"Class next week ah? Lahat ng plates nyo ikocompile na okay? See you." hinagilap ko na lahat ng gamit ko. Absent na naman tong si Cindy. Bakit kaya? Di manlang nagtext sakin to si baluga ng taon kung bakit."Sydney?" nilingon ko yung tumawag sakin. Si Ms. Jen pala, yung prof namin. "Yes Miss?" sagot ko dito habang sakbit sakbit na yung bag ko. "Pwede bang tulungan mo akong magcheck ng midterm exams ng first year?" napanganga ako saglit. Eh sabi pa nama ni Chan susunduin nya ako. "Uhhh, madami po ba yan? May nghihintay po kasi sakin, Miss eh." sagot ko. Tinignan nya yung relo nya saka ako nilingon. "It's just 4:17 still early. Bakit? Yung boyfriend mo ano?" isang nakakalokong ngisi ang ibinigay nya sakin. Hehe, may pagkachismosa din pala to. De joke lang haha. Totoo naman eh. Hay, chat ko na nga lang ton si ilong. "Miss, chat ko na lang sya. Mukhang ako lang din naman po ata makakatulong sa inyo eh." sagot ko nalang. Takteng yan, uwing uwi na ako. Pero mabait kasi tong prof ko eh. Nakakahiya ding tanggihan.
"Oh, okay. Thank you, Sydney. Kunin ko lang doon sa faculty room. Dito na tayo magcheck." sambit nya saka ako tinalikuran. Pambihira naman talaga oo. Kinuha ko yung phone ko at chinat na si ilongski.
"Mauna ka na. Nautusan pa ako ng Prof ko e mamaya pa ako makakauwi."
Nilabas ko na lang yung red ballpen ko at hinintay si Miss Jen. Sana naman di ganoon kadami. Pero kasi sa pagkakaalam ko, limang section ng first year yung hawak nya. Kaya, good luck friend.
"Thank you, Syd ah." sambit nya ng matapos kaming magcheck. Ang sakit ng pulso ko. Ngumiti na lang ako at tumango. "Sige, Miss. Una na po ako. Ingat po kayo pag uwi!" lumabas na ako ng room. Narinig ko pa syang sumigaw ng mag-ingat din ako. Di ko na nilingon kasi malayo layo na din ako eh.
Palabas na ako ng gate ng maramdaman kong, may parang sumusunod sa akin. Unti unti kong binilisan ang lakad. Kakaunti nadin ang tao dito sa school at yung iba ay may klase pa. Ano bang oras na? Sumulyap ako sa phone ko. 6:38 pm. Ganoon kabilis yung oras?!
Kinawag ko yung ulo ko at mas binilisan pa yung lakad. Sino ba tong mga to? Ramdam kong nakikisabay sila sa akin kaya halos tumakbo na ako. Takte, ano bang kailangan nila?!
Chan, nasaan ka ba anak ng teteng!
Tumakbo na ako ng mabilis pero naaabutan talaga nila ako. Hanggang sa makarating na ako doon sa kanto na short cut papunta sa dati naming bahay. Liliko na sana ako ng bigla akong hatakin ng kanina pang humahabol sakin. My heart skipped a bit. Lord, kayo na po ang bahala sakin. Sapilitan nya akong pinaharap sa kanya hanggang sa...
"TEH BILI KANG SIM NG GLOBE?"
PUÑETA.
"BWISET KA KUYA ONG!" humagalpak sya ng tawa habang ako? Busyng busy sa paghampas ng bag ko sa kanya! "Kuya nakakabadtrip ka! Bakit parang ang dami nyo kanina? May kasama ka pa ba? Gago ka!" sabay hampas ulit. Natawa na ako sa sobrang kaba, inis at natatawa na talaga ako dahil sa kanya. Hinampas ko pa ulit. "Gago!" pagkasabi ko nun, naglabasan na sila Kuya Danik at sila Kuya Jisung. Tawa lang kami ng tawa habang tinatampal ko sila isa isa.
Nagulat na lang kaming lahat ng biglang humandusay ang isa sa kanila. Napatulala na lang ako ng umamba din ng bawi yung mga kulugo ng taon. "Jisung!" pareho silang lumingon. Aba'y anak ng tinapa, sila Chan pala to!
Hindi na ako makapagitna kasi nagrarambulan na sila na parang kumpol ng pusang nilaglagan ng isang dilis.
"HOY TAMA NA!" di pa din nila ako pinapansin at nagsusuntukan pa din sila. Humila na ako ng isa pero g na g talaga mga tol. Naghanap ako ng pwede kong gawin kasi hindi talaga sila titigil. Nilingon ko yung paligid ko at nakakita ako ng faucet. At salamat sa diyos kasi may hose. Lumapit ako doon at binuksan ang gripo to the maximum level.
"Di kayo titigil ah!" sumaboy yung tubig na para kaming nagrerave party. And sa wakas, natapos sila. "HOY!" sigaw nila saking lahat. Bahala na mamaya kung paano ko ieexplain pero sa ngayon, kokotongan ko muna silang lahat.
ヾ(@^▽^@)ノ
bare with me mga dudong surreh na
BINABASA MO ANG
Letters to Chan ° Stray Kids
FanfictionWhen a box full of colorful papers arrived, his life was turned upside down. (●'∀`●) A Stray Kids fanfiction. Let's support them guys! Fighting!!! credits to: pancaeks (for the cover!! i love ittt) Started: 10-19-17 Ended: 05-07-18 HIGHEST RANK: 5...