Nanatiling nakayuko si Jinny nang paupuin siya ni Tradd sa isang bench sa may botanical garden. Nahihiya kasi siya, nung una kasi dahil sa bagsak siya sa exam niya pero ngayon, nahihiya siya dahil sa ginawa niyang pagyakap dito. She even cried for pete's sake! She never cries over her exams. Hindi nga siya umiiyak sa harap ng mga kaibigan niya eh, tapos kay Tradd, naiyak siya?! Sinapian ata siya ng kung anong demonyo at nagawa niya iyon.
Ang mas ikinahihiya pa niya ay nandoon iyong mga kaibigan ni Tradd, tapos may mga ibang estudyante din ang nakakita sa tanginang kadramahan niya kanina.
"Patingin." Nag-angat siya ng ulo nang biglang magsalita si Tradd sa harap niya, nakalahad ang kamay nito na tila may hinihingi mula sakanya.
"Ang alin?"
"Exams." tipid nitong sagot.
Bumusangot ang kanyang mukha. "Ayoko, nakakahiya."
"Hindi ba at mas nakakahiya iyong pag-iyak mo kanina?"
Nagsalubong ang mga kilay niya at namuo ang inis sa loob niya. Tumayo siya at tiningala ito dahil sa mas matangkad ito sakanya. She placed her hand on her hips and pointed a finger at him. "Hoy! Ang kapal face mo naman! Napuwing lang ako kanina!"
Tradd shrugged his shoulders and easily snatched her exam paper from her free hand.
"Magnanakaw! Puta, ninja move ka don ha!" sigaw niya sa lalaki.
She tried to reach for her paper but Tradd held it up so she can't reach it. She even jumped a few times but it was no use so she just seated and waited for him to finish and prepare herself from his insults again.
"Ano? Sige na, mang-insulto ka na." sabi niya rito nang ibaba na nito ang papel niya.
Tradd folded her paper neatly and gave it back to her without saying a word.
"Oh ano? Wala kang sasabihin?"
Namulsa si Tradd at inayos ang sukbit na bag. "Do you want me to say something?"
"Ewan. Ikaw, kung ano gusto mong sabihin, sabihin mo na. Hindi kita papatulan ngayon kasi wala akong energy at wala ako sa mood."
"Stand up." Utos nito sakanya.
Tamad naman na tumayo siya at tinignan ito. "Nakatayo na boss."
"Tara." Sabi nito at nauna ng maglakad papuntang parking lot.
Pinasakay siya nito sa kotse. "May klase ka pa ba?"
Umiling siya.
"Okay, what do you want to do?" tanong nito matapos i-start ang kotse nito.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya rito.
"Your choice. Where do you want to go?"
She eyed him suspiciously. "Ano 'tong plinaplano mo? Bakit ang bait mo sa'kin?"
"I'm always nice, Jinny. Ikaw lang naman ang hindi."
Napanganga siya sa sinabi sakanya ni Tradd. Mabait naman kaya siya! Oo, aaminin niya balahura siya magsalita pero mabait naman siya. Gago din 'tong lalaking 'to eh, sige kung ang gusto niya ang masusunod, kakagatin na niya ang sinasabi nitong kabaitan niya.
"Kain tayo. May buffet malapit sa may kabilang kanto. Gusto ko dun."
Sinunod naman siya ni Tradd sa kagustuhan niya. Dinala siya nito sa buffet restaurant na sinasabi niya. Bigla siyang natakam nang makita niya ang desserts table. Doon siya kaagad dumiretso at kinuha lahat ng desserts na gusto niya at nilapag sa table nila. Naupo siya at pinicturan muna lahat ng kinuha niya at pinost sa Facebook niya.
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
Ficção Geral"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin
