"kanina ka pa dyan sa tabi?" natatawa talaga ako sa kanila. "ah... hindi...naman?" sagot nya. changbin gabe him the most serious face he can pull off. "hehe nung tinawag mo ako para maghugas ng plato." sagot nya at pakamot kamot pa sa ulo. "you were standing there the whole time?" sabat ko. tumango tango naman sya. bakit hindi namin sya napansin?
"okay, whatever. hugasan mo na tong plato. at ikaw." baling nya sakin. "dito na kayo magdinner ni cindy." sabi nya bago guluhin ang buhok ko. tumango na lang ako. my heart was fluttered for a moment until, someone i have never expect to come, entered the kitchen. i froze. he looks tired and irritated.
parang nakakita ng multo si felix ng tabihan sya nito. "hyung! para ka namang kabute bigla bigla kang susulpot! saan ka ba nagsuot ha?" tinignan nyalang si felix. nanigas ako doon at parang napako na ang paa ko sa sahig. my heart sank. my system is filled with anger and pain. how can he act like nothing happened samantalang halos mamatay ako nung mga nakaraang araw dahil sa ginawa nya?
nang lumiko sya sa gawi ko, nanlaki ang mata nya na para bang nakakita sya ng patay na biglang bumangon sa hukay. gusto ko syang sigawan. gusto ko syang saktan. but my body won't cooperate. nakipagtitigan lang ako sa kanya. nang bumibigat na yung awra ng kusina, kusang umalis yung dalawa. leaving us both in the kitchen full of awkwardness.
sabi ko, pag nakita ko tong lalaking to, sasapakin ko sya ng malakas. babasagin ko puhunan nya. kakalbuhin ko sya sa sabunot. sasakalin hanggang sa mawalan ng hininga. pero bakit ganon? hindi ko magawa? kahit sigawan sya hindi ko magawa? ang unfair! ang unfair talaga tangina!
"k-kamusta ka na?" para akong binato ng angkla sa sinabi nya. kamusta ako? anong klaseng tanong yon?
"kamusta ako? ano sa tingin mo? nawala ka ng ilang araw at walang paramdam. nung makita kita, kayo na ng ex mo. tapos tatanungin mo ako ngayon kung kamusta ako? ginagago mo ba talaga ako chan? eh kung ikaw kaya iwan ko ng biglaan tas tanungin kita kung kamusta ka, matutuwa ka ba?!" wow, ngayon ko lang narealize na pwede na akong sumali ng show me the money 7 sa dami ng sinabi ko. yung galit na nawala kanina, biglaang sumiklab. napakuyom na ako ng kamao. lumapit sya sakin na para bang gusto nya akong yakapin na hindi.
"wag na wag mo akong hahawakan!" lumayo ako ng bahagya sa kanya. "alam mo, alam ko na kung bakit hindi mo na ako niligawan. kasi alam mo naman na gustong gusto kita! na kahit di mo na ligawan, mapapagtripan mo! oh ayan! masayang masaya ka na?" di ko na talaga napigilan. pinagsusuntok ko na yung dibdib nya. sinampal sampal ko na din sya pero hindi sya nagpatinag. bumuhos ang luha kasabay ang mga walang humpay kong pananakit sa kanya hanggang sa, maramdaman ko nalang yung yakap nya.
naubos ang lakas ko. this is what i wanted. i wanted him for the past few days. i wanted him to give me the exact and clear explanation why he left me. i wanted him to be with me. i wanted him to stay.
but he walked away. he left me at binalikan nya si wendy.
kaya hindi pwede! hindi pwedeng bumigay agad ako dahil lang sa yakap nya. i want him to feel more of my pain. kaya tinulak ko sya pero masyadong mahigpit ang yakap nya sakin. "shhhhh... i'm sorry. i'm really sorry." he kissed my forehead, dahilan kung bakit ako lalong umiyak. "i'm sorry. magtiwala ka lang sakin. tatapusin ko lang to, babalikan na kita. wag mong isaksak dyan sa isip mo na, minadali ko lahat satin. mahal na mahal kita but i just have to do this. para satin to. believe me." his voice cracked on his last sentence. i pushed him at sa wakas, kumalas na yung yakap nya. umiiyak sya sa harapan ko. parang gumuho lahat ng pader na ginawa ko for the past few days. lahat ng pagkamuhi at sakit parang nawala. nanlambot ako sa nakikita ko. umiiyak ang taong mahal na mahal ko. pero sa mga oras na ito, pride ko na lang ang meron ako. pag binigay ko pa ito ulit para sa kanya, ubos na ubos na ako. pinilit kong magmatapang at nagsalitang muli.
"para satin? seryoso ka ba? para sa atin pero si wendy yung kasama mo? ang amazing ha? sobrang amazing talaga!" tumawa pa ako para kunwari talagang hindi ako naniniwala. i have to stand firm and never get swayed by his eyes. nakikita kong nasasaktan na sya. nahihirapan din sya. pero kelangan kong tapusin ang sinimulan ko. ayokong matalo dahil iniyakan nya lang ako.
lumuhod na sya sa harapan ko. he hugged my lower body part. "i'm sorry, baby. maniwala ka naman sakin. i'm doing this for us." piapaalis ko sya sa pagkakaluhod pero lalo nya lang hinigpitan ang yakap. "let go chan! wag mo na akong bilugin pa! you're a liar! bitiwan mo na ako!" may isang sentence akong gustong sambitin pero ayoko. isang malaking responsibilidad ang kalakip noon. pag sinabi ko iyon, bibitawan na nya talaga ako literal. ako ang puputol sa lahat. ako ang magmumukhang duwag dahil hindi ako lumaban. ayokong sabihin ang salitang iyon dahil baka mabaliw ako. ayokong sabihing "break na tayo" dahil doon, magsisimula ang katapusan ng lahat. at ayokong mangyari yon. hindi ko kakayanin.
kaya kesa iyon ang masabi ko. pinilit kong kumalas at lumayo sa kanya. "kausapin mo na lang ako pag totoo na yang mga sasabihin mo." saka ako tumakbo palayo at di na lumingon pa kahit todo ang tawag nilang lahat sakin.

BINABASA MO ANG
Letters to Chan ° Stray Kids
FanfictionWhen a box full of colorful papers arrived, his life was turned upside down. (●'∀`●) A Stray Kids fanfiction. Let's support them guys! Fighting!!! credits to: pancaeks (for the cover!! i love ittt) Started: 10-19-17 Ended: 05-07-18 HIGHEST RANK: 5...