Nine

35K 1.3K 176
                                    

Gulat na tinignan ni Jinny si Tradd nang maabutan niya ito sa may sunken garden na malapit sa Vanderbilt Drive. Gumising siya ng maaga talaga para makapag-jogging, dahil madalas na wala ngayon si Trinity, solo flight na muna siya ngayon. Sinabit niya ang dala niyang maliit na tuwalya sa leeg niya habang naglalakad palapit kay Tradd na nakatayo sa ilalim ng puno habang nakayuko sa phone nito.

"Magja-jogging ka rin o magtetext lang diyan?" pukaw niya sa atensyon nito.

"You're here." He stated.

She looked at him weirdly. "Malamang. Obvious na nandito ako, sigurado ka bang Pol Scie student ka?" sabi niya at binuntutan niya iyon ng tawa.

Umangat ang gilid ng labi nito tapos ay ibinulsa ang phone sa suot na black na Nike jogging shorts. He's also sporting a white Nike shirt and a white cap that he's wearing backwards.

"Jinny?"

"Sarap mo.." mahina niyang usal.

Nangunot ang noo ni Tradd. "What's that?"

Napabalik sa ulirat si Jinny nang mapagtanto na matagal nap ala siyang nakatitig kay Tradd. At putangina, ano iyong sinabi niya?! Nanlaki ang mga mata niya at tumikhim ng malakas at inistretch ang mga braso habang lumilinga-linga sa paligid.

"Sabi ko ang sarap ng hangin, malamig! Masarap tiyak na mag-jogging! Whoo! Grabe! Ang init!" sabi niya sabay paypay sa sarili gamit ang mga palad.

Tradd crossed his arms and looked at her with an amused look. "I thought it's cold?"

"Cold? Ay oo! Shet grabe! Ang lamig!" sabi niya at nag-jog in place siya.

"Are you okay?" nakangiting tanong sakanya ni Tradd.

Nilingon niya ito at pinakita pa ang pagstretching niya ng katawan. "Oo naman!"

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Tradd at basta na siya nag-umpisa na mag-jog, binilisan niya para hindi siya maabutan nito pero mabilis ang lalaki at nasabayan siya nito sa pagtakbo. Kita niya sa peripheral vision niya na pasulyap-sulyap ito sakanya kaya naman mas lalo niyang binilisan ang takbo niya.

Napaigtad siya nang maramdaman ang hawak nito sakanyang palapulsuhan kaya natigil siya sa pagtakbo.

"You're too fast. Slow down first to avoid discomfort to your stomach."

Taas-baba ang dibdib niya dahil sa hinihingal siya at mabilis din ang tibok ng puso niya dahil nga sa pagtakbo. Hindi dahil sa titig ni Tradd.

"O..kay.." hinihingal na sagot niya.

Sabay silang nag-jog ni Tradd sa sunken garden tapos ay inaya siya nito na mag-almusal sa malapit na café. Light meal lang ang inorder niya, maglalabas n asana siya ng pera nang maunahan siya ni Tradd. Hindi na siya nakipagtalo dahil nagtitipid din naman siya.

"Bakit ka nga pala nag-jogging?" tanong niya rito nang magsimula na silang kumain.

"I remember that you jog and I think I promised you that I'll accompany you."

Natigilan siya at pinagmasdan si Tradd na hinahalo ang kape nito. Natandaan pa nito iyon? Medyo magdadalwang linggo na rin iyon ah.

"Pero nagja-jogging ka talaga?" usisa pa niya.

"No. I do boxing and judo."

Her mouth formed an 'O'. Lantarang sinipat niya ang katawan ni Tradd at in fairness, maganda talaga ang katawan nito. Hindi masyadong ma-muscle, tamang-tama sa tipo niya. Sarap siguro payakap dito?

"Shit.." she cursed when she realized what she's thinking right now.

"Aga-aga, nagmumura ka ha." Sabi nito sakanya.

ZWCS#8: My Favorite MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon