Four

32K 1.4K 202
                                    

"Bakit ang laki ata ng busangot mo diyan?"

Napatingin si Jinny sa kaibigang si Brooke nang makita siya nitong nakapalumbaba sa may kitchen table nila sa sorority house. Sa kanilang lahat, siya ang madalas matulog sa sorority house dahil maliit lang naman ang bahay nila nina Daddy K at ang kapatid na si Ronnie. Kailangan niya maghanap siguro ng part time kasi pasira na rin ang electric fan nila sa bahay. Ayaw naman na niya magsabi sa mga kaibigan dahil last time ay sila na ang sumagot sa tuition ni Ronnie nang magipit sila dahil na-ospital si Daddy K.

"Wala." saad niya.

Naupo si Brooke sa harap niya at inilapag ang dalang laptop sa lamesa. "May problema ba sa bahay ninyo? You can always tell us, Jinny. We'll help you."

Umiling siya ng mabilis nang sabihin iyon sakanya ni Brooke. "Hindi, hindi. Walang problema sa bahay. Nag-aalala lang ako sa subjects kong iba, tangina nasa bingit na ng kamatayan mga grades ko."

Nag-alala ang mukha ni Brooke. "Paano iyan? You know you can't fail your subjects. Paano ang scholarship mo? Baka matanggal ka rin sa sorority."

Iyon na nga ang ikinakatakot niya. Ayaw naman niya i-drop ang subjects na alanganin siya dahil matatagalan pa siya lalo bago maka-graduate. Kailangan niya lang ipasa ang finals, iyon lang at safe na siya. Pero paano? Nakakalawang na ang utak niya.

"Go find a tutor or study partner kaya? Like me, Aquish helps me study sometimes kahit na nang-iinis 'yon, may pakinabang din naman siya."

Napangisi siya sa kaibigan. Alam niya naman na may gusto na rin ito sa presidente ng pinakasikat na fraternity dito sa Vanderbilt. Ayaw lang talaga nito aminin dahil hindi naman talaga tipo nitong si Brooke ang mga tulad ni Aquish na badboy type at palikero pa ang image.

Kinabukasan, matapos ang klase niya sa Macro, pinaiwan muna siya ng professor niya. Bigla siyang kinabahan. Alam na niya kasi kung bakit siya nito pinaiwan eh.

"Jinny, alanganin na ang grades mo." Walang paligoy-ligoy na sabi sakanya ng propesor niya.

"Ma'am, nag-aaral naman po talaga ako."

Bumuntong-hininga ito. "Alam ko, but it's not enough to pull your grades up. You only have two chances, Jinny. Pass the two major exams and you'll pass my subject."

Siya naman ngayon ang napabuntong-hininga. Eh ang quizzes nga lang bibihira niya maipasa, exams pa kaya? Patayin nalang kaya nila siya.

"I know it's hard to juggle your studies, sorority and your family but I don't have any choice."

"Okay lang po, ma'am. Mag-aaral nalang po ako ng mas maigi."

Nagbuga ng hininga ang propesor niya. "That's what you said last year, mabuti nga at nagawan ko ng paraan ipasang-awa ka pa noon, but not this time, Jinny. I can't find any loopholes I can use. I really want to help you, matalino ka pero you lack at discipline and focus."

Napayuko siya at napabuntong-hininga nalang. Hindi naman kasi niya alam isasagot.

"I asked one of my students to tutor you, and he agreed to help you for free."

Doon siya nag-angat ng tingin. Lumiwanag ang mukha niya. Parang kahapon lang ay isinuggest ito sakanya ni Brooke, tapos ito nga, ibinibigay na sakanya.

A knock from the door got their attention.

"Come in." sabi ng propesor niya.

Pagbukas ng pinto, nanlaki ang mga mata niya. "Ikaw?!"

Tradd Molinos stood there as if her presence doesn't bother him. Tinapunan lang siya nito sandali ng tingin tapos ay lumapit sa propesor niya.

"Tradd, thank you for helping. I assume, kilala niyo ang isa't isa?"

ZWCS#8: My Favorite MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon