Pabagsak na nilapag ni Jinny ang ballpen niya at ininat ang mga binti mula sa pagkakasalampak niya sa sahig ng living room ng kanilang sorority house. Lahat silang magkakaibigan ay nasa sorority house at inaayos ang plano para sa nalalapit na Greek week na lalahukan ng lahat ng sororities at fraternities ng Vaderbilt. Sumasakit na ang batok at ulo niya dahil sila nina Trinity at Cassie ang naka-assign sa budget.
Tumayo si Gift sa tabi niya at ininat ang mga braso. "Let's go out, bitches. I need a drink."
Sunod na tumayo si Violet na nakahalukipkip. "Let's call it a day. Let's go out and drink, my treat."
"Iyon! Iba talaga si President!" hiyaw ni Kata at hinatak patayo si Lia. Nagsitayuan na rin ang iba pa, pwera sakanya na tamad na tamad.
"Get your ass up, Jinny." masungit na utos sakanya ni Shanna.
"Pass ako." sabi niya. Gusto niyang maiyak ngunit pinigilan niya.
"Bakit? Hindi ka tumatanggi sa inuman! Lalo na sa libre!" sabi sakanya ni Kata na nakuha pa na lumuhod sa gilid niya at sapuin ang kanyang noo.
Pumalatak siya at inalis ang kamay ni Kata sa noo niya. "May review ako, puta."
"Words, Jinny." suway sakanya ni Shanna.
Hindi niya ito pinansin. "First day ng tutor ko, hindi ko pwedeng i-absent iyon baka lamunin ako ni kupal."
Nagkatinginan sina Cassie at Brooke. "Si Tradd ba 'to?"
Umungol siya bilang sagot dahil iniisip palang niya na ang mga kaibigan niya ay magpapakasasa sa kayamanan ni Violet, siya naman ay nagdudusa kasama si Tradd sa pagrireview. Ano baa ng ginawa niyang kasalanan at bakit ganito ang kinahihinatnan ng buhay niya?
"Too bad." Sabi ni Gift habang sinusuot ang jacket nito. "Let's go, girls."
Umakto siyang susuntukin si Gift dahil sa kawalan man lang nito ng awa sakanya. Gift will always be Gift pero nakakaimbyerna talaga ugali nun. Tumayo siya at lumipat sa couch at doon nagmukmok. Lalo pa niyang gusting maiyak nang tumunog ang alarm ng phone niya na hudyat na kailangan na niya puntahan sa library si Tradd.
"Sumabay ka na sa'kin, idadaan kita sa meeting place niyo ni Tradd." Alok sakanya ni Trinity.
Umiling siya. "Huwag na, maglalakad nalang ako para makapag-isip kung iindianin ko si Tradd o hindi."
Natawa sakanya ito. "Baliw. You should get going now, malayo-layo rin ang campus dito. You sure you don't want a lift?"
Tumango siya at winasiwas ang kamay para itaboy ang mga kaibigan.
"President! Order tayo ng maraming sisig ha!" sigaw ni Kata pero sakanya ito nakatingin at nakangisi pa.
Malakas na binato niya rito ang throw pillow na madali naman nitong naiwasan. "Pakyu talaga! Tangina you!" sigaw niya rito.
Nang makaalis ang mga kaibigan, niligpit niya ang mga nagkalat na mga papel sa center table na hindi man lang talaga inabalang ayusin ng mga bruha bago umalis at iwan siya. Kinuha niya ang kanyang bag at phone tsaka naglakad papuntang campus. It took her almost fifteen minutes to get to the campus and to the library. Pagpasok niya, ipinakita niya sa librarian ang Id at sinurrender iyon.
Hinanap niya si Tradd sa mga lamesa at nakita itong nasa may dulo na tutok sa laptop nito. Naka-earphones din ito na nakasaksak sa laptop. Nilapag niya sa lamesa ang bag niya para malaman nito na dumating na siya. Inalis nito ang isang earbud at tinignan ang oras.
"You're late." Saad nito.
"Oo na. Ano pinapanood mo? Porn?" tanong niya at sinubukan tignan ang screen ng laptop nito pero mabilis nitong naisara iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/128487602-288-k938298.jpg)
BINABASA MO ANG
ZWCS#8: My Favorite Mistake
General Fiction"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My Favorite Mistake -Jinny Elise Valentin