Nagising si Jinny sa lakas ng hiyawan na nangyayari sa labas ng kanyang kwarto. Mukhang maling araw ata ang napili niya na magcheck-in sa Casa Alegria dahil mukhang may party na ginaganap sa labas. Akala ba naman niya ay makakapagpahinga siya na walang istorbo o ingay man lang.
Titignan niya sana ang oras sa kanyang phone kaya lang naalala niya na pinatay pala niya ito. Hinanap pa niya ang wrist watch para malaman ang oras at pagtingin ay alas diyes na pala ng gabi. Bigla tuloy siya nakaramdam ng gutom, naalala niya na ang huling kain niya ay iyong umaga pa nang pagkadating niya.
Kinuha niya ang blazer niya at isinuot dahil sobrang lamig sa labas dagdag pa na umuulan. Napadaan siya sa may function room kung saan may nagkakasiyahang mga kababaihan. Adjacent sa lugar kung saan may kasiyahan ay ang maliit na restaurant na maaari niyang kainan.
"Ano'ng meron doon, miss?" kyuryosong tanong niya sa babaneg nag-attend sakanya.
"May event po iyong admin na girl's night out po since birthday po ng may-ari ng resort."
Tumango-tango siya. "Bakit girls lang?"
Nagkibit-balikat ang staff sakanya. "Iyon po ang gusto ng may-ari eh. Sali po kayo ma'am. Masaya po doon." Nakangiting alok sakanya ng staff.
"Titignan ko. Nagugutom na ko eh." pabirong sagot niya.
Habang kinakain niya ang chicken leg na inorder ay nakamasid siya sa mga nagkakasiyahang mga kababaihan. Bawat isa sakanila ay may hawak na mga kopita na may lamang alak. Bawat isa rin ay may suot na iba't ibang hair piece, ang iba ay bunny ears, ang iba ay cat ears, at ang iba ay may mga tiaras. Mukhang masaya nga doon. Tutal nandito naman siya upang mag-unwind, lulubusin niya na.
Binaba niya ang chicken leg na halos buto nalang din naman. Uminom siya ng tubig at nagmartsa papunta sa may party. Sa bungad palang ng function room ay may sumalubong kaagad sakanyang mga babaeng staffs at inofferan siya ng drinks. Ang isa naman ay kaagad siyang nilagyan ng korona sa may ulo niya.
"Enjoy ma'am!" masayang sabi sakanya ng mga staffs.
Madali naman para sakanya ang makihalubilo sa mga iba pang babaeng guests na naroon. Maya maya lang ay nasa gitna na sila ng dance floor at nagsasayawan.
"Balita ko may male dancers daw mamaya!" sigaw ng isang babae.
Napataas ang kilay niya. "Saan mo naman nalaman iyan?"
Nagkibit-balikat ang babae. "Sabi-sabi lang ng iba."
"You mean like strippers?" excited na tanong ng isa pa nilang kasama.
Nagkibit-balikat lang ang babaeng nagbalita sakanya tapos ay impit na tumili na ang iba pa nilang kasama. Napailing nalang siya sa mga ito.
Nasa kalagitnaan sila ng pagsasayaw nang humina ang tugtog at nagsalita ang DJ.
"Let's make this cold night hot!" hiyaw nito kasabay ang hiyawan ng mga kababaihan.
Sunod na nangyari ay nagsilabasan ang tatlong lalaki na mga nakamaskara – lumabas lang ang mga ito na tila mga ramp models. Naka ripped jeans ang mga ito at naka sleevless shirts na kitang kita ang mga braso at sides ng katawan.
"Bakit hindi sila sumasayaw?!" nagtataka na tanong ng isang babae sa may likuran niya.
Siya man din ay nagtaka kung bakit puro rampa lang ang mga ginagawa ng mga ito. Maya-maya lang ay may isa pang lalaking lumabas na may dalang monoblock chairs at naghilera ng apat sa may gitna ng dance floor. Bumaba ang naunang tatlong lalaki at kumuha ng tig-isang babae at pinaupo sa mga monoblock chairs.
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
General Fiction"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin