One

41.9K 1.5K 157
                                        

Umagang-umaga palang ay pawis na pawis na si Jinny dahil sa pagja-jogging niya. Natulog kasi siya sa sorority house nila kaya naman naabutan siya roon ni Trinity at inaya nga siyang mag-jogging. Dahil sa wala naman siyang magawa, pumayag siya sa kagustuhan nito pero sana hinayaan nalang niya ang sarili na mag-stay sa bahay kanina. Mas masarap pa na humilata nalang siya sa carpet ng living room kesa sa tumakbo at manlagkit dahil sa pawis.

"Teka be! Time pers muna. Hah! Hindi ko na keri!" sigaw niya kay Trinity nang makadalawang ikot na sila sa streets ng Vanderbilt Drive.

Naupo siya sa sidewalk at yumuko dahil hingal na hingal na siya. Nilapitan siya ni Trinity at inabutan ng tubig.

"Hindi ka kasi nage-exercise, kaya ang bilis mo mapagod." sabi nito at nakuha pang magjog in place sa harap niya. Narinig nila na may sumipol sa kabilang street. Nasa tapat pala sila ng isang fraternity house.

"Hi Trinity!" bati ng isa sa mga miyembro ng naturang fraternity.

Nilingon lamang iyon ni Trinity at nginitian.

"Bakit kasi kita iyang dyoga mo sa suot mo?"

Kumunot ang noo ng kaibigan niya. "Dyoga? Ano iyon?"

Tumayo siya at sinundot-sundot ang malaking boobs nito. "Ayan, dyoga."

Trinity laughed and slapped her arm. "Wala ka kasi niyan."

"Aba'y gago ka ah? Meron ako niyan! Hindi palang nage-evolve."

"Gawin mo iyong sinuggest ni Kata sa'yo. What's that again? Find someone to massage it?" tawa nito sakanya. Sabay na sila naglakad pabalik sa sorority house nila.

"Isa pa iyong si Kata. Kay gandang babae, ang balahura ng bibig."

"Just like you." sabi nito.

Nginisian niya lang ito at hindi kinontra. Kaya gusto niya iyong si Kata eh. Tulad niya, balahura rin at walang kyeme, 'di tulad nila Gift at Shanna. Pagkaka-arte ng mga malditang iyon eh, pero kahit ganoon mahal niya iyong mga kaibigan niyang iyon.

Saktong pagdating nila sa sorority house ay iyon din ang pagbaba ni Brooke mula sa kotse ni Aquish. Lately, napapansin nila na close ito at ang sikat at ang tanging kilalang miyembro ng nangungunang fraternity sa Vanderbilt na Alpha Mies Omega.

"Hoy, malandi ka!" agaw niya ng atensyon kay Brooke.

Natawa lamang si Trinity sa tabi niya at sinundan siya palapit kay Brooke na tila nahihiya.

"Good morning." bati nito sakanila.

Sinipat niya ng tingin ang kaibigan. "Ano, masarap ba si Aquish?"

"Jinny!"

"Ano? Pa-virgin ka pa diyan eh." tawa niya kay Brooke at nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay.

Alas dose ng tanghali ay natapos na niya ang mga tasks niya sa para sa susunod na event na pamamahalaan niya para sa sorority nila. Wala siyang klase sa araw na ito, at imbes na mag-review dumiretso siya sa bar ni Madam K.

"Hi, dadeh!" bati niya kay Madam K nang makita niya ito sa opisina nito at tinuturuan sa assignment ang siyam na taong gulang na kapatid niyang si Ronnie.

"Ate!" bati sakanya ni Ronnie at tumakbo sakanya upang humalik tapos ay bumalik na sa tabi ni Madam K.

Lalaki kung magsuot si Madam K. Medyo nakakalbo na rin ito pero dahil nakasanayan na nila tawagin itong Madam K, kaya iyon pa rin ang tawag ng mga empleyado nito. Pero magmula nang ampunin sila nito ni Ronnie, daddy na ang tawag nila dito. Sakanila ni Ronnie, hindi ito si Madam K na siyang may-ari ng isang bar, kundi ito ay si Daddy Kowell na umampon, nagpakain at nag-alaga sakanila ni Ronnie simula nung sixteen years old siya at six years old naman si Ronnie.

ZWCS#8: My Favorite MistakeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon