Chapter 15: Cold War

130 6 0
                                        

Tiffany's PoV



"Ang ganda talaga ng bahay na to. Wala akong masabi." Pagmomonologue ko habang naglalakad-lakad sa bahay. Sa totoo lang, boring rin kasi na wala kang ginagawa kundi magpahinga at kumain. Kaya napag-isip-isip ko na magandang maglibot sa bahay nila Leo. Ang ganda kasi ng design ng bahay nila. European style. Napakaelegante ng mga designs at kung talagang pagmamasdan mong mabuti ang mansion nila, baka makalimutan mong nasa Pilipinas ka pa rin. Napaisip tuloy ako kung gano kamahal ang pagawa sa bahay na to, pero napagdesisyunan kong wag nang isipin yun kasi baka hindi ko kayanin.


After lunch ako nagsimulang maglibot at mejo hapon na ko natapos. Natagalan ako kasi talagang wala akong detalyeng pinalampas sa bahay nila. Pati nga mga figurines, pictures, at paintings inosyoso ko eh. Nang natapos na ko, nagmiryenda na ko kasi ipinaghanda ako ni Aling Lilia. Nakakahiya nga eh. Pakiramdam ko ang kapal-kapal ng mukha ko para magpasilbi sa kanya. Una kasi ang tanda na niya. Baka nakakadagdag pa ko sa mga pasakit niya sa araw-araw. Pangalawa, pakiramdam ko may utang rin ako sa kanya dahil sa naging papel ko sa relasyon nila Lisette. Nasabi na rin kasi sakin ni Leo ang tungkol sa pagtrato nila ni Lisette na parang tunay na mag-ina. So feel ko... Malaki rin ang pagkakautang ko sa kanya.


Pero sadyang mabuti talaga ang taong ito..



"Hija!" Tawag sakin ni Aling Lilia na nagmamadaling lumapit sakin habang may dala-dalang isang translucent box na parang kit ata. nang maabutan niya ko, agad niyang inabot ito sakin.


"Baka nababagot ka na dito sa bahay. Eto binilhan kita ng mapapaglibangan." Sabi niya. Agad ko namang inosyoso yung binigay niya at nakitang may mga karayom at makukulay na sinulid at may ilang tela na may butas-butas na pattern. Looking at it, mukhang isa itong cross-stich set. Agad kong ibinaling ang paningin ko sa kanya.



"N-Nako po! Hindi naman po ako nababagot sa bahay. Masaya nga po ako at kahit na ganito ako, tinatrato niyo pa rin po ako ng maganda. Hindi ko po matatanggap yan! Sobra-sobra na po ang pag-aalaga ninyo sakin." Sagot ko at tinangkang ibalik sa kanya ang kit pero itinulak niya ito pabalik sakin.


"Binili ko yan para sa iyo hija. Kaya tanggapin mo na." She smiled at me. How could I resist to such heart-warming smile? Wala akong nagawa kundi tanggapin ang alok niya. I was so excited that I rushed to my room at agad na binuksan ang cross-stich set na meron ako. I sat on my bed at binuklat ang laman nito. May tatlong patterns na kailangan kong buoin. Isang nanay na nakangiti at nakatingin sa anak niyang nakabalot sa lampin na nakahiga, isang toddler na naglalaro sa mga mabulaklak na garden, at... isang masayang pamilya kasama ang musmos nilang anak. I admit. mejo nalungkot ako nang makita ko ang huling pattern. Ni minsan kasi, hindi ko pinangarap na maging single parent. Sabi ko magiging buo at masaya ang magiging pamilya ko, pero sa mga nangyari, malayo nang matupad iyon. Ayoko na sanang maulit sakin yung naging sitwasyon ng nanay ko, pero wala eh.. History repeats itself. And I hate it.


Kinuha ko ang isang karayom, nagtuhog ng sinulid, at nagsimula akong magcross-stich at ang inuna ko ay yung pattern na may nanay na nakangiti habang tinitingnan yung baby niya. I smiled. Tamang-tama. In less than two weeks, due date ko na at makikita ko na rin finally ang pinakamamahal kong baby ko.

UnblessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon