25: NARRATION

713 40 1
                                    


"Ugghhh.." umaatikabong sakit ng ulo yung bumulaga sakin ngayong umaga. Anak ng tinola anong oras na?? Tumingin ako sa wall clock ko sa gawing kanan malapit sa pinto. "8:45.. Anong araw ba ngayon?" ingit ko at tinaggal ang nakabalot na kumot sa katawan. "Likot mo, takte." napabalingkwas ako at nalaglag sa kama. Anong ginagawa ni Cindy dito?! Oh my gosh.. Yung kahapon!

Habang sapo ang pwet, tumayo ako at chineck sya. Yung bruha, mulat na mulat sa cellphone nya. Hinampas ko ng unan. "May nagawa ba akong katangahan kagabi?" tanong ko sa kanya. She gave a smirk at my pagtaas taas pa ng kilay. Oh no. "ANO NGA?! WAG MO AKONG NGININGISI NGISIAN LANG DYAN!" hinampas ko ulit sa may parteng binti. Tumatawa na sya ngayon. "Wala naman. Kinabahan ka noh? Umiiyak ka lang tas sabi mo 'ayaw ko na sa kanya'. Paulit ulit ganun lang." nakahinga naman ako ng maluwag. Baka mamaya, asarin ako nito nakakahiya. Tinutupi ko na yung kumot na ginamit namin.



"Ay nga pala. Chinat ako ng kapatid mong pogi. Pupunta daw sya dito ngayon." napalingon ako bigla. There's a hint of joy in my heart. Sa wakas uuwi sya ng bahay!


"TALAGA? ANONG ORAS DAW?" di ko na natago yung saya ko. "Ngayon na. On the way na kanina pa eh. Baka nga malapit na sya. Maghanda ka na don yayariin ka daw nya." napawi agad yung saya ko. Bakit? Ano na namang nagawa ko? Teka baka dahil sa kagabi? Pero paano nya nalaman? HOLEH...


"HOY! NAGSTATUS KA BA KAGABI?!" inalog alog ko pa si Cindy. "Oo. Teka nahihilo ako lalo sayo! Magluto na tayo don sa baba! Gutom na ako bestie!" tumayo na sya at lumabas samantalang ako, di ko alam kung aong gagawin ko. Teka, bakit ba ako natatakot kay Hyunjin eh mas matanda ako don? Hay ewan. Nababaliw na ata ako. Bahala na nga.

I searched for my phone matapos mag-ayos ng kama. Saka ko lang naalala, kung bakit ko yon ginawa kagabi. Kung bakit ako nahihilo ngayong umaga. Dumiretso ako sa may study table ko at hinila yung drawer.

Nasaan na yung mga iyon? Itatapon ko na.

Hinanap ko yung box na pinaglalagyan ng mga papel pero di ko makita. Baka naman nasa cabinet kong isa? Lumapit ako sa pinakamalaki kong cabinet. Pinaghahalughog ko nayung mga damit. Wala na akong pake kung masira yung patas non. Kaya ko pa yung ayusin, pero itong nararamdaman ko, di agad to maaayos.

Sa pinakailalim na parte, natatabunan ng mga comforter doon ko nakita yung box na nakabalot sa denim. Cinostumize ko pa ito para sana maganda pag iniabot ko. Pero parang di ko na ata kelangan pang iabot. Para saan pa? Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang iilang pirasong ng mga di kulay na papel. My heart twitched when I remembered how I stayed up all night just to finish this box and some of the letters I wrote. Nag-effort pa ako tapos wala din naman palang mapupuntahan. A familiar feeling rushed inside of me. The heavy and painful feeling. I lose my balance kaya napaupo ako sa sahig. Tumilapon ang papel sa sahig at pinagpupulot ko agad. Nagmamadali sa di ko malamang dahilan. Then suddenly, a black shoe with white sole appeared before my eyes. Pinulot ang isang kulay blue na papel at chineck kung ano yon. Tumayo ako bigla ng bubuksan na nya yung papel at inagaw yon sa kanya.


"Anong iniiyak mo kagabi, noona? Yan ba? Yung pagbibigyan mo nyan?" si Hyunjin habang diretso ang tingin sa nagtutumpukang papel na basta ko na lang ipinalsak sa box. Napakunot ako ng noo. Paano nya nalaman? Did someone tell him? "A-anong sinasabi mo dyan?" I muttered as if nothing happened. Inilayo ko na yung box at itinago ulit sa cabinet. Nagkunwari akong walang nangyari dahil hindi ko na alam ang dapat ko pang maramdaman sa mga oras na 'to. I keep on calming myself in my head pero di ko magawa. Masyadong masakit. Feeling ko ang OA ko na.

"Seryoso ka noona? Alam ko naman eh." I stopped for a moment. Hala, nakakahiya! "Ano bang sinasabi mo dyan? Kumain na tayo sa baba. Halika na dito." nilagpasan ko sya pero napatigil din ako sa amba ng pinto dahil sa sinabi nya. "You like Chan hyung, right? Bakit di mo na lang sabihin?" hinarap nya ako. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Shocks! Sino nagsabi sa kanya? Paano nya nalaman? "Alam ko na noona noon pa. Walang nagsasabi sakin." ngumisi sya at inakbayan ako. He's way taller than me. "Tara na. Lilipas din yan, maniwala ka sakin. Kumain na tayo." di pa ako nakakaalis sa gulat ay hinila na nya ako pababa sa kusina.


"Noona." tawag nya habang pababa kami ng hagdan. "Kelan mo pa nalaman?" I kinda cool down. Okay na to kesa itatago ko pa ng itatago. Tutal kapatid ko naman sya. Ang kinakatakot ko lang, yung pang aasar nya sakin. Baka kotongan ko to ng langka. "Matagal na hindi ko na matandaan eh. Ikaw ah? Nagtatago ka pa sakin. Umamin ka kaya sa kanya?" siniko ko na. Dumaing naman sya sa ginawa ko. "Baliw ka ba ha? Akala mo ba madali yon?" sabi ko. Akala ata ng isang to madali eh. Natatakot nga ako sa isasagot nya sakin kaya mas okay ng ganito lang.


"Ayos ka na?" na-out of balance ako ng wala sa oras buti na lang nandito tong kapatid ko. Kundi laglag ako sa hagdan. Si Changbin, nakaupo sa sofa habang nakatingin saming magkapatid. Nilingon ko na si Hyunjin na nangingiti ngayon. "Sumama si hyung noona. Gusto ka daw makita eh." tinignan ko ulit si Changbin at nginitian. Kain na tayo nagluto na ata si Cindy.


"Sa susunod na dadalaw ka, sabihan mo ako ah? Para makapag-ayos naman ako ng bahay. Okay?" sabi ko kay Hyunjin at tumango naman sya. Nagsimula na kaming kumain. Daldal lang ng daldal si Cindy at kinukwento yung mga pinag gagawa namin kagabi. Hindi ko na sya pinapakinggan. Ang mahalaga, di ako nabaliw ng malala kagabi. Jusko, baka ikamatay ko ang pang aasar nila sakin. Napatigil na lang sya ng tumunog yung messenger nya. Nanlaki yung mata nya sa screen sabay tingin sakin.


"May girlfriend si Chan?!" sabe nya at tumingin sakin. Hinarap naman ako ni Changbin. "Gusto mo si Chan hyung?" Di ata ako nakahinga ng saglit. Thinking about Chan and talking about him makes my heart sink into the bottom. Hindi ako nagsalita. Mukhang nakuha naman na ni Changbin at Cindy ang gusto kong mangyari.


Para akong tanga. Pucha.










(o;TωT)o


Wow lutang yung update. Sakit pa din guys. I'm not backing down. Babalik si Minho. Ibabalik si Minho ㅠㅠㅠㅠㅠㅠㅠㅠ

#BringBackMinho
#StrayKids9orNothing

Letters to Chan  °  Stray KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon