Leo's PoV
Malamig naming itinuloy ang araw. Trabaho lang, walang usap-usap. Actually, meron pala. Ilang beses ko siyang tinry na iapproach pero lagi niya kong tinataboy. Hayy...
Ilang araw ang lumipas at walang araw na dumaan na hindi ko sinuyo si Lisette. Pinadalhan ko siya ng mga bouquet na may mga kasamang letter sa office niya pero naipon lang ito sa labas ng office niya hanggang sa nalanta na. Sinubukan ko siyang isurprise ng dinner sa bahay pero pagdating niya, sasabihin niya kumain na siya sa labas kaya busog na siya. Sinubukan ko siyang i-date sa labas pero marami pa raw siyang trabahong gagawin. Sinubukan ko rin siyang isurprise ng sweet breakfast in bed pero sasabihin niya hindi raw niya type yung inihanda ko para sa breakfast. Ni hindi na nga kami magkatabi sa kama eh. Sa guest room siya lagi natutulog.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kaya wala akong ibang magawa kundi kumunsulta at maglabas ng hinanakit sa isang malapit kong kaibigan.
"AGRH! Grabe na! Sumasakit na talaga ang ulo ko! Hindi ko na alam kung panong pagsuyo ang gagawin ko kay Lisette!" Litanya ko pagkatapos kong ikwento ang mahabang storya namin sa kanya. I looked at her. Petiks na petiks lang siyang umiinom ng milkshake. I raised an eyebrow at her.
"Hoy Maxine, nakikinig ka ba sakin?" Naiirita kong tanong sa kanya. Pano kasi. Problemado na nga ako, cool na cool pa rin siyang nakaupo sa kinauupuan niya habang pasosy na umiinom ng strawberry milkshake niya. Kahit ipakita man lang niya sana ng konti na mejo nakikiramay siya sakin. Pero wala eh. Tinanguan lang niya ko.
"So?" Sabi ko habang nakataas pa rin ang isa kong kilay. Ibinaba ni Maxine ang milkshake niya at seryosong tumingin sakin. Alam niyo kung anong sinagot niya sakin?
"Ewan ko sayo." She smiled.
"Alam mo kung nandito ka lang ngayon mismo sa harapan ko, baka nabato ko na tong root beer ko sayo." Naiinis kong sagot. Kung akala niyong magkasama kami ngayon, nagkakamali kayo jan. Parehas lang kaming nasa isang coffee shop pero nasa magkabilang dako kami ng mundo. Nasa United Kingdom kasi siya, tapos ako, nasa Pilipinas. Kaya ngayon, magkausap kami sa laptop via Skype.
"Ikaw kasi eh. Kasalanan mo naman talaga kung bat ka nagkaganyan." Sabi niya sakin na may halo pang inis.
"Alam ko yun! Hindi ako nakipagkita sayo para sermunan ako. Kailangan ko ng advice. Yung matinong advice." Naiinis kong sagot.
"Ang masasabi ko lang, asawa mo si Lisette at eight years na kayong magkarelasyon. Hindi ba dapat ikaw ang mas nakakaalam pagdating sa part na to?" Sabi niya. Hindi ako sumagot. May point siya dun. Pero nga lang kasi, nagbago ng pakikitungo sakin si Lisette ngayon. Hindi ko tuloy magamay yung dapat kong gawin para mapatawad niya ko. Dati, hindi ganito kahirap. Pero ngayon, iba na.
BINABASA MO ANG
Unblessed
Fiction générale[4] When everything seems perfect, life will just suddenly slap you so hard with trials and problems. Sometimes, hard enough to make you fall on your knees and break you down into pieces. If you're in her position, what would you do? Story Parts: Pr...
