Zeta Weiblich Community
presents
GRILL OUT
DEPRESSION
All proceeds go towards the Anxiety and Depression Support Philippines and ZWC Foundation
"Ops! Okay na!" sigaw ni Jinny kay Kata at Lia na nag-set up ng malaki nilang standee sa harap ng botanical garden. Kahapon lang ay katulong niya rin ang mga ito sa pagdidistribute ng mga flyers at pagpaskil ng mga posters ng kanilang fund raising event. Sila lang ang maaring makatulong sakanya since sila ang mga bagong recruit ng sorority.
"Is everything set up? We have a long line there." sabi ni Shanna nang lapitan siya nito. Nakasuot silang lahat ng kanilang ZWC shirts para sa pagsuporta sa event na ito na siyang umasikaso.
As the Philanthropy Chair for their sorority, she is faced with a complex task: lead their organization's primary mission of philanthropy and rally your sisters behind it. Isa sa mga trabaho niya ay ang makakuha ng mga community supporters. Sa event nila ngayon, maswerte siya at napapayag niya ang Steak and Stack na sikat na restaurant malapit sa mga universities, kabilang sila. Pahirapan din kunin ito para magdonate para sa event nila, pero siyempre pinairal niya ang charms niya sa mga ito kapalit ng pagfeature ng restaurant nito sa isang food blog courtesy of Trinity na may pinsang sikat na sikat na food blogger.
Isa pang nagprovide ng donations nila ay ang Crazy Milkshakes na ang may-ari mismo ang lumapit sakanya upang mag-volunteer at magdonate dahil ito mismo ay nakaranas ng depression noong kabataan daw nito.
Sina Generose, Brooke, at Cassidy ay tumutulong na mag-grill ng mga steaks at burger patties habang sina Violet at Trinity ang sumasalubong sa mga customers nila. Sina Gift, Shanna, Amelia at Kata ay ang mga magsisilbing waitress at siya naman ang taga-supervise ng lahat since siya ang nag-asikaso ng fund raising event na ito.
Nilapitan niya sina Generose na naggi-grill sa gilid kasama ang iilang empleyado ng Steak and Stack. May mga board games din silang nakuha bilang donations galling sa mga toy stores sa komyunidad nila.
"Ayos na ba tayo?" tanong niya sa mga ito.
Nag-thumbs up si Generose. "Pwede na tayo magbukas." Nakangiti nitong saad.
Tumango siya at sinenyasan sila Violet at Trinity na maari na silang magpapasok ng mga customers na karamihan ay mga estudyante rin ng Vanderbilt. Naging abala sila buong araaw dahil sa dami ng estudyanteng pumunta sa event nila. Lahat ng lamesa ay occupied palagi kaya masaya siya dahil alam niyang malaki ang maiibigay ng ZWC sa napili nilang beneficiary ngayong buwan.
"Hi, hotshot!"
Napalingon siya kay Aquish na talagang sinadya si Brooke sa pwesto nito. Kumunot ang noo ng kaibigan niya at nakitang itinaboy nito ang lalaki. Natawa lamang si Aquish at tumungo sa isang lamesa na kasama roon sina Travis, Edward, Atticus, at Sage. Nakita naman niya sa kabilang table sina Cholo, Alexus, at Lance.
Nakita niya ang pag-walk out din ni Gift mula sa lamesa nina Travis. Mukhang napikon nanaman ang kaibigan niya. Siya na ang pumalit dahil busy ang iba sa ibang tables.
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
General Fiction"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin