Nakangangang pinagmamasdan ni Jinny si Trad na nakaupo sa sidewalk habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi nito, may kaunting pasa na rin ang namumuo sa pisngi nito dahil sa nangyaring frat war kanina.
"Ka-brader ka ni Aquish?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Tradd pero hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa ginagawa nito.
"Jinny, bakit ka nandito?" tanong sakanya ni Aquish na tulad ni Tradd ay pawisan at may namumuong pasa. Nasa sampu ang mga lalaking nasa harapan niya ngayon at ang mga kilala lamang niya ay sina Aquish, Travis, Atticus, Tradd at Mino.
Nagbukas-sara ang bibig niya dahil gulat talaga siya sa nalaman ngayong gabi. Sino ba ang mag-aakala na miyembro ng sikat at misteryosong fraternity si Tradd? Eh sa tingin nga niya noon eh walang social life ang lalaking ito.
"Jinny, ano? Natulala ka na diyan?" untag sakanya ni Travis.
"Why are you here at this hour, Jinny?" dagdag ni Atticus.
"Wait lang! Gusto sagot agad? Teka! Nag-iisip ako ng sagot." sabi niya sa mga ito.
Tinaasan siya ng kilay ni Aquish habang nakahalukipkip naman sina Travis tapos nakatingin pa sakanya ang iba pang miyembro na tila ba ineeksamina siya ng mga ito. Bigla tuloy siyang na-pressure.
"Hindi ba kayo makukulong?" Iyon ang naisambit niya dahil iyon kaagad ang pumasok sa isip niya. Nagsitawanan naman ang mga lalaki sa sinabi niya.
Lumapit sakanya si Travis at inakbayan siya. "Hindi iyan. Huwag ka diyan mag-alala."
"Tsaka isa pa.." Tumayo si Aquish at tinabihan at inakbayan si Tradd na tahimik lamang na nakaupo sa sidewalk. "Nandito si Attorney Molinos para sagipin tayo."
Aburidong inalis ni Tradd ang braso ni Aquish sa balikat nito. Tumayo ito tapos ay namulsa tsaka naglakad palayo.
"Saan ka pupunta?!" sigaw ni Aquish dito pero wala silang narinig na sagot mula dito at patuloy lang na naglakad paalis.
Tinignan niya sina Travis, Aquish at Atticus na nakapalibot sakanya. "So.. secret ba 'to? Am I part of some secret society now? Top secret ganon?"
Weirdong tinignan siya ng mga ito tapos sabay-sabay na tinawanan pa. "You watch too much movies." sabi sakanya ni Atticus.
"We'll take you home." Sabi ni Travis sakanya at iginiya na siya paalis sa lugar na iyon. Pagkadating nila sa Vanderbilt Drive, dinaan muna siya ng mga ito sa sorority house ng Zeta. Sakto naman na kakapark lang ni Brooke ng kotse nito, kasama nito si Cassie at Rosas.
"Hey, hotshot!" bati ni Aquish kay Brooke sabay kaway. Nakita niyang nginitian ni Brooke si Aquish pero hindi na niya pinoint out pa.
"Sige na, tsupi na kayo. Salamat sa paghatid." Pagtataboy niya sa mga lalaki.
Ayaw pa sana umalis ni Aquish pero nahatak na ito nina Atticus at Travis. Hinintay siya ng mga kaibigan sa front door.
"Saan kayo galing? Gabi na ah." Tanong sakanya ni Rosas.
"Nakalimutan ko phone ko sa library, nakasabay ko lang sila kaya hinatid na ako pauwi." Pagsisinungaling niya. Naisip niya kasi na kahit hindi sinabi nina Aquish na ilihim niya ang nakita, pakiramdam niya na dapat manahimik siya, kaya hindi na niya sinabi sa mga ito.
Besides, there's a part of her that wanted to keep it to herself, only for herself.
Kinabukasan, nagtext sakanya si Tradd na hindi ito makakapunta sa usapan nila, pero nagsend ito sa email niya ng notes at problems na kailangan niya reviewhin at sagutan. Napaisip tuloy siya kung bakit hindi ito nakasipot sa usapan nila, tapos pumapasok sa isip niya ang frat war na nangyari kagabi. Siguro, masakit katawan nito o kaya nahihiya sa mga pasa sa mukha kaya hindi nakapasok.
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
General Fiction"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin
