"Jinny!"
Kagat-kagat ang banana que, nilingon ni Jinny iyong taong tumawag sakanya. Nakita niya sa kabilang kalsada ang kaklase niyang si Effrenelle. Sinenyasan niya ito na maghintay at tsaka nilingon si kuyang nagbebenta ng banana que.
"Kuya, isa pa. Pakilagay sa plastic. Ito ha? Iyong madaming asukal." sabi niya at itinuro ang banana que na gusto niya. Humugot siya ng bente pesos at ibinayad iyon sa tindero bago tumawid ng kalsada.
"Oh, Effrenelle. Ano'ng atin?" tanong niya nang makarating siya sa harap nito.
Bakas ang pagkainis ng kaklase sakanya. "Effie na nga lang!"
Iniikot niya ang kanyang mata at inalok ng kinakain si Effrenelle na siya namang tinanggihan nito. "Bakit mo ko tinawag? Sinasabi ko sa'yo, hindi ako manunuod ng oppa oppa mo."
Natawa sakanya ito. "Sira, hindi ko talaga ishe-share sa'yo mga oppa ko. Baka halayin mo lang sila."
Inismiran niya ang sinabi nito. "Ulol. Balita ko maliliit mga etits ng mga Koreano." sabi niya at sinabayan ng malakas na pagtawa.
"Sira-ulo ka ah!" sabi lang sakanya ni Effrenelle. "Hindi kita pakokopyahin ng assignment akala mo."
Ngumisi si Jinny at kaagad na nilambing ang kaklase. "Ikaw naman, hindi ka mabiro. Saan ba tayo may assignment?"
Tangina naman kasi, naging abala siya sa pag-aalaga kay Daddy K niya dahil simula nang makalabas na ito nung nakaraang buwan, medyo humina na ito kaya naman madalas ay sila ni Wella ang namamahala ng club kapag gabi kaya pagkatapos ng klase, diretso siya sa club at tumutulong.
Third year Legal Management student na siya. Actually, irregular student siya kaya mahirap. Si Effrenell naman ay second year pero magkaklase sila sa microeconomic theory dahil drinop niya iyong subject niya na iyon last year kaya tinetake niya ngayong taon.
"Hay nako, Jinny. Mapapahiya ka nanaman mamaya kapag pangalan mo ang nabunot sa oral recitation."
Napakamot siya sa noo. "Langya naman kasi niyang si Mr. Quismundo. Favorite na favorite ako eh."
"Sawa na raw kasi siya sa mukha mo." natatawang saad sakanya nito.
"Kung sawa siya sa kagandahan ko, mas sawa ako sa kakupalan niya. Kaya walang asawa eh."
Pumasok sila sa loob ng campus at kaagad niyang napansin ang umiiyak na babae sa harap ng isang lalaki. Namukhaan niya ang iyon na si Atom. Napailing siya sa nasaksihan.
Nang nakaalis si Atom, nilapitan niya ang babae na nakita niyang isa sa miyembro ng kinaiinisan niyang sorority na Sigma Pink. Tangina ng mga babae roon, hayok na hayok sa Pink. Idol ata ng mga 'yon sina Patrick Star at Jigglypuff eh.
Inabot niya sa babae ang stick niya na may isang piraso nalang ng banana que.
"What's this?" pagtataray ng babae sakanya.
She smiled fakely at the girl. "Oh eto girl banana que, kasi umasa ka na ikaw ay kanyang 'bebe qouh' " sabi niya at malakas na tinawanan ang babae at tsaka umalis, hila-hila si Effrenelle na tatawa-tawa lang.
"Ang sama mo." sabi nito sakanya na natatawa.
"Uy, si Mino oh." sabi niya bigla at itinuro kay Effrenelle si Mino na crush na crush nito dahil isang beses lang nito naging kaklase sa PE last year.
Nangiti naman si Effrenelle at binati si Mino na dumaan sa harapan nila pero tinignan lang ito ng lalaki at walang salitang nilagpasan ito.
She swallowed her laugh. She tapped Effrenelle's shoulder. "Gusto mo ng GSM Blue? Para sa puso mong bigu?"
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
General Fiction"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin