After three years...
"Paano na tayo ngayon, Jinny?"
Hinilot ni Jinny ang noo habang pinagmamasdan ang notice letter na natanggap niya galing sa isang loan company na nagsasabing ilang buwan nalang ay kukunin ng mga ito ang bar na tanging iniwan ng Daddy K niya sakanila bago ito mamatay noong nakaraang taon.
Tinignan niya ang nag-aalalang mukha ni Wella - ang matalik na kaibigan ng Daddy K niya at ang tumatayong manager ng club. Maski ito ay nagulat nang malaman pala nilang ginawang collateral ng Daddy niya ang club kapag hindi ito nakabayad sa pagkakautang na aabot sa apat na milyon.
"Limang na taon na palang may utang si Daddy sa mga 'to. Hindi ko alam, Wella. Hindi ko alam.." naguguluhang sagot niya.
Naupo si Wella sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Hayaan nalang natin kaya, Jin? Tutal hindi naman na masyadong kumikita ang bar dahil sa ginawa ni Susie."
Uminit bigla ang ulo niya nang marinig ang pangalang iyon. Susie was one of their waitresses. She must say that the girl is a psycho. Ilang beses itong nakabasag at nakatapon ng pagkain sa trabaho pero inintindi niya iyon tapos bigla nalang ito nawala after ng isang buwan at may iniwan pa ito sakanya. Isang araw ay nakatanggap siya ng sulat na nagsasabing kakasuhan siya nito dahil daw minamaltrato at under compensated daw. Naghahanap tuloy siya ng paraan para magtigil ang gagang 'yon.
Napasabunot siya sa buhok. "Papatayin ko talaga 'yong sinungaling na 'yon. Nahiya naman ako sa statement niyang under compensated. Palamon ko sakanya lahat ng basag na pinggan at baso na ginawa niya eh."
Napabuntong-hininga si Wella. "Ano'ng gagawin natin ngayon, Jinny? Sasabihin ko na ba sa mga tao natin?"
Napatingin siya kay Wella. "Hindi ko hahayaang mawala ang bar na ito, Wella. This is like home to some of our people. This is home for us, you know that. I won't let them take the only thing Daddy K left for us."
"Pero saan ka kukuha ng pambayad? Jinny malaking halaga ang apat na milyon."
"Basta. Ako na ang bahala. Aayusin ko lahat ito."
Matapos makipag-usap kay Wella, dumiretso si Jinny sa Hope House. Ang organization na itinayo nila ni Brooke para sa mga kababaihang inabuso at minaltrato. Naabutan niya doon sina Lia at Generose na nagko-conduct ng art at cooking activity para sa mga nakatira sa Hope House.
Their friends are very supportive. Linggo linggo ay nagpupunta ang mga ito sa Hope House para makipag-usap sa mga kababaihan na nakatira doon, magko-conduct ng activities, o kaya ay simpleng tutulong lang sa mga gawain. Even Violet mingles with the women here.
"Patapos na kayo?" tanong niya nang makalapit sa dalawang kaibigan.
"Oo. Tikman mo 'tong gawa ni Erika, ang sarap." masayang sabi sakanya ni Generose at inakbayan si Erika.
"Patikim nga." Sumubo siya sa pagkaing niluto ni Erika. "Hmm, masarap nga. Good job, Erika."
Nangiti lang ang dalagita sakanya. Erika was one of the girls they rescued last last year. May tumawag kasi sakanila at sinabi ang kalagayan ni Erika na kung saan minamaltrato at binubugaw siya gabi gabi ng amo nito na nagpalaki na rin daw rito. She was just sixteen that time. Same age where their neighbor sold her to Daddy K to perform for a strip show in a frat party. Mabuti nalang at hindi siya hinayaan ni Daddy K.
Matapos ang activity, inaya niya ang dalawang kaibigan na magmeryenda sa labas.
"What's wrong?" tanong ni Lia nang mapansin siguro ang pagkakatamlay niya.
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
General Fiction"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin