Lisette's PoV
Days passed at nakauwi na rin si Tiffany at ang anak nila sa bahay. Then suddenly one day, nagsidatingnan ang mga messages na nagtatanong kung bakit daw nagfile ng paternal leave si Leo. Maski ako nagulat eh. Pero syempre hindi ko na lang sinagot silang lahat. Bukod sa mga inbox ko, pati phone ko at landline, spammed na rin ng mga calls na nagtatanong sakin kung bakit. Pag ganun ang naririnig ko, nagpapanggap na lang ako na sira ang line at wala akong naririnig sa kabilang side ng linya. One call after the other, kaya naman nagdesisyon akong hindi na sagutin lahat. Pati nga yung mga tumatawag sakin tungkol sa business thingy nagdusa sa hindi ko pagsagot ng mga tawag nila sakin. Ay basta! Bahala sila kung ano man ang dahilan ng pagtawag nila sakin.
I walked out of my room pero napatigil ako nang makarinig ako ng usapan mula sa first floor.
"Sige po Aling Lilia, mauuna na po kami. Eto kasi si Leo eh! Ang pilit masyado." Sabi ng boses ni Tiffany. I looked down at nakita kong hawak siya ni Leo sa pulso at parang hinihila palabas.
"Ah sige, sige. Ipapalinis ko na rin ang kwarto nang may mapaglagyan kayo ng mga papamilihin niyo." Sabi ng boses ni Nanay Lilia. Hindi ko siya makita kasi nasa may bandang gilid siya ng hagdan at natatakpan siya nito.
"Sige po Nanay Lilia Maraming salamat. Pakialagaan po muna ang pamilya ko habang namimili pa kami ni Tiff ng gamit ni baby!" Leo said with a bright smile at kumaway na sila ni Tiffany kay Nanay Lilia at nagpalakad na papuntang pintouan. Sinundan ko sila ng tingin. They're so happy... Leo's so happy. I can't help but to feel envious, and jealous. I should be in Tiffany's position.. Dapat ganyan kasaya sakin si Leo.. Hindi ko tuloy maiwasang magalit sa Diyos at ganito ang ginawa niya sakin. Hindi naman siguro ako masamang tao diba? Pero bakit ko kailangan maging ganito? Bakit niya ipinagkakait saking magkaanak at magkaroon ng sariling pamiya?
I slowly went down the stairs. Nakasalubong ko si Nanay Lilia at ang ilang mga katulong namin.
"Linisin niyo maige ah? Alalahanin niyo, sanggol ang gagamit ng kwarto!" Utos niya sa mga katulong namin.
"Opo."
"Osiya. Dalian niyo na. Kailangan tapos na yan bago makabalik sila Leo." Sabi niya at humarap sakin. Nang makita niya ko, agad siyang ngumiti.
"Lisette anak! Gising ka na pala. Ah eh, halika at kumain ka na rito. Handa na ang almusal. Mejo malamig na nga lang ng konti, pero masarap to." Sabi niya na may halong ngiti.
"Si Nanay Lilia talaga, ginagawa akong bata." I playfully teased. Ganyan na ganyan kasi siya sain nung bata ako. Hanggang ngayon ba naman na may asawa na ko eh ganyan pa rin siya sakin? Syempre mejo awkward kasi feel ko ang tanda ko na para ganyanin niya ko.
"Ganun talaga, anak. Hanggang sa huli, ikaw pa rin ang batang inalagaan ko. Pagbigyan mo na ko ah? Mamimiss mo rin naman yan pag namatay na ko balang araw eh." She smiled. Gulat na gulat akong tumingin sa kanya --- eyes wide open and lips parted.
BINABASA MO ANG
Unblessed
Ficción General[4] When everything seems perfect, life will just suddenly slap you so hard with trials and problems. Sometimes, hard enough to make you fall on your knees and break you down into pieces. If you're in her position, what would you do? Story Parts: Pr...