67: NARRATION

538 27 6
                                    

Lima. Limang araw na syang walang paramdam. Limang araw na syang hindi nangungulit at hindi nagpupunta ng bahay. Wala pa kaming isang buwan, ganyan na agad sya. Three weeks pa lang tayo Chan! Bwisit ka! Nagpapakita ka na agad ng ugali! Sabi ko na nga bat nagustuhan mo lang ako dahil alam mong gusto kita. How can you be like this?

"Wag na wag ka ng magpapakita sakin kung wala kang maayos na explanation kung bakit ka nawala bigla. Hihiklatin ko talaga yang malaki mong ilong!" pinagdudutdot ko yung screen ng phone ko na nakabungad yung profile nya. Nakakairita talaga tong ilong na to! "AAARRRRRGGGGGHHHH!!!!" nakakairita talaga! Sana naman noh! Sana naman! May makapagsabe sakin kung nasaan ka na! Walang kwenta tong kapatid ko. Walang alam! Kung kelang kailangan ko! Bakit pa kayo nagsama sa iisang dorm?! Kahit kailan talaga yong pangit na yon. Walang pake sa mundo!

"HOY! NAPAPRANING KA NA BA? SIGAW KA NG SIGAW DYAN SA OPEN FIELD NG MAG-ISA? KANINA KA PANG PINAGTITINGINAN OH." nilingon ko kung sino man ang tumawag saking praning. Wala kang alam!

"H-hyunjin-ah?" ewan ko ba. Pero yung utak ko, sinasabe saking tumakbo ako papalapit sa kapatid ko. So, I did. Tumakbo ako papunta sa kanya kahit naiinis ako. Niyakap nya din ako kaya hindi ko napigilang maiyak. I burried myself on his chest. Wala si Cindy these past few days kaya wala akong matakbuhan. Akala ko ako lang mag-isa ulit ngayon. Pero I guess, hindi. My idiot brother is here. Kahit kasi si Changbin, wala. Hindi nagpaparamdam. Masyado akong consumed ng lungkot ko na parang nanigas yung daliri ko para magtype.

Nang makabalik na ako sa katinuan, hinampas ko sya. Agad naman syang napaatras. "Noona! Ano bang ginawa ko? Niyakap mo ako tas iniyakan tas ganito lang? Hahampasin mo lang ako? Takas ka ba talaga sa mental?!" gulat pa din sya na naiinis sakin. "Hindi mo na ako kinakausap! Hindi mo na ako kinakamusta! Tapos ngayong kailangan kita, wala ka! Nakakainis ka na!" bulyaw ko. Nilingon lingon naman nya yung paligid namin. Tila ba nahihiya sa ginagawa ko. Pero wala akong pake sa kanila. Di ko alam pero ang importante lang sakin ngayon, mailabas ko lahat ng ito.

Hinawakan nya ako sa braso saka inilayo doon sa open field. Nahiya na talaga sya sa Ate nyang nagwawala na parang kindergarten. Pinaupo nya ako sa isang bench di kalayuan doon. Ngayon, konti na lang yung tao. Hinarap nya ako. Pero bago sya magsalita, huminga muna sya ng malalim. Naku po. Ayan na, magrarap na yan. In 3... 2...

"Noona! Hindi ka ba nahihiya? Ang tanda tanda mo na, para kang batang di binilhan ng laruan kung makapagtantrums. Oo na! Sorry na! Di na kita nakakausap ng matagal. Paano ba naman kasi, puro ka Chan. Chan! Chan! Lagi na lang Chan! Lahat kayo puro Chan! Nakakairita na kaya! Tapos kinakausap mo lang ako pag itatanong mo kung anong ginagawa nya or kung ano ano. Lagi na lang tungkol sa kanya. Minsan nga iniisip ko, pag namatay kaya ako, may makakaalala ba sakin? Sa tingin ko kasi wala eh! Ngayon pa nga lang ganito na! Paano pa kay- ARAY! NOONA NAMAN!!" pinitik ko na. Nakakainis na lumalabas sa bibig eh. Magpapalpitate ako sa batang to!

"Sino nagsabi sayong walang maghahanap sayo? Ako! Ako ang unang maghahanap sayo! Tsaka teka nga, ako yung nagdadrama dito. Bakit ka nakikisabay? Ikaw ba yung bigla na lang iniwan sa ere? Diba hindi! Tsaka.... Oo na! Sorry na di na mauulit. Lab naman kita eh." yuck. Dejoke! Mahal na mahal ko yan kahit nagmumukha akong nanay nya pag magkasama kami. Aba'y ang tangkad ba naman. Mukha akong nanay o yaya nya eh! Kairita!

"Okay.. Sorry na. Pero noona, ilang araw na din syang walang paramdam samin. Kahit magulang nya, walang pasabi samin." sagot nya lang sakin. Lalo akong nanghina. Napatingala na lang ako sabay hawak sa batok ko. What did I ever do to you? Wala kasi akong maalalang ginawa ko sa kanya bago sya nawala eh. Kagabi, yun yung pilit kong iniisip. Yun yung pilit kong inaalala. O baka dahil nga napilitan lang sya dahil dun sa mga sulat ko? Naguguluhan na ako.

"Jin.. Minsan ba, naikwento nya ako sainyo? Nakukwento nya ba ako kagaya ng pagkukwento ko tungkol sa kanya sa ibang tao? O.. Ako lang? Ako lang ang may interes sa relasyon na to. Kasi di ko na alam eh. Nababaliw na ata ako." kumirot ang dibdib ko at naiyak na naman ako. Ewan ko ba. Baliw na ba ako? Sabihin nyo nga sakin.

Wala syang imik. Tanging hangin at kaluskos lang ng dahon yung narinig ko. Okay, I guess he never did. Nakaramdam na lang ako ng yakap. Nakatagilid kasi ako kay Hyunjin kaya mas nayayakap nya yung balikat na part ng katawan ko. Ramdam ko ding ipinatong nya yung baba nya sa ulo ko. He took a deep sigh and said, "Araw araw. Nakakarindi na nga noona eh. Nakakapagod pakinggan." sagot nya. Napalingon ako sa kanya. Yung adam's apple nya lang yung nakikita ko. Hay jusko, pag naging sweet talaga to, sweet eh. Kaya nga naiisip ko minsan, pag nag girlfriend na kaya to, lalambingin nya pa kaya ako? Aasarin nya pa kaya ako araw araw? Papansinin nya pa ba ako? Baliw na ata talaga ako e. Kasi pati to, naiisip ko na.

"Talaga ba?" I caressed his hand that's on my right shoulder. "Oo. Kahit sa pagkain namin, ikaw pa din kinukwento nya. Pag may nakita syang bagay na nakakapagpaalala sa kanya na tungkol sayo, ikukwento nya. Hanggang sa patitigilin na lang sya ni Woojin hyung kakadaldal. Si Felix nga, winowalk outan na sya minsan. Pero wala kamingmagagawa eh. Mahal na mahal ka nya noona." sabi nya bago ako haraping muli. My tears fell rapidly. Kung ganoon, bakit nya ako ginaganito ngayon? He patted my head saka ako niyakap ulit. "Noona, buhay pa si Chan hyung. Kung makaiyak ka naman dyan kasi, parang nawala na sya. Let's just give him time. Malay mo, may rason naman syang maayos kung bakit nangyayari lahat ng ito. Hintayon lang natin sya. Okay?" Hinahaplos haplos nya yung buhok ko. I did not say a word. Kasi ang tanging nararamdaman ko lang noon, yung sakit na nararamdaman ko ngayon. I miss him so bad. So, so bad.

"Sige na Noona, may klase pa ako eh." we talked about something else matapos kong umiyak. Sabi nya, nagpaplano na daw syang umuwi ng bahay. Magsosorry na daw sya kila Mama. Aba, dapat lang ano? Dalawa na nga lang kami, magbabaliw baliwan pa sya. Hmp!

"Okay, sige. Hyunjin ha? Promise mo yan!" sabinko ng makalayo layo na sya sakin. Tumango lang sya sabay ngiti then he walked away. Uuwi na akong bahay. Tutal, wala naman na akong gagawin dito. Matutulog na lang ako at magpapakasasa. Kesa iisipin ko sya ng buong times ng wala sya. Ayoko ng ilublob pa ang sarili ko sa bagay na, alam ko namang babalik sakin. Hindi man ngayon, baka sa mga susunod na araw. Tama si Hyunjin, hihintayin ko muna sya.

Naglakad na ako palabas ng school. Mabagal lang iyon at ninanamnam ko ang bawat yabag. Kailan kaya sya magpaparamdam? Hay! Sabi ko nga, di na muna ako mag-iisip. Hihintayin ko nalang muna sya.

Ilang hakbang mula sa gate, natanaw ko ang isang itim na kotse. Mukhang bigating tao yung dumating. May lumabas sa driver's seat at agad ng binuksan ang pinto sa likod. Napatigil ako sa paglalakad ng makitang si Wendy ang lumabas.  My heart pumped so loud my ribcage almost break. She took off her glasses and in just a blink of an eye, Chan left the car and hold Wendy's hand. Nanlambot ang tuhod ko. Para akong naparalisa bigla sa nakita ko. Hindi. Hindi totoo to!

Isang malakas na busina mula sa likod ko ang nagpagising sa akin. Muntik na akong mabangga. Di ko namalayang nasa car lane na pala ako naglalakad. Tumabi ako. Tinignan ko muli ang direksyon kung nasaan sila. Wendy gave me an amusing look with her lips grinning. I then looked at Chan and saw him with his head on the ground. You bastard!













゚( ゚இ‸இ゚)゚

WE BE SCREAMING GO~ GO! GO! DI KO ALAM KUNG BAKIT KO TINYPE YAN DITO PERO LSS TALAGA AKO SA MGA KANTA NG NCT NGAYON HEHEHE BYEEEE

Letters to Chan  °  Stray KidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon