Mainit, maingay at nakakasuka ang mga pinaghalo-halong amoy ng sigarilyo, mga pawis ng mga tao at alak sa maliit na bar na pinuntahan niya sa isang eskinita malapit sa kanyang apartment na inuupahan.
"Jinny! Ano ba, bilisan mo!" sita sakanya ni Tita Esther, ang mahaderang may-ari ng apartment na tinitirhan niya. Kung hindi lang niya kailangan magbayad ng upa ngayong buwan, ay baka kanina pa niya nasakal ang matanda na punong-puno ng make-up ang mukha.
Sumunod siya rito at sabay silang pumasok sa isang maliit na opisina sa bandang likod ng bar. Doon nakita niya na may kausap si Tita Esther na bakla at may tatlong mga babae na nakahilera sa harap nila.
"Jinny, tama?" baling sakanya ng bakla.
"O-Oo." utal niyang sabi dahil nailang siya ng pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka-tshirt lang siya at pantalon. Galing kasi siya kanina sa eskwelahan para ayusin ang kanyang requirements dahil gagraduate na siya sa wakas ng highschool.
"Ano, ayos na ba?" naiinip na tanong ni Tita Esther.
Tumango ang bakla at may ibinigay na pera sa ngingiting si Tita Esther. Maya-maya lang ay umakma na itong aalis kaya nagpanic siya. Sabi nito kanina kung gusto niya magbayad ay may iaalok ito sakanyang trabaho ngayong gabi, akala niya ay magwe-waitress siya sa bar, hindi niya lang alam kung iyon talaga ang magiging trabaho niya.
"Sandali lang po, iiwan ninyo ako dito?"
Tinanggal ni Tita Esther ang kamay niya na nakahawak sa braso nito. "Hindi ako pwedeng sumama, Jinny. Itong pera na ito ang seswelduhin mo ngayong gabi, sapat para ipambayad mo sa dalawang buwan na delay sa renta mo at sa buwan ngayon. Ako na muna ang bahala kay Ronnie habang wala ka."
Susundan pa sana niya ito nang hatakin siya ng isang babae na nakahilera kanina sa harapan nila.
"Bilisan mo at magbihis ka na. Male-late na tayo sa party!" sabi nito sakanya.
Inabutan siya ng isang babae ng isang costume. Isang santa costume pero ang kinaibahan ay pinaikli ito. Maikli ang palda, kita pa ang pusod at cleavage niya. May santa hat at black net stockings pa. Ano ba ang pinasok niya?
Sumakay sila sa isang van na minamaneho nung bakla kanina.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
Tinignan siya ni Nina na isa sa kasama niya. Tulad niya ay parehas silang naka-costume pero ito lang ang naiiba, para kasing pa-swimsuit na ang costume nito. Mas sexy at mas kita ang balat at dibdib.
"Hindi mo alam? Pupunta tayo sa isang frat party."
Mukhang nahalata ng mga kasama niya na wala siyang kaide-ideya ay inexplain nito sakanya ang gagawin.
"Si Nina ang main star, siya ang lalabas sa regalong hinanda mamaya. Siya rin ang sasayaw, tayo nila Wynona ang magseserve ng alak. Magi-entertain tayo ng mga lalaki roon."
"P-Pero sixteen palang ako." sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ng mga babae pati ang baklang nagda-drive kanina ay napahinto.
"Sabi ni Esther ay eighteen ka na raw!" histerical na sabi ng bakla.
Umiling siya. "Sixteen palang po ako."
"Hindi ka pwede roon, Jinny. Minor ka pa. Madam, ano gagawin natin?" sabi ni Nina.
Umiling ang bakla. "Magbihis ka, Jinny. Hindi ka pwedeng sumayaw at makihalubilo roon." Nagmura ito ng mahina na sa tingin niya nalang ay para sa panlolokong ginawa ni Tita Esther.
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
Genel Kurgu"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin