62: Changbin's Side

523 22 22
                                    

WARNING: HEAVY DRAMA ALERT. DEJOKE, SIGE BASA LANG. THIS IS LINKED TO HIS FANFICTION, 11:11. MAY CONNECT PA DIN SYA DITO SA FICT NA TO OFCOURSE HEHE. 😊 HOPE YOU'LL ENJOY









"HYUUUUNNNNGGGG!!" sa kalagitnaan ng masaya kong pagmumuni muni, eto na naman tong australlianong lamog para sirain ang moment ko. Sipain ko kayo ni Chan hyung eh.

"Problema mo?" simpat ko sa kanya habang umaakyat sya ng spiral stairs papunta dito sa rooftop. "Sungit mo ah? Meron ka?" asar nya sakin. Kinunutan ko lang sya ng noo. Mukha ba akong may obaryo? Sira ata tuktok nito eh. "Joke lang." pahabol nya. "Ano ba kasi yon? Nananahimik ako dito, gagambalain mo ako." binalik ko yung tingin ko sa view. Kita dito sa rooftop namin yung city lights at matataas na puno. Kahit yung tower sa mukhang kandila kita dito. "Si Chan hyung kasi, wala pa din hanggang ngayon. Di daw nagparamdam kay Sydney noona. Ayun, napraning." aba't anong di ko alam?

"Si Sydney?" napakunot noo ulit ako. He gave me an amusing look. "Suuus, pag kay Sydney noona mabilis. Pero pag sa iba, walang pake. Gusto mo pa din sya noh, hyung?" tinusok tusok nya pa yung tagiliran ko. Pinitik ko yung noo nya. "Manahimik ka, tatamaan ka na talaga sakin." hinaplos haplos nya yung noo nyang mapula pa sa kamatis dahil sa pitik ko. "Hyung, nandito naman ako ah? Bakit di na lang ako?" niyakap nya pa yung kaliwa kong braso. Nagtindigan yung balahibo ko at napalayo. Ano bang nakain nito ngayon?

"Hoy! Lasing ka ba Felix? Nababakla ka na naman!" nagpout lang sya sakin. Lord, malala na tong isang to. Kunin nyo na po. De joke lang patayin ako ng fangirls nyan eh. Mahirap na. "Eto naman si hyung nagjojoke lang. Kwinento lang sakin ni Jisung hyung. Nagchat daw kasi sa kanya, ayun, nagrereklamo sya. Ginawa ba namang counselor si Jisung hyung. Lakas tama din ng ate ni Hyunjin hyung noh?" natawa kami pareho. Well, totoo naman. Lakas tama talaga yung babaeng yon. Pero hindi eh. Hindi pa nya pwedeng malaman. Hindi pa. Hindi ngayon.

"Sige hyung, iiwan muna kita ha? Maghuhugas pa akong plato. Baka kaltukan na ako ni Woojin hyung eh." tumango na lang ako. He then, left.

Napahinga ako ng malalim. Wendy's back at him lately. Napapaisip na naman si hyung sa ex nyang psychopath. Alam naman nyang siraulo, papatulan pa. Pero hindi eh. Hindi din mangyayare yung gusto ng panget na yon. Mas okay kung mang gagaling kay Chan hyung lahat kesa pangunahan ko siyang sabihin kay Sydney.

Alam ko namang magpapanic yung si Sydney kaya di ako nag-online maghapon. As much as possible, pati pag layo gagawin ko. Kasi ako pa lang ang nakakaalam ng lahat. Baka pag di ko napigilan, masabi ko sa kanya. Ang hirap pa namang tumitig sa mata ng babaeng yon. Sobrang nakaka intimidate. Feeling mo, lagi kang sinisingil sa lahat ng kasalanan mo pag tinitigan mo sya eh.

"Tssss." ingit ko sa mga naiisip at napailing. Bakit ganon? Pag nagkakagusto ako, kaibigan ko yung gusto ng gusto ko tapos ako, ayun. Friendzoned. Lagi. Pero yung pinakamasakit sa lahat, etong kay Wendy. Ewan ko ba. Tanga ba ako?

Ang sama ng ugali nya. Everyone love and hate her at the same time. Bratinela. Mayamang sobrang arte at higit sa lahat, gaga. Gagang gaga kay Chan hyung. Akala ko makakamove on ako sa kanya eh. Not until today, ng malaman kong gusto nyang pakasalan si Chan hyung. Parang tumigil ang mundo. May kung anong init ang dumaloy mula sa tiyan ko papuntang dibdib at doon, nanatili sya. Hanggang sa naging mabigat at masakit ang bawat tibok. Di pa pala ako okay. Hindi pa pala ako nakakarecover sa lahat lahat ng sakit. At ngayon, dumoble, triple at apat na beses pa ata yung sakit.

Bakit ganon? Bakit laging ako?

Nagustuhan ko si Sydney. Pero, gusto nya si Chan hyung. Ako na naman ang unang nakakita pero ako pa din yung hindi nakita. Una kong nakita si Wendy. Ako din ang unang nakakita kay Sydney. At sa iba pang babaeng nagustuhan ko. Pag hindi si Chan hyung yung gusto, si Jisung. Pag hindi si Jisung, si Minho hyung. At pag hindi si Minho hyung, si Hyunjin at Felix. Nagiging tulay ako sa lahat. Sa lahat lahat and it kills me. Pero kung para sa mga kaibigan ko, bakit hindi ko kakayanin diba? Basta sa kanila, okay lang.

Naisip ko na naman yon bigla. Nakakainis. May mali siguro sakin kaya lagi akong nganga. Kaya lagi akong wala. Pero bahala na. Basta ngayon, wala muna lahat. Kailangan ko munang kumilos para walang masaktan. Mananahimik muna ako dahil yun yung dapat kong gawin. Bahala na.

"HOY BABA!" napalingon naman ako sa biglang umakyat. "Bwisit ka hyung. Ikulong kita sa mga bundle mo eh." simpat ko. Nagtawanan kami pareho. Inakbayan nya ako habang nakalagay yungkanan nyang kamay sa bulsa nya. "Anong ginagawa mo dito? Nag-aalala ka pa din noh?" napalingon ako sa kanya. Pinagsasabi nito? Kinawag ko yung kaliwa kong balikat kaya nalaglag yung kamay nya. "Anong sinasabe mo?" sabi ko sa kanya. Diretso lang yung tingin nya sa kawalan. "Alam ko yung kay Chan hyung. Itago mo na muna. Tayo pa lang yung may alam. Saka mo na sabihin. Wag mong patayin sarili mo sa kakaisip." sabi nya saka naglakad palayo sa akin. "Hyung!" tawag ko sa kanya pero kumaway na lang sya. Bahala ka nga dyan Lee Minho! Matanda ka na, alam mo na gagawin mo!

Ilang buwan na lang meron si Chan hyung. Di nya pwedeng aksayahin lahat ng yon ng wala sa tabi ni Sydney. Kelangan nyang mamili sa dalawa. Kung hindi lang talaga nablackmail yon ni gaga, di mangkakagulo eh. Kabadtrip talaga!

Pero bahala na. Ang mahalaga, di pa alam ni Sydney lahat. Saka na pag bumalik na si Chan hyung galing ng hospital. Kairita talagaaaa!!!












(⌒▽⌒)

ang update koy walang kwenta~ walang kwenta~ walang kwenta itong update~ 🎶 lol muntanga angel whooo

Letters to Chan  °  Stray KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon