*contains lower case letters*
-------------------
"saan ba kasi tayo pupunta, syd?" she asked for the nth time. "sumunod ka na lang." sagot ko. hindi ko alam kung ano pa ba yung mga susunod na mangyayari sa buhay ko bukas at sa mga susunod pang araw. basta ang alam ko, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. hirap akong huminga. ultimo pagkurap, dagdag sa hirap. ganito pala yung feeling ng broken hearted? i mean, naranasan ko na naman na yon pero yung durog na durog, hindi pa.
"wait, daan to papuntang—"
"oo. doon nga."
"eh anong gagawin natin dito? nababaliw ka na ba?!" hindi ko na sya pinansin at dumiretso na lang sa paglalakad. here goes nothing.
kumatok ako sa pinto ng unit nila. kinakabahan ako kahit na alam ko naman nang, wala dapat akong ikakaba. sa pang apat na katok, bumukas ang pinto at iniluwa noon ang gulat na gulat na mukha ni jeongin. "noona!" banggit nya. nilingon nya si cindy na nasa likod ko. mukha syang naguguluhan na natatae na ano sa gulat. pinapasok nya nalang kami. "bakit mukha kang natataranta, jeongin?" tanong ni cindy. i don't even have the strength to talk. being inside this place for the very first time, makes me feel queasy.
"saan yung kwarto ni hyunjin dito?" tanong ko habang naglilibot ng tingin. maayos sya at di ko ineexpect dahil puro lalaki ang nakatira dito. "ah doon noona. tatawagin ko po ba sya?" tanong nya sakin. nakangiti pero medyo mukhang kabado. "yes, please. and jeongin?" nilingon nya ako. "po, noona?" his eyed widened. "bakit mukha kang kabado? hindi naman kita kakainin." nataw ako sa sinabi ko. kahit sya din natawa. umiling lang sya habang nakangiti. "nakakahiya po kasi yung bahay namin, ang gulo. sorry po." sambit nya bago tumalikod at nagmamadaling tinawag si hyunjin sa kwarto nya.
"ang tahimik ng dorm nila ah? si woojin kaya nasaan?" sabi ni Cindy kaya napatingin ako. tinaasan ko sya ng kilay. "at ilang beses ka na nga pala nakapunta dito? alam na alam mo kanina kung saan tayo pupunta ah?" napakamot sya sa ulo na parang nahihiya na ewan sakin. "madami na beshtea he he." umiling na lang ako at ngumiti. "alam ni kuya danik yan?" tanong ko. umiling sya bilang sagot, "wag mo munang sasabihin. yari ako dun!" tinignan ko lang sya. "ikaw ha? wag kang pumupunta sa bahay ng lalaki. dapat ikaw ang pinupuntahan. sipain kita dyan cindy." untag ko bago binalik ang tingin sa paligid. i wonder if wendy visits here. why am i thinking about those stuff? tsss.
"noona!" nabalik ako sa wisyo ng makitang, buong tropa na nila yung lumabas. agad namang tumabi si woojin kay cindy. di ko na lang pinansin. edi sila na may forever ako na nawalan :(
"kamusta ka na?" sabi ni hyunjin sakin pagkaupo nya. "same shit, hyunjin." sagot ko. nilingon ko si changbin na parang nahihiyang tumingin sakin. tinitigan ko lang sya habang hinihintay na magtama ang tingin namin. and when we did, lumingon agad sya sa ibang direksyon. "magluluto na muna ako." sambit nya sabay talikod saming lahat. something seems so wrong.
"wait lang." sabi ko at sinundan si changbin sa kusina. nakatalikod sya sakin habang kumukuha ng mga gagamitin nya. "felix, pakihugasan nga tong mga plato. tatamaan ko na yung huling gumamit nito eh." sabi nya habang nag-aayos pa din ng mga gamit gamit doon. sumandal lang ako sa wall na nagdidivide sa kitchen at sa dining area. nang humarap sya sa lamesa, nagulat sya ng makita ako. i remained expressionless and calm. nang mapansin nyang walang epekto sakin ang reaksyon nya, he cleared his throat.
"kanina ka pa bang nakatayo dyan?" tanong nya habang inilalapag yung mga chopping board at kutsilyo sa mesa. "not so. bakit parang gulat na gulat ka pag nakikita mo ako?" tanong ko at umupo na sa silyang nasa harapan ko. hinintay nya akong makaupo saka sya nagsimulang maghiwa ng mga gulay. "i'm not. bakit mo naman nasabi yan?" tanong nya. nakita kong umangat ang labi ni changbin. di ko alam kung saan ko nahagilap ang inis at agad ding tumaas ang kilay ko. "ano bang nakakatawa sa tinanong ko changbin?" di ko na naitago yung inis ko. napatigil sya at tinignan ako. "ano bang gusto mong palabasin dito sydney? sabihin mo na! hindi yung bigla kang magtataas ng tono at magtatanong ng kung ano ano dyan! ano bang ipinunta mo dito?" nagtiim bagang ako sa inis. ano nga ba? ano nga bang ipinunta ko dito? anong ipinaglalaban ko?
"kayo! kayo ang ipinunta ko dito! bakit nung bigla biglang nawala si chan, nawala na din kayo? ni isa sa inyo wala akong makausap. ni isa walang nagsabi sakin kung anong nangyare! ano to? squad goals?! sabay sabay kayong mawawala tas di kayo magsasabi?!" napaos ako sa huling salitang nabigkas ko. tumulo ang luha ko. walang tigil at bawat patak, masakit. hinahabol ko ang hininga ko sa bawat hikbi ko. bakit kelangang mangyari sakin to? ano bang ginawa kong masama para maranasan ko to? ayoko na!
dalawang araw pa lang yung nakakaraan pero bakit feeling ko, taon na yung nalagas? this pain is surpassing my happiness. i can't bare with it anymore.
"syd.." pag-angat ko ng ulo ko, mukha ng nakaluhod na si changbin ang nakita ko. hinawakan nya yung pisngi ko at pinahid ang mga luhang umaagos. "tama na. wag ka ng umiyak." his eyes are full of guilt and sadness. hindi nya ako halos matignan. lalo lamang akong naiyak. naiinis ako sa sarili ko. i entered this shitty relationship. dapat hindi ako umiiyak. pero takte, di ko talaga mapigilan. parang winawasak yung kaluluwa ko sa sobrang sakit. "bakit? bakit kelangang maging ganito lahat? may mali ba ako? bakit nya ako iniwan?" naramdaman ko na lang ang yakap nya. hindi sya nagsalita pang muli. hinayaan nya lang akong umiyak ng umiyak.
pinainom nya ako ng tubig bago ako tinabihan. he's sitting on the chair beside me pero nakaharap sya sakin. hinagod nya yung buhok ko at pinahid ang luhang gumulong ulit sa mukha ko.
"kung ako na lang minahal mo, edi sana di ka nagkakaganyan. pero may magagawa ba ako? wala naman eh." he smiled bitterly. kumirot ang dibdib ko at automatic na napahawak ako sa mukha nya. "i'm sorry." untag ko. hinawakan nya lang yung kamay ko at hinalikan iyon. i let him do it. hindi dahil gusto ko, pero dahil alam kong yun na lang yung maibibigay ko sa kanya. a friendly love. dahil lahat ng meron ako? kay chan ko na ibinigay. kay chan na sa huli, pinagpalit ako. iniwan. pinabayaan.
"wag mo akong intindihin. siguro di ko pa talaga season ngayon. malay mo, nandyan lang pala sa tabi tabi yung sakin pero di ko pa nakikita diba? hintay hintay lang tayo." ngumiti sya sakin. alam nyo kung ano na lang yung bagay na ipinagpapasalamat ko ngayon? iyon yung magkaroon ako ng mga kaibigang, di ko naman inaasahang dumating, pero kusang naibigay sakin at kasama ko ngayon.
"ah... hyung?" nagulat ako sa isang malaking boses na nagecho sa buong kusina. napahawak ako sa dibdib ko. juskoday felix! nilingon naman sya ni changbin. "oh? kanina ka pa dyan sa tabi?" tanong nya. agad akong natawa. juskoday, nasa tabi tabi nga lang yung pag-ibig nya! my ship is sailing everyone!
∩__∩
hahaha ewan ko ba pero natatawa ako na nakokornihan e 😂
BINABASA MO ANG
Letters to Chan ° Stray Kids
FanfictionWhen a box full of colorful papers arrived, his life was turned upside down. (●'∀`●) A Stray Kids fanfiction. Let's support them guys! Fighting!!! credits to: pancaeks (for the cover!! i love ittt) Started: 10-19-17 Ended: 05-07-18 HIGHEST RANK: 5...