Chapter 13: The Legal Wife or The Mistress

171 6 0
                                    

Lisette's PoV



Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi sa mga braso ni Leo. I missed how we used to be like that. Kaso, nang dahil sa pangloloko niya... Nagbago ang lahat. I hate it. I wanted everything to be okay badly.. But it just can't.


Naalimpungatan ako dahil may sinag ng araw na tumatama sa mata ko. I slowly opened my eyes at nakita ko na namumutiktik ang kisame sa mga bilog-bilog na kulay lavander, powder blue, at baby pink. Hindi ko pa kasi ito maidentify dahil malabo pa ang paningin ko kasi kakagising pa lang, pero nang mag-adjust na ang mga mata ko, unti-unting luminaw ang paningin ko at nakilala ko na kung ano yung mga bagay na nasa kisame. Naningkit yung mga mata ko nang marealize ko kung ano yung mga yun.


Balloons?


Bakit andaming balloons sa kisame? Anung meron? Teka... Mali ba ko ng pinasukan na kwarto? Pero dinala ako ni Leo sa kwarto namin ah? Ano yun? Panaginip lang?


Agad akong napabangon nang sumagi sa isip ko na baka panaginip lang yung eksena namin ni Leo at baka nga nasa ibang lugar ako. I quickly looked around only to see that it was really our bedroom. Napalagay ako ng kamay ko sa noo ko.



"What the hell is going on?" Bulong ko sa sarili ko habang nakalagay pa rin yung kamay ko sa noo ko. laking gulat ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at dirediretsong pumasok si Leo.


"OH MY GOD!" I exclaimed in fright sabay hawak sa dibdib ko.

"Ay.. Nagulat ba kita?" Tanong niya.

"AY HINDE." I sarcastically answered and rolled my eyes. He chuckled.

"Wag ka na magalit." He smiled. Seriously? Anung meron sa kanya?

"Kindly explain." Sabi ko sabay turo sa mga balloons.

"Ah yan?" He chuckled.

"Nakalimutan mo na ba?" Tanong niya.

"Ang alin?"

"Nakalimutan mo nga!" He pouted.

"Wag mong gayahin ang pout ko. Hindi bagay sayo."

"Hehe. Onaaa. Pero nakalimutan mo nga?"

"Ang alin nga?"



"Na monthsary natin ngayon." He pouted at naglungkot-lungkutan. I stared at him for a few seconds. Yung totoo? Monthsary namin ngayon? Agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan yung date. Monthsary nga namin.


"Ako na lang ba ang nagbibilang?" Malungkot na tanong ni Leo kaya napatingin ako sa kanya.



"H-Hindi naman.. Marami lang talaga akong iniisip.." Sagot ko. Leo slightly smiled.

UnblessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon