit. Syempre bumuntot ulit ako. After a few minutes of following him, tumigil siya sa isang tapat ng bahay na hindi kalakihan at hindi maganda. Bumaba siya at nagdoorbell habang bitbit yung paperbag. Bumukas yung pinto at lumabas... yung babae niyang buntis. At niyakap pa niya talaga ah?!


Masaya silang pumasok sa loob ng bahay. So he's always like this during those times he's gone?! Lalong humigpit ang hawak ko sa manibela ng kotse ko. Gustung-gusto ko na silang babain mula dito sa kotse ko at sabunutan yang malandi at makating babae na yan. Pero hindi... Control Lisette. Control.. Kimkimin mo muna lahat yan. Isang bagsakan yan mamayang gabi.


Kinuha ko yung phone ko at idinial ang phone ni Leo. It took him three rings bago niya ko nasagot. Ang nakakatawa pa dun, lumabas pa siya ng gate ng bahay ng babae niya. Anu yon? Para hindi ko marinig kung sino ang kasama niya? Hah. Either way, he's busted. At ngayon, ang ganda ng view ko sa kanya. Full body, maliwanag, at walang harang.



"Hello honey! Asan ka ngayon?" Tanong ko sa kanya in a very cheerful manner, like I always do. Mukha siyang nataranta at mas mabilis pa sa internet connection ng PLDT na kumonnect sa palusot.com.


"A-Ah? N-Nasa restaurant. Naghihintay ng pagkain. Bakit?" Sagot niya.

UnblessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon