"We can report it as extortion since it involves them threatening you to cause harm to all of you unless you pay them money."
Kanina pa hindi mapakali si Jinny at panay ang pisil sa mga daliri dahil kating-kati na siya bumalik sa bar dahil natatakot siya na baka balikan sila ng mga tao ni Susie.
Kanina pa salita ng salita si Tradd sakanya pero kakaunti lang naman ang naiintindihan niya. Nag-aalala siya para sa kaligtasan ng tinuring niya ng pamilya.
"For us to file a lawsuit, we need to collect documents, Jinny. Police will want copies of anything you might have. We need evidence such as letters, texts, videos, pictures or recordings proving they're threatening you."
Nag-angat siya ng tingin nang pabagsak na inilapag ni Tradd ang ballpen na hawak nito sa lamesa. Tumayo ito at umikot at nagpunta sa harapan niyang upuan. Inusod nito ang upuan niya palapit rito tsaka hinawakan ang magkabila niyang kamay.
He heaved out a sigh before touching her cheek. "I wished I was there when that happened, Jinny. I wished I was there to protect you."
Nanatiling nakatingin lang siya kay Tradd. Maybe if she's her normal self, she would've pushed Tradd away and let her balahura mouth do the work but she's not in the mood. She felt weak, helpless and vulnerable and what Tradd is doing right now is somehow helping her to calm and think that everything's going to be okay.
"Did they hurt you?"
Umiling siya.
He sighed again and kissed her hands. "Thank God. We'll make them pay, Jinny. I swear, pagbabayarin ko sila sa ginawa sa'yo."
She couldn't speak. She doesn't know what to say or do. Lutang na lutang siya ngayon. Patong-patong ang problema niya. Hindi na niya alam kung ano ba dapat ang unahing gawin. She just felt... lost.
"It's okay to cry."
Napatingin siya ng diretso kay Tradd nang magsalita ito muli.
Tradd stroked her hair. "You've always been known as this strong girl who knows how to put up with a goddamn fight, but I know you, Jinny. I see through you. I just want to say that it's okay to cry, it's okay to be weak sometimes."
Kagat-kagat niya ang kanyang labi para magpigil ng luha pero hindi rin niya nakayanan sa huli. Kusang nagsituluan ang mga luha niya.
Tradd pulled her head and rested it on his chest while stroking her hair. He didn't say anything. He was just there.. letting her cry on his chest.
"Namimiss ko na si Daddy K.." hikbi niya.
Hindi sumagot si Tradd. Hinayaan lang talaga siya nito magmantra at umiyak. Nilabas niya lahat ng frustrations niya. Lahat ay iniyak niya na.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal naiyak at nakatulog dahil paggising niya kinabukasan ay nasa isang kwarto siya na hindi pamilyar sakanya.
Pagbangon niya ay kaagad na naamoy niya ang nilulutong pagkain mula sa labas ng kwarto. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto. Katamtaman ang laki, minimalist ang style. Halatang lalaki ang may-ari. Sa isang gilis ay may glass table na maraming papeles na nagkalat. Doon palang, alam niya na kung nasaan siya.
Bahagyang napatalon siya nang biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Tradd.
"I was just about to wake you up. Tara, nagluto ako ng dinner natin." aya nito sakanya.
Pinagmasdan niya si Tradd. Nakasuot na ito ng isang puting shirt at shorts. Ibang-iba sa nakasanayan niya lately na suits or formal wear na laging suot nito. He likes this Tradd. Hindi intimidating at parang iyong dati lang na noong college pa sila.
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
Fiksi Umum"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin
