"Miss saan yung pasta nyo?" tanong ko sa nakatalikod na babaeng nag-aayos ng mga kape sa stand nito. Humarap sya sakin ng nakangiti. "Section D po mam. Dyan po sa kanan." I nodded and gave her a sweet smile. "Thank you." sabi ko bago sya iniwan doon. Kumuha lang ako ng pang two kilos since madami silang nandoon. Bumili na din ako ng iba pang snacks at kung ano ano.Matapo kong mamili ng mga pagkain namin, dumiretso na ako sa counter. Only to be surprised sa haba ng pila. Ano na bang oras na at ang dami ng tao? Sinulyapan ko yung wrist watch ko. "10:46. Kaya pala matao na kasi maglalunch." bulong ko sa sarili. Chineck ko na muna yung mga pabili ni Cindy na graham crackers at pasta pati na din yung mga bet kong kainin mamaya. Just thinking about hanging out with her tiday makes me giggle. Tagal nya ding absent eh. Tsaka nagpasya na akong pumunta kesa makarinig na naman ako ng away sa bahay. Naritong durog din ako eh. Mas nadudurog ako kapag naaalala kong ganito kagulo ang buhay ko.
I took a deep sigh at umiling. I shouldn't be thinking about those things right now. I should look forward sa mangyayari mamaya. Nandoon daw si Kuya Ong. Crush na crush ko yun noon pero ngayon, di na gaano pero pag naiisip kong nandun sya, naeexcite ako. Tagal ko na din syang di nakita. Asus, Sydney. Humaharot ka lang eh HAHA!
"Good morning, Mam! May advantage card po?" bungad nung kahera. Nginitian ko sya sabay iling. "Wala eh." sagot ko. Inilapag ko na lahat ng mga pinamili ko. Habang hinihintay syang matapos magswipe doon sa mga pinamili ko, nagcheck muna ako ng phone. Ilang message mula sa groupchat ng block namin at ilan sa mga kaibigan. Nadawit ng tingin ko ang isang unread message na natabunan na. Changbin? Nagchat sya saken? Tinap ko na iyon pero di ko nabasa dahil inapproach na ako nung kahera. "276.50 po mam." she smiled sweetly at me. Ngumiti din ako. "Eto po oh." sinuklian nya na din ako at agad nkong lumabas dala ang mg pinamili ko.
Dala ko yung kotse ni Papa ngayon. Kakakuha ko lang din ng lisensya ko nung nakaraang araw. Pwede ko daw tong gamitin sakaling tinatamad akong magcommute. Paano yon eh madalas akong tinatamad? Edi lagi kong gamit? HAHA! Nilagay ko sa backseat ang mga biniling pagkain at nistart na yung engine. I put down my phone saka umalis na sa parking lot ng supermarket.
Saglit lang ang naging byahe ko dahil wala namang traffic. Bitbit ang mga plastik, pinindot ko yung doorbell. Ilang minuto pa bago bumungad ang mukha ng halatang bagong gising na si Kuya Danik. "Uy, ang aga mo naman ata?" sabi nya at kinuha yung mga dala ko. "Tanghali ka lang talaga nagising Kuya. Si Cindy?" hinubad ko yung sapatos ko at dumiretso sa sala. Nasa pinto pa lang ako kanina, rinig ko na yung ingay nila pero di ko pinansin. Ngayong nasa harapan ko na sila, halos mabingi na ako ng bongga. "Uy! Sydney kamusta?" nagulat ako sa pagtawag ni Kuya Ong sakin. Napalingon naman yung ibang nagpophone. Si Jihoon, ang lalaking di ko alam kung matutuwa ba ako pag nakita ko or hindi. Di ko na lang sya pinansin.
"Okay lang, Kuya. Ikaw ba? Lalo ka atang pumopogi ah?" tunog nangasar ko sa kanya para di nya haltang kinikilig ako. Ehe, ang gwapo nya talaga. Kita ko dito yung constellation ng nunal nya sa mukha. "Basic na yan, Syd." sagot nito sabay tayo at lapit sakin. "Si Cindy?" sabi ko ng makalapit ako sa lamesa at pinagtatanggal sa plastik yung mga pinamili ko. "Ah, nasa kwarto nya nagbibihis na yon. Tulungan na kita." sabi nya at pinag-aalis sa bag yung mga iba pang pagkain. "Ang dami naman nito. May inuman bang magaganap?" sabi nya sabay tawa. Hinampas ko na si Kuya sabay tawa. "Sira. Oh ayan na sya. Game na?" taas baba ang kilay ko sa bagong dating na si Cindy. Nagkukuskos sya ng basang buhok habang nakatingin at ngisi ng may malisya samin.
Nagkunot na ako ng noo kahit kilig na kilig na ako kanina pa. Weird ko nga eh, tagal ko ng naging crush si Kuya Ong pero kinikilig pa din ako. Tinatry ko lang maging normal, kasi friend nakakahiya. Napailing iling na lang ako sa kanya. "Oo grahams muna kasi ireref pa yon. Yung carbonara after na nating mailagay. Kuya ong?" bumaling ito sa amin matapos nyang kunin yung mga kakailanganin naming gamitin. "Yep baby?" sagot nito kay Cindy. "Pwede kami muna ni Syd dito? May pag-uusapan lang kami." sinulyapan ko si Kuya Ong. Tinignan nya muna ako bago si Cindy. May lungkot or kung ano sa mata nya pero ayoko mag-assume. Ngumiti sya tsaka tumango. "Sige, okay lang. Tawagan nyo na lang ako pag may kailangan kayo ah. Dito lang ako sa sala. Syd?" sabi nya kaya tumango ako. Umalis na sya at agad akong bumawi ng hininga.
"Yah...grabe. Kanina pa ako nagpipigil dito." hinawakan ko yung dibdib na halos pumutok sa sobrang bilis ng tibok. She gave me a suspecting look, "Akala ko ba, Chan? Bakit humaharot?" sinamaan ko sy ng tingin. "Like seriously? Cindy don't bring him up to our topic. Let's go straight to your issue. What are you going to tell me?" sabi ko habang binubuksan yung lata ng condensed milk at packs ng cream. Naghihiwa naman sya ng saging na ilalahok nya sa fruit cocktail. "Yieeeeee sungit ng best friend ko. Joke lang ito naman." sabi nya habang natatawa. Tumawa kaming dalawa. I don't want to talk about him for now. I don't want to see him for a week or so. Saka na siguro kapag, okay na ako. Pag may rason na akong makita sya.
I stopped the letter for a while pero marami rami na din ang naisulat ko kahit di na maganda yung nararamdaman ko. I even wrote him some throwbacks na alam kong kahit kelan di naman nya maaalala dahil di naman nya ako kilala.
"So ano na nga?" I'm still having my enthusiastic tone ng tanongin ko sya. Napatingin naman ako ng bigla syang manahimik. "Hey.. you okay?" napatigil ako sa paghihiwa din ng saging at napalingon na sa kanya. "Nilagnat ata ako dahil dun sa kaibigan ni Chan na isa." napabato ako sa kanya ng balat ng saging. Patawarin ako ni Lord pero putangina nitong kaibigan ko. Akala ko mamamatay na o ano eh. Tumatawa sya ngayon sa upuan nya. "Gago ka ba? Seryoso ka? Dapat lang na seryoso ka dahil kung hindi, kakalbuhin ko talaga yang kilay mo leche ka!" nanatili ang kaba ko sa dibdib habang sya namimilipit naman sa kakatawa. Binato ko ulit ng balat ng saging. Imbyerna! Kahit kailan talaga to!
"Bestie, pag may sakit ako, alam mo na yon. Ikaw agad sasabihan ko. Kasi pag si Kuya, mamamatay na ako, uunahin nya pa yung ayos ng buhok nya. Tarantadong yon." sabi nya habang nag-aayos na nung containers. "Pero sino don? Seryoso ka ba?" inabot ko yung basahan para punasan yung natapong juice ng cocktail. "Yung blonde dati pero brown hair na ngayon. Si Woojin." agad na akong lumingon at halos madulas sa narinig.
"ANO?! YUNG POGING KUMAKANTA?" oo, napasigaw na ako. Tumanho tango sya. Inilabas nya yung phone nya at pinalapit ako. "Bilis! Nagchat sya sakin at teh, tignan mo convo namin." ang tagal pa magloading nung messenger. Napaiktad na lang kami ng ilang mabibilis na tabag ang narinig namin. Few seconds after, bumungad si Kuya Ong sa harapan namin. Hinihingal at parang galing rambulan. "Tawag nyo ako?" sabi nya kaya nagkatinginan na kami ni Cindy. "Luh? Baliw ka kuya? Hindi ah. Hala kaaaaa~" asar ni Cindy kaya natawa na ako. "Sabi nyo kasi Poging Kumakanta eh. Kaya tumakbo na ako. Anong gagawin ko?" ang lapad pa ng ngiti nya. Napafacepalm na lang kaming dalawa. Lakas ata ng hangin dito sa kusina.
"Gagawin mo? Balik ka sa sala. Naghahallucinate ka na naman eh." asar ni Cindy kaya mas lumakas pa yung tawanan. Ewan ko ba, but being here with these guys, makes me feel like I don't have any problems and heart break na nararamdaman. I'm so blessed to have them.
(⌒▽⌒)
kwak~
BINABASA MO ANG
Letters to Chan ° Stray Kids
FanfictionWhen a box full of colorful papers arrived, his life was turned upside down. (●'∀`●) A Stray Kids fanfiction. Let's support them guys! Fighting!!! credits to: pancaeks (for the cover!! i love ittt) Started: 10-19-17 Ended: 05-07-18 HIGHEST RANK: 5...