Epilogue

34.4K 1.4K 45
                                    

Mula sa sulok ng library ay tinanaw ni Tradd ang maingay na lamesa sa kabilang dulo dahil hindi siya makapag concentrate sa kanyang binabasa dahil sa may kalakasang pagdadaldal ng mga tao doon. Hinala niya ay mga freshmen ang mga ito. Nagkataon kasing ipinatawag sa dean's office ang librarian kaya pansamantalang walang bantay ang library.

He was about to stand and talk to those students when the girl leaning on the table, probably she was sleeping, beside them stood up and did what he was about to do. They all heard a loud thump on the table when the girl loudly slammed her hand on it.

"Mga bata, library ito. Kung hindi kayo mag-aaral o matutulog eh lumabas nalang kayo. Can't you read the sign in front of you? Silence daw. Tagalugin ko ah? Katahimikan daw, silencio! Okay?"

Natahimik ang mga estudyante at siguro dahil sa pagkapahiya ay nagmadaling lumabas ng library. Bumalik naman ang babae sa pagkakayukyok sa lamesa. Hindi niya masyado natanaw ang mukha ng babae dahil medyo nakatalikod ito sa gawi niya.

"Grabe talaga si Jinny, iba rin eh," komento ng kaklase niyang si Kiefer.

"Jinny?" tanong niya. Pamilyar ang pangalan, may pumasok na Jinny sa isip niya pero hindi siya sigurado kung iisa lang ang tinutukoy nila ni Kiefer.

"Iyong miyembro nung sikat na sorority," sagot ni Kiefer tapos ay ibinalik na ang atensyon sa binabasa.

Tinignan niya muli ang pwesto ni Jinny na mukhang mahimbing na ang pagkakatulog. So, tama pala ang nasa isip niya. Of course he knows this girl not just because of her sorority but also because of they have some classes together.

"Anyway, sasama ka ba mamaya?" baling sakanya muli ni Kiefer.

"Saan?" kunot-noong tanong niya. Wala kasi siyang matandaan na may lakad sila mamaya.

"Sa stag party ni Atty. Barber. Nakalimutan mo? Inimbitahan niya tayo 'di ba?"

Napapikit siya at hinilot ang sentido. Naalala nga pala niya na inimbitahan nga pala sila ng batang attorney para dumalo sa stag party nito. Nag-part time kasi sila ni Kiefer sa firm nito nung Summer kaya naging malapit na rin sila dahil hindi naman ito gaano katanda.

"Sige, sasaglit ako. Sabay na tayo pumunta."

"Huwag na, doon nalang tayo magkita kasi manggaling ako sa airport dahil ihahatid ko si ate," sagot sakanya ni Kiefer.

Nagkibit-balikat nalang siya. No problem with him, wala din naman siyang balak na magtagal doon. He'll just drop by to say congrats and he will ditch. Hindi rin naman siya mahilig sa party party na ganyan. He has more important things to do than to party and get drunk.

Saktong ten ng gabi siya nakarating sa lugar na pagdadausan ng stag party ni Atty. Barber. Pagkabukas sakanya ng pinto, malakas na naghiyawan ang mga lalaki doon kasama si Kiefer na mas nauna sakanya makarating.

"Nandito na si Tradd!" anunsyo ng nagbukas sakanya.

Nagsigawan ang mga lalaki at sabay-sabay na pinagtaasan ang mga bote ng alak na hawak. Hinanap ng kanyang mga mata si Atty. Barber at nang mamataan ito na nakikipagtawanan sa may malapit sa mini bar, agad siya nagtungo doon.

"Attorney.." tawag niya sa batang abogado.

Nilingon siya ng abogado at nakipagkamay kasamay ng pag-akbay ng isang kamay nito sakanya at ihinarap siya sa mga kausap nito.

"Ito pala si Mr. Molinos," may pagmamalaking pakilala nito sa mga kaibigan nito.

"Ah, the Tradd Molinos. Jason always brags you to us. I'm Attorney Hero Pascual."

ZWCS#8: My Favorite MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon