Twelve

30.7K 1.4K 123
                                    

"Ano'ng gagawin ko sa isang libo?" nagtatakang tanong sakanya ni Tradd nang abutan niya ito ng pera.

Inayos ni Jinny ang kanyang bag at tinignan ng blangko si Tradd. "Pang-lunch mo. Hindi kita sasamahan mag-lunch. Busy ako."

Mabilis na napalitan ng pagkainis ang mukha ni Tradd. "I don't need your money, Jinny. Take this back." mariing sabi nito tapos ay inabot pabalik ang perang ibinigay niya.

"Ayaw mo talaga?"

"I told you, I don't fucking want this. My service is free for you. Pero nag-iinsist ka magbayad so I just want you to have lunch with me."

She rolled her eyes at him and snatched the peso bill from his hand. Sayang din 'yon. Isang libo din, pandagdag sa ipon niyang para sa kailangan niyang bayaran na utang.

"Edi sige, free na kung free. Salamat sa free service kung ganoon." sabi niya sabay talikod at palabas ng opisina.

Ramdam niya na sumusunod sa likuran niya si Tradd. Nakita niya rin kung paano nagsitayuan ang mga empleyado at binati ang taong nasa likod niya.

She pressed the down arrow of the elevator. Tradd stood beside her. His hand inside his pockets. Hindi ito nagsasalita kaya bakit siya magsasalita? Wala na siyang sasabihin dito. Bahala na ito sa buhay nito, basta siya tapos na at nakuha na niya ang kailangan niya rito.

Bumukas ang elevator at sumakay siya. Pinindot niya ang floor sa lobby habang basement naman ang pinindot ni Tradd. Parami ng parami ang sumasakay galing sa ibang floor kaya naman nauusod siya sa dulo. Nagulat siya nang biglang lumipat sa harap niya si Tradd at hinarangan ang mga tao na nasisiksik siya.

Huh. Akala nito kikiligin siya? Pero shit lang, kinikilig nga ata siya. Pero tangina, hanggang doon nalang dapat. Hindi na niya hahayaang magpabihag nanaman kay Tradd.

Tumunog ang elevator na hudyat na nakarating na sa lobby. Bumukas iyon at nagsibabaan ang lahat. Iikot na sana siya mula sa likod ni Tradd nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at mabilis na isinara ang elevator.

"Tangina, hoy!!! Hayop ka!" sigaw niya kay Tradd. "Ayoko nga maglunch kasama ka!"

"Why?"

"Kasi nga ayaw kitang makasama!" she blurted out.

Tradd looked at her. "Why?"

Natameme siya nang makita kung gaano kadilim ang mukha ngayon ni Tradd. Kulang nalang ay sakalin na siya nito.

Nang hindi siya sumagot, bumuntong hininga ito at marahan siyang hinila palabas ng elevator.

"Tradd, bitawan mo nga ako!" sigaw niya rito at pinilit na makawala sa hawak nito.

"Don't resist, Jinny. I just want to have lunch. Is that so bad?"

Nagpapapadyak siya na parang bata. "Saang parte ba na ayaw ko nga ang hindi mo maintindihan? Abogado ka tapos ang hina ng pang-intindi mo."

Nang makarating sila sa tapat ng kotse nito ay tsaka siya nito hinarap. "I don't know. Kasi lagi akong nabobobo pagdating sa'yo. So just please, have lunch with me?"

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Ayoko nga. Pwede ba? Huwag ka nga makulit."

Nang bitawan siya ni Tradd ay tsaka siya nakahanap ng tiyempo na tumakbo at sumakay ng elevator. Hindi na rin naman na siya hinabol ni Tradd, nang lumingon siya ay nakita lang niya itong nakatingin sakanya. Well, magdu-Dua Lipa attitude siya. She doesn't give a fuck.

Kinabukasan ay dumating si Cassidy galing Puerto Rico kasama ang fiancé nitong si Nikolas.

"So how's your case?" tanong nito sakanya nang mapag-isa sila.

ZWCS#8: My Favorite MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon