"Ma'am Jinny, dumating na po iyong wines na pinaship po natin."
Nilingon ni Jinny si Haley - ang manager ng bagong bar niya dito sa Makati. "Sige, paki-ayos sa lahat sa cellar."
Her high heels echoed the whole bar when she strutted her way to the mini bar to check on the alcohols displayed. She did her inventory and checked if the whole mini bar is clean and tidy. It's still five pm, four hours before they open, and she always makes sure that she do her rounds with all of her branches.
"Miss Jinny, naiwan niyo po phone niyo sa may table po." Inabot niya mula kay Cleve - isa sa mga bartender niya - ang kanyang phone na kanina pa pala nagriring. Si Wella ang tumatawag at sa tingin niya ay tungkol sa isa pa nilang bar ang itinatawag nito.
"Mamshie, ano problema?"
"Hinahanap ka na ni Ronnie. Ang sabi mo sabay tayong magdinner lahat."
Natawa siya, "Five palang. Seven pa ang dinner. Excited?"
"Eh hindi mo masisisi ang bata, last time ay nangako ka pero hindi naman natuloy kasi nagkaproblema iyong bar sa BGC."
Napabuntong-hininga siya, naalala nga niya iyon. Nagkagulo kasi sa branch niya sa BGC dahil may nag-away na dalawang lalaking artista kaya kinailangan niyang ayusin iyon dahil may casualties na nangyari, hindi tuloy niya nailabas ang kapatid niya.
Sa isang taon, nagawa niyang maigapang ang club ng Daddy K niya. Nahanapan niya ng investors na nagbigay sakanya ng oportunidad na makapagtayo pa ng dalawa pang branch, isa sa Makati at isa sa BGC. Syempre bago palang ang mga iyon kaya sobrang tutok siya sa pagpapatakbo. Malakas ang mga kita ng mga bars niya lalo na kapag weekends dahil dagsa talaga ang mga tao. Ngayon, unti-unti na niya nababayaran ang utang niya sa mga kaibigan niya dahil sa laki ng kita ng mga bars niya.
"Haley, mauuna na ako. Call me if you need something."
"Yes po, ma'am."
Kinuha niya ang bag niya na nilapag niya sa may bar counter at nagmaneho na pauwi. Naabutan niya sa kanyang bahay ang kaibigang si Lia. Kasama nito ang bunsong anak na si Jaggy na nilalaro ng kapatid niyang si Ronnie.
"Oh, ba't nandito ka?" bungad niya sa kaibigan.
"Umalis kasi si Jaxon kasama ni Leon. Boy's night out daw, kaya kami din ni Jaggy, mag-girls night out.."
"Dito sa bahay ko talaga?"
"Eh busy naman sila Brooke. Mag-anak ka na kasi para may kalaro na itong si Jaggy ko."
Umismid siya. "Paano magkakaanak, eh wala naman asawa."
"Pakipot ka kasi. Iyon nga ang pinagtataka ko eh, hindi ka naman mahinhin, may kalandian ka naman sa katawan, pero ba't wala ka parin asawa o kahit man lang boyfriend?"
Pinaningkitan niya ng mata ang kaibigan. Binato niya ito ng throw pillow. "Alam mpo, huwag ka nga magsasasama kay Kata, nagiging balahura iyang bibig mo din eh."
"Wow, nahiya naman ako sa kalinisan ng bibig mo."
She gave Lia a middle finger that only made her friend laugh.
"Oh." Isang sobre ang ibinigay ni Lia sakanya.
"Ano iyan?" tanong niya habang inabot ang sobre na bigay nito.
Nung una ay parang biglang kinabahan siya dahil buwan na rin nang huli siyang makatanggap ng sulat mula sakanya, pero agad din na nawala nang mabasa ang nasa sobre.
"Bridal shower? Sino si Lalaine?"
"Kaklase ko dati sa Vanderbilt? Tanda mo?"
"Ah. Eh bakit ako invited? Di naman kami close."
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
Fiksi Umum"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin
