"Jinny, halos isang oras mo na pinupunasan ang lamesang iyan anak, baka naman mabutas na iyan kakapunas mo?"
Natigilan si Jinny sa pagpupunas nang magsalita bigla ang Daddy K niya sa tabi niya. May hawak itong isang stick ng turon na tingin niya ay luto din nito. Bumuntong-hininga siya at naupo sa upuan.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng Daddy K niya sakanya. Dinama pa ng palad nito ang kanyang noo upang sipatin kung may lagnat ba siya o wala.
"Wala ka naman lagnat. Gusto mo ng turon?" alok nito sakanya ng kinakain.
Umiling siya bilang sagot at tsaka muling napabuntong-hininga.
Eksaheradang suminghap ang Daddy K niya sabay hawak pa sa dibdib nito. "Nasaan ang anak ko? Hindi ikaw ang Jinny babes ko!"
Natawa siya at pinalis ang hintuturo ng Daddy K niya. "Daddy K naman eh!"
"Lalaki ba iyan?" mapanuring tanong nito sakanya.
Hindi siya nakasagot dahil mahirap magsinungaling sa Daddy K niya. Mas mabuti na 'wag nalang magsalita para iwas kasalanan siya. Isa pa, mahirap magtago ng sikreto sa Daddy K niya.
"So boylet nga." He stated not waiting for her to confirm it.
Maya-maya ay bigla itong nawala tapos bigla nalang may pumailanlang na music sa buong club. Sunod na lumabas ay mga stand-up comedians ng club ni Daddy K tapos ay tumapat ang mga ito sakanila.
"Kalimutan mo na iyan! Sige sige maglibang, 'wag ka magpakahibang, dapat ay itawa lang! Ang problema sa lalaki dapat 'di iniinda, hayaan mo sila na maghabol sa'yo 'di ba?!"
Natawa siya dahil sabay-sabay ng mga ito sinabayan ang kanta at hindi pa sabay-sabay, tapos nagsayaw pa ang mga ito kasama ang Daddy K niya na nagmukha tuloy silang mga tryhing hard hiphop dancers.
"Ano ba iyan?!" tatawa-tawa niyang sabi sa mga ito. "Ano namang kahibangan iyan?!" natatawa niyang dugtong.
"Ex-B! Uso 'to ngayon 'nak!" natutuwang sabi ng Daddy K niya habang pumopose pa ng parang miyembro ng hiphop group.
"Malungkot ka daw 'be sabi ni Mader K, naku bruha, hindi kami sanay na ganyan ka." Sabi ng isang bakla sakanya na 'alaga' ng Daddy K niya sa club.
Lumapit sakanya ito at hinila siya patayo. "Sayaw nalang tayo 'be!"
Natatawang nagpatianod siya rito at nakisali sa sayawan ng mga ito sa tugtog ng Ex B.
"Pasa mo sa'kin iyong kanta ah? Maganda eh!" natatawa niyang bulong sa Daddy K niya. Nagthumbs up naman ito sakanya at sinayaw nila ang isa't isa.
Paano ba naman niya matatagalan ang kalungkutan kung ganito karami ang handing pasayahin siya. Kahit pa na hindi niya kadugo ang isa sa mga ito, sila ng kapatid niya na si Ronnie, sila na ang itinuturing na tunay na pamilya, at kung papipiliin siya, hindi niya ipagpapalit ang mga ito sa kahit sinuman.
Matapos nilang magkasiyahan ay nagpaalam na si Jinny na babalik na ng sorority house dahil may kailangan pa siyang tapusin na assignments and reports na ngayong linggo din ang deadline. Nang makarating sa sorority house, dumiretso na siya sa kanyang kwarto at binuksan ang laptop na hiniram niya kay Brooke.
Nagtitipa siya ng kanyang report nang pumasok nanaman sa isip niya iyong mga sinabi ni Tradd sakanya nung isang araw.
"I'm serious. Because right now, nakikita ko na wala kang pangarap."
"You know what's wrong with you? You don't know how to accept your mistakes. Mataas iyang pride mo."
"Tanginang iyon ah.." Tumigil sa pagtitipa si Jinny at humalukipkip at nag-isip habang nakaupo lang siya sa gitna ng kama niya. She titlted her head on the side and was trying to think so hard. "Ngayon ko lang narealize na sumobra siya sa ganap na iyon, eh kung tutuusin nakatulog lang naman ako? So, wala na ba ako karapatang matulog? Tsaka bakit ako magi-guilty? Tanginang lalaki na iyon, niyurakan niya ang dignidad ko don. Masyado siya! Kala naman niya ke-pogi pogi niya, oo na at pogi talaga siya, nasakanya na halos lahat ng katangian na magugustuhan ng babae sa lalaki pero hindi ako! Don't me! Not me!"
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
General Fiction"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin