Lisette's PoV
"Annung sabi nung magcacater?"
"On the way na daw po, ma'am."
"Yung balloons?"
"Nakatali na po sa mga pwesto nila."
"Yung gifts?"
"Okay na po."
"Yung give aways?"
"Kagabi pa po ayos ma'am."
Yan ang usapan nila. Kala niyo ako no? Syempre hindi. Isa lang akong ganap na 'Tita' at hindi ako ang ina kaya syempre si Tiffany ang hindi magkandaugaga sa pag-aayos ng setting ng first birthday party ng baby niya.
Biglang bumukas ang pinto at nakangiting pumasok si Leo dala-dala ang isang napakalaking box na may kataasan.
"Eto na ang cake!" Sigaw niya at inilapag ito sa dining table.
"Hindi ba matutunaw yan?" Tanong ko.
"Para san pa ang aircon?" Pilosopo niyang sagot sakin. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Geh. Buhatin mo yan sa tapat ng aircon hanggang sa mag-start na ang party." Naiinis kong sagot. Bahala siyang mangalay.
"Ayoko nga. Lalakasan ko na lang." Sabi ni Leo at tinaasan na ang cooling power ng aircon. I looked at the kid who was playing with her stuffed toy beside me.
"Baby are you cold?" I asked her. She shook her head. Then she looked on my lap and pointed to it.
"Oooh.. Bawaa~" She mumbled. I looked at the direction where she is pointing ang I saw her pointing at my purse. Kinuha ko ito at ipinakita sa kanya sabay tanong.
"Ito ba?" Tanong ko. Agad siyang tumawa at kumuya-kuyakoy. She reached for my purse while giggling. I handed it to her at agad niya itong kinilatis. Naattract ata siya kasi tadtad ito ng sequence. I pointed the purse while she's looking at it.
"Baaaag." Mabagal kong banggit ng salitang 'bag'. Wala lang. Tinuturo ko lang sa kanya kung ano yung hawak niya. She looked at me as if she's wondering what I said. I pointed to the purse then looked at her again.
"Baaag." Ulit ko.
"Baaa.." Paggaya niya sakin.
"Baaag." Ulit ko.
"Bammmm.." She mumbled.
"No, baby. It's BAGGG." Pagiistress ko sa 'G' part.
BINABASA MO ANG
Unblessed
General Fiction[4] When everything seems perfect, life will just suddenly slap you so hard with trials and problems. Sometimes, hard enough to make you fall on your knees and break you down into pieces. If you're in her position, what would you do? Story Parts: Pr...
