Ten

33.3K 1.5K 279
                                    

Napaigik si Jinny nang maramdaman niya ang sakit sa bandang tiyan niya. Nakarinig siya ng kaluskos sa kanyang tabi pero hindi niya iyon pinansin dahil sa sakit na nararamdaman sa tiyan niya.

"Aray.." daing niya nang subukan niyang hawakan ang kanyang tiyan.

"Jinny.. teka, huwag ka muna gumalaw." isang boses ng babae na sa tingin niya ay si Lia ang narinig niya.

Sinunod niya ang kaibigan at hindi na muna gumalaw at pilit na ininda ang kirot sa kanyang tiyan. Nang buksan niya ang kanyang mga mata, tanging ang kabuuan ng kwarto lang na kung saan siya naka-confine ang bumungad sa kanya. Marahil ay lumabas si Lia.

She suddenly felt lonely. Hindi niya alam kung bakit, pero nakaramdaman siya ng kalungkutan pero kaagad din napalitan ng pag-aalala nang maalala si Brooke at ang nangyari sakanila kagabi.

Bumukas ang pinto at pumasok si Lia, kasunod ang isang doktor at nurse. Nakita rin niya na pumasok sina Trinity at Violet sa loob.

"Can you tell me which part hurts the most?" tanong sakanya ng doktor at dahan-dahang hinawakan ang tiyan at tagiliran niya.

"Aray.. diyan po doc." sabi niya nang diinan nito ang hawak sa kanyang kanang tagiliran.

Tumango naman ang doktor at hinayaan ang nurse na palitan ang IV niya at kunan siya ng blood pressure.

"Bibigyan kita ng pain killers kapag hindi mo makayanan ang sakit. Malaki ang pasa sa tagiliran mo and it'll take a while to heal. Other than some minor bruises, there's nothing to worry about. Pwede ka ng lumabas bukas ng umaga." bilin nito at tsaka lumabas na kasama ang nurse sa kanyang kwarto.

Lumapit sakanya ang mga kaibigan. "Pumunta dito ang Daddy K mo kaya lang tulog ka pa kaya babalik daw sila ng kapatid mo mamaya." sabi sakanya ni Violet.

She nodded and remembered Brooke. "Si Brooke? Kamusta?"

"She's safe. Aquish is with her now. Draco and his guys were caught now." imporma sakanya ni Trinity.

Nakahinga siya ng maluwag. Ang mahalaga ay safe na si Brooke. Pero kumulo ang dugo niya nang maalala ang mga lalaking gumawa nito sakanila.

"Mga hayop iyong mga 'yon! Makita nila, kapag ako nakalabas dito, puputulan ko sila ng mga bayag!" nanggagalaiting sabi niya. Marami na siyang beses na nabastos ng lalaki, verbally man o hindi, pero lumalaban siya. Iyong nangyari lang talaga kagabi ang hindi niya nakayanan at nagpatunay sakanya na hindi niya laging kayang labanan ang mga ganitong klaseng mga lalaki.

"Well, you have to rest first and regain your strength." sabi sakanya ni Lia.

Nagpaalam muna sakanya sina Trinity at Violet dahil may mga aasikasuhin pa ang mga ito. Naiwan muli si Lia na siyang nagbabantay sakanya.

"Nagugutom ka ba?"

Umiling siya at tsaka nagfocus sa pinapanood na movie sa tablet ni Lia.

"Sayang naman itong mga prutas na dala ni Tradd."

Napalingon siya nang banggitin nito ang pangalan ni Tradd.

"Si Tradd? Nagpunta siya dito?" tanong niya.

Lia looked at her with a not so innocent smile. Pinili nalang niya na huwag pansinin iyon. Kumuha ito ng isang mansanas at kutsilyo at naupo sa gilid niya at doon hiniwa iyon.

"Last night, nagtaka kami kung bakit ang tagal niyo ng wala ni Brooke. So Aquish called his guys to look for you two. Doon na namin nalaman ang nangyari. We found you unconscious on the lawn. Si Tradd iyong nagdala sayo dito sa ospital. Siya din ang tumawag sa Daddy K mo at sinabi ang nangyari."

ZWCS#8: My Favorite MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon